Chapter 12

14 0 0
                                    

Yakap

P.E class namin ngayon kaya sa court kami kasi basketball ang kasama sa lesson sa amin sabi ni Sir Marco. Tagal nga namin kanina pa kami.

Di ko makita si Miguel ngayon pero nung first subject namin nandyan naman siya.

Saan kaya yun nagpunta?

"Guys pag aralan muna natin ang mga basics sa basketball then I will give you some break dahil knina pa tayo dito." Sabi sa amin ni Sir Marco.

"Kate ikaw na!"sigaw ni Sir Marco mula sa malayo medyo nagulat naman ako at natigil sa paglingon-lingon para mahanap si miguel.

Dumiretso na ko dun syempre tinakbo ko pag nilakad ko yun mabagal naman ako.

Pagkadating ko dun hinahabol ko na ang paghinga ko dahil sa pagod.

Ang hirap talaga maging mataba may ibang bagay ka na di mo magagawa o mapapagod ka dahil sa katawan mo.

Pagkadating ko dun ginaya ko lang ang ginagawa nila kaso mga tatlong dribble lang ata ang kaya ko, pinaulit sakin ni sir kaso nung pangatlong ulit na pero di ko nagawa pinatigil n ko at bibigyan na lamang daw ako nang mababang grade dahil di ko maperfect.

Hanggang ngayon wala pa rin si Miguel tapos na ang p.e namin pero di pa rin siya nagpapakita.

Dumiretso na lang ako sa garden para magpahangin.

May nakita kong bench doon atsaka ako umupo.

"Tapos na kayo?" Nagulat ako sa biglang nagsalita na yon dahil sa tagal ko sa paghahanap nandito lang pala siya.

"Bakit di ka umattend nandito ka lang nang dalawang oras?"tanong ko sa kanya.

"Bakit masama bang magpahangin dito?"taas kilay niyang tanong sakin.

Natawa naman ako sa itsura niya, napaka weird pala nang itsura niya pag ginagawa niya yun.

"Bakit ka tumatawa?" Sungit naman niyang tanong.

"Haha..eh nakakata-...Hahaha.."pero nung nakita kong ang sama nang tingin niya sakin pinigilan ko na lang ang tawa.

"Joke lang. Sungit mo na agad!"sabay sundot ko sa tagiliran niya mukhang wala siyang ngumiti dahil para lang siyang estatwang nakatayo sa harap ko.

Nung tumahimik na ko siya naman ang gumanti sa kilitian.

"Uy.. Haha-..tumigil ka na....Hahaha!"habang malapit na kong mabuwal sa bench.

Di siya tumigil kaya tuluyan na talaga kong mahulog sa inuupuan ko.

Kaya nang nakahiga na ko sa damuhan tumigil na siya at siya naman ngayon ang umupo sa upuan ko kanina.

"Ano ba mang-aagaw nang upuan? Tabi tayo sakop mo na lahat eh nakabukaka ka lang naman."

"Bakit gusto ko eh?"taray niyang tanong.

Habang kinukulit ko siya nagulat ako sa nakita ko si Cess na may kayakap na lalaki.

Natulala ako bigla kaya kinalabit ako ni Miguel sa biglang pagtahimik ko.

The Confusing Love ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon