Chapter 33.2: Being With You (Part 2)

135 90 11
                                    

Klea's POV

Wah, takte ayoko na talaga dito, alam niyo yung feeling na ang dilim na tapos kasama mo pa sa loob ng isang lugar yung lalaking laging nang-aasar sayo.Hays, makasama mo ba naman ang isang abnormal at bipolar na kakambal ni Diego.

Pero, buti na lang at biglang nagkaroon ng ilaw, hays sa wakas at Malaya na akong makatulog.Alam niyo kasi, nahihirapan akong matulog kapag wala masyadong ilaw, alam niyo yun may 'Nyctophobia' lang naman ako.Yes, tama Fear of Darkness.Huhuhuhu, ayoko talaga ng pakiramdam na nasa isang lugar ka na wala manlang kahit na anong liwanag.

Dagdagan pa ng pakiramdam na nasa isang lugar kayo, tapos ang kasama mo lang ay isang lalaki.Huhuhu, ayoko na talaga, kaya naman, wala na akong magawa kundi patulan ang mga pang-aasar ng Diego na 'to eh.Kaya lang, nakaramdam ako ng antok kaya naman,

*ZZZZZZZZzzzzzzzz*

Nakatulog na ako.Hays, ang sarap siguro ng tulog ko, nakaramdam na kasi ako ng init eh, tapos nananaginip pa ako ngayon, kaya naman good night muna ha, tulog na ako eh.Wala kayong pake kung matulog man ako kaya...

*zzzzzzzZZZZZZZZ

"Wow, Mr.Teddy bear of my life bumalik ka na sa tabi ko!" Kasi naman, nakayapos ako ngayon sa pinakmamahal kong teddy bear na iniwan ako nung bata pa ako.Biruin niyo, sabi ko na nga ba eh, babalik ulit siya.

Hindi ko minulat yung mata ko sa halip ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayapos ko kay Mr. Teddy bear of my life, ang Teddy bear ng buhay ko.Inamoy amoy ko pa ang teddy bear ko at hinimas at saka lalo pang hinigpitan yung pagkakayakap ko.

"Mukhang ang bango natin ah." Kasi naman, di ko naman kasi pinapabanguhn yung teddy bear kong 'to, tapos imbis na amoy Downy, eh amoy pabango ng Bench.Alam niyo yun, yung mahal na pabango ng Bench.Abat, sino kaya ang nagpabango sa teddy bear ko?

"Wah, ang tigas mo naman ata ngayon teddy bear ko, hindi ka na fluffy ah.Pero okay lang yan, ganun talaga kapag dumadaan ka na sa puberty stage, hays."

"Wah, pero stuff toy ka lang naman ah, bakit ka dadaan sa puberty?Hays, saka ano ba 'tong nahahawakan ko, Wag mong sabihin na tinubuan ka na ng abs ha?" Wahhh, paano ba naman kasi yung kamay ko naggala tapos napadaan sa matigas niyang tiyan.Grabe, di ko alam kung abs ba talaga yun, ang tigas eh.Ang astig ng teddy bear ko 'no?

"Mr. Teddy Bear of my life, bakit ganun, nagpagupit ka na ba ng buhok mo ngayon ha?" Tss, kahit naman kasi intayin ko yung isasagot niya, walang sasagot diba?Kasi nga teddy bear lang si Mr. Teddy Bear of my life.Pero, nagulat ako nang yapusin niya rin ako.Kaya naman minulat ko na yung mga mata ko

0_____0

"WAHHHHHHHHHHH...DIEGO????" Paano ba naman kasi, imbis na si Mr. Teddy Bear of my life ang makita kong katabi ko, si Christian yung nakita ng dalawa kong mata.Wahhh, ang sama niya talaga, biruin niyo nakayapos siya sakin.Tapos....Wahh, Don't say na sa kanya yung matigas na nakapa ko?Wahhh, ayoko na, bakit ko ba naman kasi mapagkakamalan na katabi ko yung teddy bear ko, eh matagal na yung wala sakin.Hays, ang sama na nga ng araw ko kahapon, pati ba naman ngayon.

I touched his freaking abdomen.At totoo nga, sa kanya 'yon, Wahh, lunok laway kahit panis na Klea, stop it.Wag mong isipin, huhuhuhu.

"Ano ba Sean, ayan na naman kayo sa pagkulit sakin eh, bakit baa yaw niyo na lang na abs niyo ang pagtripan niyo?Pati ba naman yung akin pinagkakaintirisan niyo?Pambihirang mga kaibigan kayo eh, para kayong best friend ko, hays, makatulog na nga ulit, wag kayong istorbo, mga ugok." Hays, buti naman at nakatulog ulit siya, kung hindi, wahh, lagot na ako nito.Hahaha, kahit kailan pala,walang sinanto si Sean, kahit lalaki, pinagkakaintirisan, hahaha, anyways, may naalala ako ngayon eh...Hinawakan ko yung necklace at hays, naalala ko na naman siya.Kasi naman pareho sila ni Chris, hahaha, nakakatawa talaga yung best friend kong yun, hahaha parang si Diego lang na isip bata.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon