Chapter 20:Hellcome

235 138 307
                                    


Klea's POV

Maaga na akong pumasok sa classroom ngayon at kasabay ko sina Elaine, Natalie at Sophia sa paglalakad sa may corridor ng school.

Diba, nagiging close na talaga kami sa isa't-isa, sabay na ngang napasok eh.

Dahil tahimik ang paligid, sinubukan ko na lang magtanong sa kanila.

"Ahm, guys, may kilala ba kayong Klerissa sa room natin?"Pangbabasag ko ng katahimikan sa amin apat.

"Wala nga Klea eh, ang napapansin ko lang sa pangalan n a un ay katunog ng sayo"Oo nga noh, ngayon ko lang napansin.Kle-rrisa.Kle-a. Ang galing mo talaga Natalie, kahit na ikaw si Sabat Queen.

"Ay sus, bakit mo naman natanong?"Patuksong tanong sakin ni Elaine.

"Wala naalala ko lang kasi, yung nililigawan ni Matthew, diba Klerissa daw?"Huhu, tama naman yung sagot ko diba?

"Ay, crush mo ba si Matthew?,saka bakit ka nga pala interested dun sa nililigawan niya?"Hay nako, Sophia talaga.

"Paano kung sabihin kong crush ko si Matthew?Well, interested ako dahil interested akong makilala siya."Nagbago yung mukha nung tatlo sa sinabi ko.Saka, para lang naman silang nakakita ng multo sa likod ko.Anong meron?

"Well, sabi ko na nga ba at crush mo si Mr. No GF Since Birth.Masasabi ko lang naman sayo friend na torpe siya?Medyo, pero kapag nalaman nun na crush mo siya?Ala, baka may mabuo.Oh my ghad"NBFSB naman ako, kaya bagay kami.haha, nako Sophia, madaldal ka rin pala kapag love ang pinag-uusapan. Sabagay number one sa popularity ang couple na Dylan at Sophia sa campus.

"Hahaha, grabe ka.Bilisan na nga natin baka malate pa tayo nito"sagot ko na lang.

Pag pasok namin sa room, napatingin na ako agad sa bulletin board ng room namin.Ang nakapaskil, election of officers na raw mamayang hapon per section.

Wahh, gusto kong maging muse..

Ito na ang araw na hinihintay ko, makikipag-kilala na ako sa mga kaklase ko, para naman hindi lang yung tatlong babae at anim na lalaki yung kilala ko, isama na si Stacey na today's Queen Bee.

Umupo na ako sa upuan ko at wala pa rin yung seatmate ko. Wahh, hindi ko iniintay yung ugok na yun ha. Baka sabihin niyo inaabangan ko siya ha.

Tumingin ako sa likod ng upuan ko at nakita ko naman yung kaklase kong tahimik. Nagpakilala ako sa kanya.Wah, parang ang good ko naman ata. Hindi bagay sa future Queen bee na kagaya ko.

"Hi, I'm Klea and you are?"Hays, kaya ko 'to.Trying hard na ba ako?

"Xiara Umali, at yung katabi ko naman dito ay si Hiro Gonzaga"Sagot sakin nung kaklase kong tahimik at nag-smile naman agad sakin si Hiro na nagbabasa ng manga sa cellphone niya.

"By the way, nice to meet you both"Ewan ko ba, feeling ko ngayon ko lang sila nakita. Parang first day pa lang pero ang totoo, this is my fourth day here in Almrich.

"Hahaha, bakit mo nga pala aisipang magpakilala samin, I think we're the weird people in our section, right Hiro?"Nag-nod naman sakanya si Hiro. Well, ang mysterious nilang kausap ha.Nakakatakot.

May 12 na ko ngayong kilala sa section namin, malapit ko na silang makilalang lahat.

"Ahm, gusto ko lang namang makipagkaibigan.So, Friends?"Wah, ang future queen bee, nakikipagkaibigan sa mga weird na mga estudyente daw. Sila naman ang may sabi na weird sila eh, pero para sakin ang cool ni Hiro, may pagka-otaku sya eh, nahahawa lang siguro siya kay Xiara.

Pagka-abot ko ng kamay ko, kinuha naman agad iyon ni Hiro, pero wala pang dalawang Segundo, inagaw na 'yon ni Xiara at siya naman yung nakipag-kamay sakin.Weird noh?

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon