Chapter 1

755 216 737
                                    

Meet Her

Klea's POV

"So hija, ikaw ba ang magiging bagong maid here in our mansion?"

"Ahhhmm, y-yes?"

"Okay, to start on, I'm gonna discuss all your responsibilities." Takte, akala mo kung sino, siya lang naman ang isang matandang dalaga na kasingliit ng duwende at mukhang clown dahil sa make-up. Hahahaha, kung hindi lang 'to ang madam ko, nasampal ko na 'to at nangudngod ang mukha sa putik.

Tae, bakit ba ako napunta sa bahay na 'to?

Mukhang lungga ng mangkukulam sa sobrang pangit!

"Klea! Are you listening?" Ay tae, bakit ako sinisigawan nito? What the? Why I am wearing this kind of cheap stuff? Pang maid!

"I'm sorry madam." Anong nangyayari sakin, bat ba ganito ako ako sumagot?

"First of all, kailangan mong malaman ang mga duty mo, everyday." The hell

"Pero po, I'm not your ma-"

"No buts! Every Sunday, sasamahan mong magpunta sa church ng aso ko, kailangan bago kayo magsimba ay nakabihis ng dress niya ang aso ko at naalisan mo na ng mga kuto, pulgas at garapata sa katawan, understood?" Takteng aso 'to, ang banal, may oras pang sumimba pero ang magtanggal ng kuto, pulgas at garapata niya, di niya magawa! Shet lang, ang sosyal.

Tanginerns naman, bakit ba ako nandito sa lugar na 'to, don't say to me, grounded na naman ako sa bahay at ito ang kabayaran?

No fvcking way!

Ilipat na lang nila ako sa matinong school, wag lang nila akong ipasok sa pagiging katulong.

Shemay, paano na ang skin ko! Ayokong mangulubot ang mga love kong hands.

"Klea? Are you listening?"

"Yes po"

"Every Monday,kukudkudin mo ang bawat tiles dito sa mansion ko at make sure na magiging maputi silang lahat, okay?" Ang suwerteng tiles naman! Sa laki ng mansion na 'to, tiyak na hundreds ang tiles dito. Huhuhu, kawawa naman ako, Mommy, daddy, huhuhu. Ayoko na!

"Tuesday, Papaliguan mo ang anak ko, si James, isa siyang model in our company and the heir of our family, make sure na magiging malinis ang katawan ng anak ko. Matapos nun ay pupunta kang grocery upang bumili ng pagkain ng pusa, aso, goldfish, eagle, at ng iba ko pang pets, understood?" Sa lahat ata ng ipapagawa ng babaeng 'to, ito na ang pinakagusto kong gawin, magpaligo ba naman ng hunks. Shet, di ba yun marunong maligo at kailangang ibang tao pa ang magpapaligo?

Hahaha, okay lang, basta ba kamukha ni James Reid ang papaliguan ko, ayos lang.

Pero, sa mukha ng babaeng kaharap ko ngayon, malayong magka-anak 'to ng isang lalaking mala-James Reid eh.

Oh, My James, kailan ka kaya mapapasaakin.

Pffttt, hahaha, No way, kay Nadine na eh. Ayos lang, may Natsu naman ako. Hahaha

May Lucy na rin yun -___-

Edi kay Mamura na lang

Kay Suzume naman yun!

Edi sila na ang taken!

"Wednesday, Aalagaan mo naman si Princess."

Takte, sino naman yun?

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon