Sila na
Kalat na sa buong Campus na sila na. Sikat naman kasi sila at varsity player pa si Raine kaya ganun kabilis kumalat ang balita.
"Brad! Napaka swerte talaga ni Raine. Sinagot siya ni Cess." Sabi ni philip na may hawak ng bola galing lang siguro to nang practice ka batch ko naman siya.
"Oo nga brad eh." Sagot naman nung kasama niya.
Hanggang sa makarating na ko sa canteen.
Bumili muna ko saka humanap nang table nakita ko si Raine at Cess na masayang nag uusap sa di kalayuang table.
Biglang sumikip tong dibdib ko. Parang ang sakit na makita mo ang mahal mo na may kasamang iba at masaya sila.
Samantalang ikaw nangangarap ka na lang na sana mahalin ka niya pabalik.
Pero sa mga fiction stories lang ata nangyayari yung ganon.
Makakain na nga lang...
"Oyyy! Kateee!" sino yun?
Napatingin si Raine sa banda ko. Ano ba yan sino ba kasi yun?
Paglingon ko nakita ko si Miguel. Paglapit niya sinabihan ko agad.
"Ang ingay neto! Pwede ka namang lumapit sa akin ha?" inis kong sabi kay miguel.
"Kasi naman kumakain ka ulit? Di ka ba sanay magsawa?" grabe parang may sampal sakin yun.
"Ito na nga lang ang nagpapasaya sa akin eepal ka pa?"
"Bakit? Di ba pwedeng ibaling mo sa iba yang atensyon mo kasi kung di mo lang alam marami din naman dyan na pwedeng makapag paligaya sayo at di ka sasaktan!" Sabay walkout.
Problema nun?!
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa pagkalito sa sinabi ni Miguel.
May aasignment pa akong gagawin kaya sasama ulit ako kay Jelyn.Pagkadating namin sa knila tinry kong kumatok sa kalapit bahay lang nila.
Alam nyo na kela Frances ang girlfriend nang mahal ko.
Oo mahal na mahal ko na talaga si Raine na kahit ano kaya kong tiisin at gawin para sa kanya.
Eto na nga ang sinasabi ni Jelyn na dapat kong iwasan pero nahulog na ko nang lubusan na halos di na ko makaahon.
Pero ang pagpapapayat ang sigurado kong di ko makakaya.
May lumabas na maid at pinagbuksan ako ng gate.
"Ano pong kailangan nila?" Tanong nito.
"Ahh...Nandyan po ba si Frances??" tanong ko dun sa maid nila.
"Wala po dito eh." sagot naman nung maid.
At tumango na lang ako saka umalis.
Pumasok na ko sa bahay nila Jelyn.
"O Jelyn! San ka nanggaling?" tanong ni Tita Rose sabay nagmano na rin ako.
"Dyan lang po sa kapit bahay nyo."
"Ahh..O sige." tango na lang ni Tita.
"Jelyn tapos ka na?" tanong ni Michael.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Jelyn.
"O Kate! Andyan ka na pala." Sabi ni miguel.
Nung tumabi ako kay Miguel medyo awkward pa rin kami..Walang kumikibo at napakatahimik...
Nagtaka si Jelyn kung bakit di na kami nagkikibuan ni Miguel.
"Ang tahimik nyong dalawa jan?" Tanong ni Jelyn.
"Wala lang to insan." Sagot ni Miguel. Pero di pa rin kontento si Jelyn at ako na ang tinanong niya.
"Kate bakit ang tahimik nyo?" Tanong ni Jelyn sakin sabay humalukipkip.
"Wala." tipid kong sagot.
At mukhang nakontento naman siya kaya tumango na lang.
"Merienda muna kayo."sabi ni Tita Rose.
At kumain muna kami medyo tinatamad akong kumain pero for the first time lang to nangyari.
Di naman napansin ni Jelyn kaya ginawa ko na lang ang assignment ko.
Mga alas singko buti tapos na yung assignment ko at uuwi na rin ako baka mahirapan akong umuwi.
"Kate samahan na kitang umuwi." Pag aaya ni Miguel.
Pero tumanggi na lang ako sa kanya.
"Di sige na ngayon lang." Sabay tipid na ngiti.
Pumayag na rin ako para di ako mapahamak.
Sumakay na kami ni Miguel sa Tricycle...
Buti mabilis ang byahe at nakarating na rin kami sa amin.
"Sige salamat miguel ha! Ingat ka na lang." Paalam ko kay miguel.
"Sige bye." Sabay kaway niya at umalis na ang tricycle pumasok na rin ako para makapag ayos na.
BINABASA MO ANG
The Confusing Love ( Complete)
Ficción GeneralMaraming nalilito kung mahal nga ba nila ang isang tao o hindi kagaya na lang nila... Si Kate, Simula pagkabata puro pagkain lamang ang nasa isip. Hanggang sa dumating ang isang transferee sa kanilang eskwelahan nakilala agad ito bilang campus crus...