Chapter 18

7 0 0
                                    

Try

Dalawang araw na ang nakalipas at eto na ang huling araw bago ang graduation at ang pag alis ko.

Puro halos paghahanda na ang ginagawa dito ngayon.

Kami naman nag uusap-usap na lang dito sa garden at kumain.

Parang bonding na daw namin to dahil aalis naman na ko sabi ni jelyn.

Gusto ngang sumunod din ni miguel pag umalis din ako pero pinigilan ko na lang siya at sinabing mas mabuti na dito na lang siya.

Dahil kakayanin ko. At nung tama naman ang hula ko na mangungulit siya ginawa ko na ang palaging ginagawa pag ganun siya.

Ginagawa ko to para matigil siya. Ginawa ko na lang ang sarili kong nagagalit kaya tumigil na rin siya at kinausap na lang ang katabi niyang si Michael.

Natawa na nga lang ako dahil yun talaga ang panama sa kanya.

Tungkol naman kay Raine di ko na talaga siya nakikita ngayon.

Pero kalat pa rin kung ano ang nangyari. Pero sinisigurado ko na, na di ko na hahayaang pang magkagusto dun.

Magsisisi na lang siya sa mga ginawa niya.

"Kate. Anong oras ba ang alis nyo?" Tanong sakin ni jelyn.

Kaya napatingin na rin yung dalawang lalaki sakin.

"Mga hapon na rin. Kasi diba mga 8 naman ang simula?" Ako lang mag isa ang aalis at susunduin na lang daw ako dun.

Tumango na lang sila. Nung medyo okay na kami tumayo na kami at naglakad- lakad muna.

Habang kinukuha ko ang mga kalat tinulungan naman ako ni Miguel.

Habang si Jelyn at Michael ay nag uusap pa.

Minsan nga napagtanto kong bagay naman pala maging couple ang dalawang yun saka close pa sila.

Boto naman ako kay miguel dahil may itsura siya at maganda makisama.

"Oy kayong dalawa baka langgamin na kami!" Sigaw ni miguel sa tabi ko kaya natawa ko pareho lang pala kami nang iniisip.

Nakita ko namang nagkahiyaan ang dalawa at parehong namula.

Sarap lang nilang pagtripan lalo't may kakampi na ko sa kalokohang to.

Nang matapos na kami. Nag ikot-ikot na nga kami sa campus konti na lang naman ang estudyante parang kaming mga senior na lang ang nandito.

Nakita ko naman si Sophie nakaupo lang dun sa hagdanan.

Tulala lang siya at malungkot. Sa lakas nang hangin nililipad na ang mga palda namin kaya napahawak na lang ako dito para di ako makitaan.

Nung medyo hupa na ang hangin napalingon siya samin at nagulat.

Siguro di niya rin yon inaasahan. Lumapit ito sa amin pero kalmado lang siya.

Pareho lang sila halos nang ugali ni cess kaya mabait siya pero mukhang di naman niya inintindi ang issue ngayon.

"Kate." Tawag niya sabay kaway sa amin.

Bumulong sakin si Miguel. "Sure ka bang walang masamang balak yan." Mukhang wala naman talaga kaya nginitian ko na lang si Sophie

The Confusing Love ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon