Chapter 24: Feelings

125 120 25
                                    


Klea's POV

"Oh, ayan na yung detention slip mo, good luck mamaya.Sa cafeteria na lang daw ang kitaan dun ka na dumiretso after ng detention hour mo." Sabi k okay Matthew nang matapos na ang klase namin.

"Salamat Klea." Ha?Ano daw nagpasalamat siya sakin.Bago 'to ah.

"Para saan?" Tanong ko naman sa kanya.

"Salamat, dahil pinayagan mo akong maging kaibigan kita." Ha?Ano bang nakain ng lalaking ito ngayon?

"Wala naman sakin 'yon." Tanging tugon ko sa kanya.

"May ibibigay ako sayo." Nilabas niya ang isang bracelet mula sa bulsa niya.

"Suotin mo yan ha, palatandaan na magkaibigan na tayo.Actually, dapat nung June ko pa yan binigay sayo, kaya lang dalawang buwan ang tagal ng paggawa dyan, galing ibang bansa pa kasi yung ginamit dyan.Actually meron din ako oh, isusuot ko rin ito dahil, It reminds me that I have a friend named Klea Ortaleza." At sinuot niya na rin yung bracelet niya...

M & K. Yan yung design nung kanya.

K & M. Ang design naman nung akin.

Nalala ko tuloy si Chris na naging best friend ko.Nasaan na kaya siya ngayon.Hanggang ngayon kasi suot ko pa rin yung kwintas na galing sa kanya.Yung binigay ko kaya sa kanya, suot niya pa rin kaya?

Hanggang sa mga susunod na taon, umaasa akong makikita ka ulit siya.Ang lalaking napamahal na rin sakin.Ang kaibigan ko na laging nandyan para ipagtanggol ako.Namimiss ko na siya, anon a kayang itsura niya ngayon?Pumayat din kaya siya, kagaya ko?O baka naman tinubuan na yun ng abs, trying hard din yun kung mag-exercise gaya ko eh.Pero, worth it naman, sexy ko kaya ngayon.

"Oh, Bakit ka naman umiiyak?" Tanong sakin ni Matthew.Niyakap niya ako at tumugon na lang sa pagkakayakap niya sakin.Niyakap ko rin siya.Nagulat na lang ako, nang makita ko mula sa malayo ang nagtatagong si Christian.Abnormal lang talaga yung lalaking yun.

Napakastalker, bakit ayaw niyang lumapit samin.Nung nalaman niya na nakatingin ako sa kanya, agad siyang tumakbo palayo.Anong problema nun.Humiwalay na ako sa pagkakayakap niya sakin.

"Bakit ka ba umiiyak?" Pinunasan niya yung mga luha ko, gamit ang sarili niyang mga daliri.

"Tama na.Baka makita pa tayo ni Klerissa." Sagot ko naman sa kanya.

"Ha?Sinong Klerissa?" Nagtatakang tanong niya.Teka, ano bang nakin ng lalaking ito ngayon at wala nang maalala.

"Yung nililigawan mo." Saot ko naman sa kanya.

"Sus, yun ba.Wala naman akong nililigawan eh.Nasabi ko lang yun, dahil sawa na akong matuksong No Girlfriend Since Birth.Actually, masyado pa tayong bata para doon, kaya naman kailangan ko nang pumnta ng detention room ha.Baka mapagalitan na ako, sabihin late na ako kung dumating." Grabe, matutuwa na ba ako o malulungkot sa sinabi niya?

"Pero may crush ako." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko yun mula sa bibig niya.

"Ang swerte naman ng crush mo." Sabi ko sa kanya.Sana nga ako na lang yung crush niya eh.

"Sus, sino naman 'yon.Ikaw ha, lumalove life." Pang-aasar ko naman sa kanya.

"Ay sus nako Klea.Kinikilig ako sa ginagawa mo eh." Sabi niya naman habang kinikiliti ko siya sa bandang bewang niya.

"First time mo sigurong magkaroon ng crush no?" Tanong ko naman sa kanya.

"Oo eh, Actually, June pa lang humanga na ako sa kanya." Sagot niya naman sakin.Bwahahaha, namumula na yung tenga niya.Sus, inlove ang best friend ko.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon