Performance
Well, halos dalawang araw na kaming nagpapractice ni Miguel sa bahay nila.
Buti magaling sa strategy si Miguel at naayos agad namin yung kakantahin namin ngayon araw.
Mamayang hapon pa naman ang simula nung sa kanta dahil ginawa nilang umaga ang mga kasali sa sayaw.
Kata eto ngayong araw magpapractice na talaga kami nang todo.
"Simulan na natin?"tanong ni Miguel sakin.
"Huwag muna nagugutom na ko. Kain muna tayo tapos saka na lang ulit tayo mag practice."pagsusumpong ko kay Miguel.
"Pero mamaya na yun. Kailangan prepared tayo at magandang-maganda ang performance natin di tayo pwedeng matalo sa iba." galit na sabi ni Miguel.
Ngumuso na lang ako at humalukipkip sa arm chair. Napabuntong hininga na lang siya.
"Sige na nga! O tara na bilisan na natin." Sabi ni Miguel pero nakasimangot pa rin siya.
"Haha! Yehey!"sabay yakap ko sa kanya.
"Tara na!"at hinila ko na siya papuntang canteen.
Pagkabalik namin inubos ko na agad ang pagkain na binili ko baka kasi magalit si Miguel kailangan na daw naming maghanda dahil konti na lang ang oras.
"Let's start! Tandaan mo ah intro muna tapos ako ang mauunang kumanta sunod ka."paalala niya sakin.
"Yes sir!" Sabay salute ko sa kanya.
Ngumiti na lamang siya at umiling sakin....
"Everyone tinatawag na po ang mga kasali sa next activity."sabi nang emcee siguro sa program.
"Ayan na pala..Tara na! Sa backstage na lang tayo maghanda."sabi ni Miguel sakin.
At dumiretso na kaming dalawa sa court para makapasok na sa stage at makapag ayos sa backstage.
Si Jelyn ang nag make up sakin dahil wala naman daw siyang ginawa sa kanila kaya tutulong na lang siya sa amin.
"Goodluck sa inyo Kate ah! Galingan nyo!"sabay tapik ni Jelyn sa balikat namin ni Miguel.
Pang apat kami sa lahat nang magpeperform pero grade 9 muna ang nauna bago kami.
Kinakabahan na ko unang beses ko la lang kasi to na magpeperform o kakanta ako sa maraming tao at sa gantong kalaki pang lugar.
Mukhang napansin ni Miguel ang pagiging tense ko kaya hinawakan na ang kamay ko.
"Ano ba? Huwag kang kabahan nandito naman ako. Akong bahala sayo." Pagpapakalma niya sakin.
Medyo naibsan naman yung kaba pero may konti pa rin siguro dahil pwede akong makita ni Raine...
Kinakabahan din ako dahil ngayon lang ako makikita ni Raine na kumanta kahit na matagal na kaming magkaibigan.
"And now for the next contestants let's welcome Kate Martin and Miguel Feliciano IV!" Announce na emcee kaya lumabas na kami at pumunta sa stage.
Inikit ko ang paningin ko at nakita ko si Raine kasama ang barkada niya di niya kasama si Cess pero kinakabahan ako...
Pero hinawakan ni Miguel ang kamay ko at sinabing 'relax' kaya tumingin ulit ako sa mga tao at nakita ko si Raine na nakakunot ang noo na nakatingin sa kamay namin ni Miguel.
BINABASA MO ANG
The Confusing Love ( Complete)
General FictionMaraming nalilito kung mahal nga ba nila ang isang tao o hindi kagaya na lang nila... Si Kate, Simula pagkabata puro pagkain lamang ang nasa isip. Hanggang sa dumating ang isang transferee sa kanilang eskwelahan nakilala agad ito bilang campus crus...