Prom
"O anak! Ayos na ba to?"tanong sa akin ni Mama habang inaayos pa ang pagme make up sakin.
"Ma...kahit light lang naman yung make up ko ayos lang." Paalala ko kay Mama
"Di pwede! Kailangan maganda ka dun. Saka bilisan na natin baka dumating na ang sundo mo." Mabilis na sabi ni Mama.
Prom na namin ngayon. As usual si Miguel ang susundo sa akin nag presenta naman kasi siya kela Mama at Papa.
.
May tiwala naman ako dun bestfriend ko naman siya."Suot mo na yung sapatos mo."utos sakin ni Mama kaya sinuot ko na agad ang sapatos ko napakataas nga nito.
"Kate! Nandito na sundo mo." Sigaw ni papa galing sa baba.
"Ayan na po!"sigaw ko din pabalik kay papa.
Nang paglabas ko nang kwarto nakita ko na si Miguel na nakaupo sa sofa namin at nag aayos nang coat niya.
Di ko idedeny pero ang gwapo ngayon ni Miguel pero di naman na di ako nagagwapuhan sa kanya.
Parang ayos na ayos siya mukha siyang gentle at naging masculine ang itsura niya.
Habang bumababa ako nang hagdan mukhang natauhan si Miguel dahil tumayo siya at tulalang nakatingin sakin parang gulat.
Pero may halong ngiti nung nilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Pero nakatitig pa rin siya sakin.
"May dumi ba ako sa mukha? Makatitig ka wagas nakakalusaw." Biro ko sa kanya.
"Di ah! Di ba pwedeng pag nakatitig nagagandahan?" Biro rin niya kaya sinapak ko na.
"O tara na para maaga tayo...Tito...Tita..mauna na po kami!"sabi ni Miguel sa kanila.
"O sige Miguel huwag mong pabayaan yang si Kate ah.."banta ni Papa sa una pero tumawa rin silang dalawa ni miguel.
"Ingat kayo anak..Miguel sabihin mk pag may pumorma diyan ha..."sabi ni Mama.
"Ma....sa itsura kong to may manliligaw."sabi ko kay mama.
"Di ba Miguel?" Tanong ko kay Miguel pero nung lumingon ako sa kanya nakatitig lang siya sa akin.
"O-oo naman noh! Sino pa ba ang magtatangka?"sabay tawa niya pero yung parang kinakabahan.
"Tara na nga." Sabay hila na naman niya sa akin.
Di naman siya mahilig manghila agad- agad at kakaladkarin ka lang.
Pinagbuksan niya ko nang pinto sa back seat saka sumakay na ko.
Pagkapasok ko sumakay na rin siya sa front seat at umandar na ang sasakyan. Buong biyahe tahimik lang kami hanggang sa marating namin ang school.
Pagkababa namin marami ring bumabati sa kanya.
Hanggang sa pumasok kami hinanap ko si Jelyn pero di ko makita.
"Miguel nasaan yung pinsan mo?"tanong ko sa kanya.
"Darating na rin yon maya-maya..."tumango na lang ako sa kanya at naglibot-libot at naghanap nang area na pwedeng pagintayan.
Tinignan ko ang bawat tao na pumapasok sa entrance hanggang sa dumating siya pero mag-isa lang siya ngayon.
Di niya kasama ang girlfriend niya. Nang makita niya ko ngumiti siya at kumaway kaya ganoon na rin ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
The Confusing Love ( Complete)
Ficción GeneralMaraming nalilito kung mahal nga ba nila ang isang tao o hindi kagaya na lang nila... Si Kate, Simula pagkabata puro pagkain lamang ang nasa isip. Hanggang sa dumating ang isang transferee sa kanilang eskwelahan nakilala agad ito bilang campus crus...