Chapter 28: Pageant

148 111 32
                                    

Klea's POV

"Good morning Klea!" Wah, pagkamulat ng mata ko, yung tatlo kaagad yung nakita ko.Si Sophia, Natalie at Elaine.Ang aga naman at nilang nagising ngayon.Tapos ang mga mukha nila ang sasaya, ano bang meron ngayon guys?Oh, muntik ko nang makalimutan ngayon na nga pala ang pageant namin para sa Mr. and Ms. Intrams.Myghad, kailangan ko nang bumangon, pupuntahan ko pa si sir Alcantara para sa mga gamit at damit ko.

"Good morning guys.Anong oras na ba ngayon?" Tanong ko sa kanilang tatlo habang bumabangon mula sa pagkakahiga.

"Ahm 7 pa lang nang umaga." Sagot naman ni Elaine.Okay tama pa lang pala ang oras ng paggising ko.8 pa ang kitaan namin nila sir at Matthew.10 ang simula ng program. Ayus 'to,isang araw na busy ang maraming estudyante.

"Oo nga pala Klea, inorder ka namin ng almusal kanina sa cafeteria para di mo na kailangang umabas agad." Sabi naman ni Natalie.

"Saka yung damit mo nga pala, pinasasabi ni sir, nakahanda na raw ang para sa talent at sa pagrampa mo, may sandals ka na rin daw, papipiliin ka na lang daw niya mamaya.Ang sweet ng adviser natin diba." Sabi naman ni Sophia.Tsk, sabihin niya, trabaho talaga ng adviser namin 'yong asikasuhin kami ni Matthew para sa competition na 'to.Karangalan din kaya 'to ng section namin.

"Salamat mga friend, group hug nga tayo." At nag group hug na nga kaming apat.Ang saya ng pakiramdam dahil parang magkakasundo na silang tatlo,hindi kagaya nung unang pagkikita naming lahat na parang wala silang kibuan.

Matapos kong kumain ay naligo na kaagad ako sa CR at nagbihis ng civilian na damit.Wla namang klase ngayon, kaya magmumukha kang ewan kapag mag-uuniform ka pa.Nagpaalam na ako sa talo at lumabas ng dorm.Naglalakad na ako ngayon sa corridor papuntang faculty kung saan nandon si sir Alcantara.

"Good morning Klea"

"Good morning ate Klea"

"Hi Klea"

"Galingan niyo po mamaya ha, ate Klea"

"Klea, for win"

"Hi Klea, ako 'to si Xris.Good luck mamaya ha." Ala, stalker ko ba 'to, lagi na lang lumilitaw eh.

"Hi Klea.Good luck mamaya."

Nakakatuwa naman silang lahat.Sikat na talaga ako dito sa Academy.Syempre, kaibigan ba naman nung anim na ugok.Hala, kailangan ko na talagang galingan mamaya.Marami ang umaasa sa akin.Well, mnanalo ako and I'll prove it to them.Di ako paasa noh.

Kumatok ako ng tatlong beses sa faculty room ng mga Math teachers at pumasok.

"Good morning Ma'am and sir." Bati ko sa mga teachers at pinuntahan ko si sir Alcantara.Nakita ko naman na nandito na kaagad si Matthew na kausap si sir.

"Oh Klea, Ito na ang mga damit mo para mamaya, sa ngayon, pumnta kayo ni Matthew sa music room para makapagpractice kayo para sa talent niyong dalawa ha." Sabi naman samin ni sir Alcantara.

Umalis na kami ni Matthew sa faculty room at agad na dumiretso sa music room.May 30 minutes pa kami para magpractice.At yung mga natitirang oras, kailangan nang nasa back stage na kami para naman makapag-ayos na.May dalawang bakla daw yung mag-aayos sakin mamaya sabi ni sir Alcantara.

Pagkapasok namin sa music room dumiretso na kami sa may piano at umupo na siya at pinatugtog yung piano.Tsk, masyadong nagmamadali ata ngayon 'to.Sabagay, kailangan pa naming maghanda.

*Piano is playing*

Nagsimula na akong kumanta at dinama ang bawat line sa kanta. At dahil may mataas na part, natatawa na lang sakin si Matthew.Di ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbirit ko.Aba, wag siya ang ganda kaya ng boses ko.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon