Chapter33.1: Being With You (Part 1)

131 90 9
                                    


Klea's POV

"Wah, Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ahhh...Ehhh" Sabi naman niya.Di nga, ano bang gingawa ng lalaking 'to dito.

"Wahh, Christian naman!Wag mong sabihin na sinusundan mo ako."

"What if I say yes?"

"Wahh, tulong!May ---" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang tinakpan niya yung bibig ko gamit ang mga palad niya at hinila niya ako papunta sa loob ng cubicle.Help me, huhuhu, wala akong tiwala sa Diego na 'to.Abnormal na nga talaga ang lalaking 'to.

Christian's POV

"Wahh, tulong!May ---" Grabe talaga ang babaeng to.Hinila ko siya papasok sa isang cubicle dahil baka may makakita pa samin tapos may kung anong sabihin pa.

Isa pa, tinatanong niya kung bakit ako nandun sa girl's CR, sinagot ko naman.Yes, pinasundan sakin nila Sophia si Klea, baka raw kasi kung saan-saan pumunta.As if naman na may mangyayaring masama sa kanya diba?But, It's for Klea's good.

"Wahhh, nakakainis ka talaga, ang gulo-gulo mong lalaki ka, di ko ma reach ang utak mo, minsan masungit, minsan mabait, at minsan...Wah, basta I hate you." Matapos niyang sabihin 'yon ay nagmadali siyang buksan yung lock ng cubicle at tumakbo papuntang pintuan ng CR.

Ilang beses niyang pinihit yung door knob, but I think nalock na kami sa loob.Hindi ko alam kung pakana lang 'to ng mga kaibigan namin o talagang maaga lang nagsasara ang guard kapag weekend.

"Wahhh, nalock ata tayo sa loob.Huhuhu, ayoko na, okay lang sana kung mga best friend ko ang kasama ko eh, pero ang lalaking kamukha ni Diego?Wahh, no way, Waahh, ayoko na." Umupo siya sa sahig at doon nagsimulang magaarte.Tss, napakabest actress niya naman, masuwerte nga siya at makakasama niya ako magdamag dito.

Pero, alam ko naman na hinahangaan niya yung best friend ko na si Matthew, at balita ko manliligaw siya kay Klea.Tss, kahit alam niya na may gusto na ako dun sa tao, hays, kung di ko lang talaga kaibigan 'yon, nasa impreyno na siya ngayon, pero wala eh, lagi akong natotorpe kaya nauunahan.Tama nga siguro sila.

"Ang drama mo naman." Tinabihan ko siya at tinitigan habang nakatungo lang siya at nakatakip ang dalawa niyang kamay sa mukha niya.

"Wahh, layuan mo ako.Chuuu" Grabe, para naman akong aso kung itaboy niya.Pero, di pa rin ako lumayo sa kanya.Buti nga sa kanya, ang cute niya kaya pagnaiinis.

"Hoy, Betty, di ka pa nagpapasalamat sa akin ah.You must be thankful 'cause you've got a perfect score nang dahil sakin."

"Wah, oo na, tss kung hin---wahhh, bakit dumilim?!" Oops, nagbrown-out ata.Tss, para namang timing eh, teka nasan ba yung cellphone ko?Kinapa ko yung bulsa ko at di ko mahanap yung cellphone ko, malamang naiwan ko sa bag ko.

"Hoy Betty, buksan mo yung phone mo." Utos ko naman sa kanya.Tss, bakit ba ngayon ko lang naisip na gumamit ng phone.Ang dilim kaya. "Hoy, Betty isa pa, may load ka ba?"

"Tss, malamang may load ako 'no." Edi siya na ang may load lagi. "Wah, nakuha ko na yung phone ko.Tss, wala namang signal eh, paano tayo makakatawag ng tulong.No choice, makakasama kita dito hanggang bukas ng umaga.Pasalamat ka na lang at bukas walang pasok, kung hindi ..Masasapak kita." Tss, amazona ba siya?Baka magalusan pa ang pogi kong mukha nito eh.

Binuksan niya naman yung flashlight ng phone niya kaya kahit papaano ay nagkaroon ng liwanag sa amin.Maya-maya naisipan kong siksikn siya.

"Huy, ano ba, lumayo ka nga!" Habang sinasabi niya 'yon tinatabihan ko pa siya pero, layo naman siya ng layo.Tss, ang arte, masuwerte nga siya at makakasama niya ako ngayong gabi.

The Queen bee of Almrich Academy [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon