Chapter 3

433 200 91
                                    

Chapter 3: Opening

Klea's POV

"Sure, oo ba friends? Sorry rin sa mga deadly words ko kanina." tanong ko sa kanya habang inaalok ang kamay ko sa kanya at tinaggap niya naman agad.

"Mamayang lunch ipapakilala kita sa mga kaibigan at barkada ko isama na natin si Sophia. Salamat dahil pinatawad mo na ako." Sabi ni Dylan habang nakaguhit sa mukha niya ang isang napakaganda at napakatamis niyang ngiti, lumapit siya sa akin upang yakapin ako, isang hudyat na magkaibigan na talaga kami, pero ngayon I can't hear my abnormal heartbeat. Naputol ang yakapan namin nang biglang...

"Announcement to all the students, Magkakaroon tayo mamayang 9:00 am ng isang Welcome Ceremony sa bagong Gym ng ating school, I'll repeat, Announcement to all the students, Magkakaroon tayo mamayang 9:00 am ng isang Welcome Ceremony sa bagong Gym ng ating school. That's all thank you" bigla kaming nakarinig ng isang tinig ng babae sa isang microphone na halos maririnig sa buong academy.

"Sige ,Klea mamaya na lang ulit kailangan ko nang umalis baka hinahanap na ako nila Christian,bye Klea nice to meet you again!" pagpapaalam sa akin ni Dylan habang tinatanaw siya papaalis ng classroom, nang biglang tumabi sa akin si Sophia.

"Ahhhmmm, Klea mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Dylan ah?" pabirong sabi sa akin ni Sophia na para para bang nakakaramdam ako ng isang pathetic cold voice. Ayoko naman na pagselosin sya, dahil ngayon ko lang nalaman na wala akong gusto kay Dylan. Ang alam ko ay mahal niya si Sophia at ganun din naman ang nararamdaman ni Sophia para kay Dylan.

"Ahhh oo nga magkaibigan na kami ngayon ni Dylan,bagay kayong dalawa Sophia" panukso kong sabi kay Sophia. I think I really like to be friends with Sophia. Not beacause of what I'm seeking for. But, Because I want to have a real friend.

"Sinabi mo pa, kami ata ang best couple dito sa Almrich.Ipakikilala kita sa iba pa naming kaibigan para naman maging magkaibigan na rin kayo and I'm sure na magkakasundo kayo nung mga yun" sagot ni Sophia sa akin.

"Tara na sa Gym, Malapit ng mag 9:00, excited na akong mapanood sina Dylan." Sabi sa akin ni Sophia.

Sila Dylan?

"I just have some question. What do you mean na papanoorin natin sila Dylan? I'm just asking" Pagtataka kong tanong kay Sophia habang natatawa lang sa tanong ko.

"Hahahaha! I mean na may performance sila mamaya para sa intermission numbe and kasama si Dylan" Sagot naman sa akin ni Sophia.

"Ano namang gagawin nila? May talent ba si Dylan at yung mga kasama niya?" pagtataka kong tanong.

"Hindi ko lang alam kung ano ang naisip nilang pakulo this year.At saka, Are you joking Klea, siyempre talented si Dylan. Sasagutin ko ba yon kung he is just like some freaking bad boys.Think of it Klea." Ani niya.

"Okay, Fine,Just make sure na magagandahan ako sa performance nila. Halika na nga sa Gym" Sabi ko at hinila ko na siya palabas ng room.

"Mabuti pa nga" narinig kong bulong ni Sophia.

Habang naglalakad...

Marami kaming nakakasalubong na halos mga mukha namang may mga pinag-aralan.

Now I Know, what kind of people are studying here in Almrich Academy.

They are also mysterious, Actually, Sophia is also a quite mysterious for me. Being such a nice person to me, she's one of the puzzle I need to fix.

Habang naglalakad ay may mga estudyante rin namang pinagtitiginan kami. Lalaki man o Babae, karamihan at nakatingin.Yung iba ay binabati si Sophi. I guess na famous talaga si Sophia.

Papasok na kami ngayon sa Gym nang mahagip ng dalawa kong mata si Dylan na kasama ang lima pang ibang pang kalalakihan.Nakasuot pa rin sila ng uniform, at masasabi kong ang gwapo nilang lahat.

Makalipas ang napakaraming minuto napuno na ang malawak na gym at nag-umpisa nang magsalita ang dalawang emcee...Nagbigay na rin ng isang special message ang principal na si sir Haime A. Montegral.

"At ngayon naman let's all welcome, Mr. Daylan Nambradge, Justin Montegral,Christian Mendoza,Sean Lemuel, David Martin and Matthew Holckstone.Let's give them applause" Pagpapakilala ng emcee habang nagtitilian ang mga kababaihan sa kanila.

Ang hirap suluhin ng mga pangalan nila.Excited na akong makilala ang mga taong ito for the first time.Ano kayang gagawin nila?

Itutuloy

A/N

Hi guys malapit nyo nang makilala ang mga lalaki sa buhay ni Klea...

Magiging magkakaibigan kaya sila?

VOTE and COMMENT

Suggestions?

Thank you guys

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon