Chapter 21:Torpe

171 125 21
                                    

Chapter 21:Torpe

Christian's POV

"Good Morning Guys"Bati samin ni Matthew.Maaga kaming gumising dahil last day na ngayon ng pasok namin this week.Finally, It's Friday.

"What's good in the morning?" Sarkastikong sagot ko sa kanya.Totoo naman kasi.Anong Masaya sa umaga.Kahapon nga nakakabeastmode ang araw ko,tapos paggising ko ng umaga 'good morning' agad ang maririnig ko.

"Oh, Christian. Don't be mad at me only because of what happened yesterday." Tss, ilang araw na rin akong nagtitimpi ng galit ko eh.

Biruin niyo nung isang araw, magkasama sila sa music room.As in, silang dalawa lang.Tapos ang lakas ng loob niyang yayain si Klea na mag-dinner. Buti na lang at bawal kaming lumabas ng campus tuwing weekdays.

"I'm not mad.At kung pwede ba, Stay away from her!"Sagot ko sa kanya.Ayoko nang lumapit siya kay Klea dahil mukhang may crush sa kanya si Klea.

Isa pang kinaiinisan ko ay yung tungkol kahapon.Tama, nagseselos ako dahil hindi ako ang pinili niya.Naiinis ako dahil si Matthew ang naging escort ng section namin.

Dagdag pa natin yung nag-perform kahapon sila Klea.Hindi ako makapagconcentrate dahil iniisip ko kung bakit lagi na lang akong nilalayo ng tadhana mula sa kanya.

"I'm sorry bro, but she is the one who's keeping close at me."Sagot naman ni Matthew.

"Tsk" yan na lang ang nasabi ko.Nakakasawa na rin naman eh. But, I still have my one last chance. Sana na lang ay hindi siya maging queen bee.Ayoko rin namang mawala siya sa piling ko.Na kahit lagi ko siyang inaasar na Betty, ang layo naman talaga ng mukha niya kay Betty la Fea eh.Sadyang nabubulag lang ako sa kagandahan niya.

Naglakad na kami papasok ng classroom.Another day here at Almrich.The school of queen bees.

Kung ako ang tatanungin niyo about sa school na ito.Di ko alam kung may karapatan ako dahil, isa pa I'm just one of the student here in Almrich.Si Justin, siya ang anak ng principal.Ang isa sa mga dapat niyong tanungin.

Di ko alam kung anong gagawin ko para kay Klea. Dahil alam kong marami pa siyang hindi nauunawaan sa mg nagyayari sa kanya.Alam ko namang nakipagkaibigan siya kina Stacey para manalo sa Deal namin.Pero kung alam niya lang, queen bee na siya simula noong unang pagtapak niya sa school na 'to.

"Ouch"Napatigil ako sa daydreaming ko ng may biglang may bumato sakin ng crumpled paper. Kanino naman kaya ito galing?

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Klea na papasok pa lang.

"Good morning seatmate"Masayang bati niya kay Matthew.

"Good morning Klea"Bati naman sa kanya ni Matthew.Ano bang good sa morning?

"Good morning Diego."Bati niya sakin at umupo na sa tabi ko.Nasa gitna namin siya nakaupo ni Matthew remember.Sa totoo lang, napapangiti ako kapag tinatawag niya akong Diego at siya naman si Betty.Parang endearment lang namin.Pero hindi.Tuksuhan namin talaga.

"Tss, good morning Betty." Walang gana kong sagot.

"Bakit parang di ka na nang-aasar, namimiss ko na yung dating Diego.Hindi pa naman ako nananalo sa Deal natin ah." Sagot niya sakin.Hump, eh panalo na nga siya eh, ayaw niya pa.

"So, hindi mo pa rin talaga alam." Sagot ko naman

"Alam ang ano?" Nanlaki yung mata niya sa sinabi ko.

"Yung tungkol kay—"

"Good morning class" Hindi ko na naman naituloy yung sasabihin ko nang biglang dumating si sir Alcantara.Kahit kailan talaga, ang mga teacher dito sa academy.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon