Chapter 25:Excuse Kami

156 113 34
                                    


Klea's POV

Nandito kami ngayon sa gym.Kasama ko si Matthew.Nag-papractice kami para sa nalalapit na Intrams ng school.Nandito rin yung ibang mga representative mula sa ibang year level.Mula grade 7 nandito.Wah, ang dami naman naming maglalaban laban.Pero, talbog sila sa beauty ko syempre.

"Okay, pahinga mun kayo ng one hour at balik kayo dito mamaya para ituloy ang practice." Sabi samin nung dance instructor na nagtuturo samin para sa sasayawin ng lahat ng candidate.

Lumabas na kami ni Matthew sa loob ng gym.

"Saan mo gustong pumunta, Klea." Tanong niya sakin habang nakangiti.Di na seyoso yung mukha niya ngayon.

"Kain na lang tayo." Sagot ko naman sa kanya.Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming naglakad papuntang cafeteria.Nadaanan namin ang classroom namin at nandun pa rin si Mr.Domingo, yung teacher namin sa English.Napatingin samin yung mga kaklase ko at nakita ko si Christian na may seryosong mukha.Badtrip ata.

Mainggit na lang silang lahat na mga kaklase ko dahil sorry sila...

Excuse Kami.

Sa wakas nakarating na kami sa cafeteria.Bakit ba kasi kailangang doon kami dumaan, pwede naman sa corridor na lang malapit sa music room, para hindi ko makikita yung classroom namin.Tapos nakaholding hands pa kaming dalawa.

Okay lang naman sakin kasi nga siya ng crush ko, pero ayoko ng chismis.Mahirap na, pag nalaman ng magulang ko, ililipat na naman ako sa ibang school.Ayokong lumipat dahil ang gusto ko ay sa school lang na 'to makagraduate.Kaya nga ako nagpapakabait this year eh.

"Anong gusto mong order Klea?" Tanong niya sakin.

"Suchi na lang." Yun kasi yung una kong nakita.Nilibot ko pa yung paningin ko at nakita ko yung ice cream.Available na pala. "Saka Ice cream,cookies 'n cream ang flavor." Dagdag ko pa. "Saka, kung okay lang sa nagtitinda, hihihi, pengeng extrang cone,hihihihi." Mukha namang nagulat si Matthew at napakamot na lang sa ulo niya, hahaha, wala eh, mahilig ako sa ice cream cone.May pinagmanahan lang.De joke.

Hinintay na namin yung order namin at nang matapos, inabot na samin yung mga pagkain.Dumiretso kami sa table malapit may bintana.Kita yung view sa labas.Ang ganda nga eh.

Pinagpatuloy ko lang yung pagsubo ko ng suchi.Maya-maya napatigil ako ng punasan ni Matthew gamit ang daliri niya ang bibig ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"May dumi kasi." Sagot niya naman sakin.Malamang may dumi pinunasan niya nga eh.Ang tagal talagang magloading ng utak mo Klea.

Pinagpatuloy ko lang yung pagkain ko ng suchi.Habang si Matthew naman kumakain na ng ice cream niya.Umorder rin pala siya.

"Hi, guys.Ano 'to nag-dedate ba kayo." Nagulat naman ako bigla sa nagsalita.Si Dylan pala at kasama pa yung iba.Tapos na pala yung time sila kay sir Domingo.

"Oo" "Hindi" sagot namin ni Matthew.Nagkasabay kami, kaya lang 'Oo' yung sagot niya.Ano naman kaya ang trip ng lalaking 'to ngayon.

"Ayos ha, sabay kayo ng sagot, magkaiba naman.Ano ba ang tama?" Tanong naman ni Sean.

"Hindi" "Oo" Sagot naming dalawa ni Matthew ngayon siya naman yung hindi ako yung Oo ang gulo namin diba.

"Oh, so yun pala ang totoo.Si Klea pumayag nang magpaligaw." Sabi naman ni David.Tss, nahihilo na ako ha.

"Excuse me lang guys, kailangan na namin ni Klea na magpractice sa gym.Paalam na ha, enjoy niyo lang yung lunch niyo.Tara na Klea." Sabi naman ni Matthew.Tumayo na ako at ganun din naman siya.Naglakad na kami at inkbayan niya naman ako.Talaga lang ha, kinikilig na ako ngayon eh.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon