Chapter 33

8 0 0
                                    


"Hey. Where's Andy?" Tanong ko kay Raine. Habang siya ay busy sa pagdadrive. Pupunta na ko sa mansion nang lola nila para maayos ang aking gamit. Eto na ang last day namin dito and uuwi na kami pa maynila.

"Maybe. Nakila lola na yun. And sasabay na ko sa inyong umuwi dahil tinatawag ako nang boss ko. May aayusin pa ko." Tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot. Tinignan niya lang ako nang sandali atsaka ulit itinuon ang atensyon sa kalsada.

Totoo ba to? Di ba to panaginip? Maayos na ba kami? Biglang pumasok tuloy sa isip ko ang sinabi niya kanina.

'Gagawin ko ba sayo iyon kung di kita mahal.'

May point naman siya dun. Pero ano yun nakakapapigil siya.

Maya-maya din ay nakarating na kami sa mansyon.

"See you." Saka niya ko hinalikan sa pisngi. Nagulat naman ako dun dahil di ko inakala. Nang medyo natauhan na ko saka ako bumaba.

"B-bye." Saka ko siya nginitian. Nginitian naman niya ko pabalik nang pagkalaki.

Ano ba yan? Anong nangyayari sakin?

Pumasok na ko sa loob at dumiretso na sa kwarto.

Tinignan ko ang oras at 4:00 na. Maya-maya na rin ang alis namin.

Binaba ko na ang gamit ko. Tinginan ko naman ang suot ko. Eto ang bigay sakin ni Raine. White sneaker, white button down, at faded ripped jeans. Kahit papaano nakuha niya ang taste ko.

Nakita ko na si Andy galing labas at pumunta sa akin saka kinuha ang aking bagahe. Seryoso lang ang mukha niya at di tumitingin sakin.

Sinundan ko na siya palabas. Nakita ko na si Raine doon na naghihintay. Atsaka sila lola.

"Mukhang alam mo nang sasabay siya." Cold na sabi ni Andy. Medyo naninibago ako kay Andy. Pero tumango na lamang ako.

"Ingat kayo pauwi." Sabi ni lola saka niya kami niyakap.

"Dahan-dahan sa pagdadrive Andy." Paalala ni lolo. Ngumiti naman si Andy atsaka niya niyakap si lolo.

"Tara na. Para di tayo kabihin." Sabi ni Raine. Saka niya tinignan ang relo niya.

Pumasok na ko sa passenger seat. Si Andy pala ang magdadrive kaya nasa front seat si Raine.

"Oy Joaquin dahan-dahan lang sa pagdadrive." Banta ni Raine. Umirap na lang si Andy sa kanya.

Atsaka na niya pinaandar ang sasakyan. Kumaway na kami kila lola at sa iba pa.

Nang nakalayo na kami parang medyo dumidilim. Mukhang uulan.

"Umaambon? Brad mag ingat ka ha." Sabi ni Raine. Umirap na lang ulit si Andy doon.

"Oo." Galit na sabi ni Andy.

Hay nako. Nag aaway ba sila.

"Mukhang papalakas nang papalakas ang ulan." Sabi ko sa kanila. Pero si Raine lang ang sumagot.

"Oo nga eh."

Tinignan ko naman ang cellphone ko at tinext sila Mama.

To Mama:

Ma. Pauwi na po kami.

Umabot pa nang 5 minutes bago siya nag reply.

The Confusing Love ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon