Chapter 11

17 0 0
                                    

Oras

Ano ba talaga ang problema ni Miguel pag dating kay Raine?

Palagi na lang siyang suplado sakin o kaya naman galit pag kinakausap mo.

Wala naman akong ginagawa sa kanya. May dapat ba kong malaman na matagal niya na talagang tinatago sakin kasi bawat oras na ganun ang nangyayari para lang akong estatwa na hindi alam ang nangyayari sa paligid niya na halos buong araw na tulala o ganun lang ang itsura nang mukha.

Eto na naman tayo...pag sabay kaming kakain tahimik lang siya pero di ako tinitingnan, nakadiretso lang ang atensyon niya sa pagkain niya.

Pero pag may napapadaan naman at bumabati pinapansin niya.

Kaya nung break na binigay sa amin yun na yung pagkakataon ko na magtanong sa kanya tungkol sa lahat-lahat na di ko alam.

Niyaya ko siyang umupo dun sa bench sa garden buti na lang sumunod siya kaya nung pagkaupo namin humalukipkip na lanag siya ang tumulala sa isang gilid na napakalayo sakin.

"Miguel may problema ba tayo...o ikaw? Baka matulungan kita." Tanong ko sa kanya pero kalma lang ang boses ko.

Tinignan niya lang ako at umiwas lang ng tingin,  yun na lang ulit ang ginawa niya.

"Miguel may problema ka ba? Di mo na naman ako pinapansin, kahapon dahil lang na isinayaw ako ni Raine naging suplado ka na saka nung isang araw na nagkausap lang kami di ka rin namansin, baka kasi matulungan kita?" Sabi ko sa kanya saka ko siya tinitigan.

Maya-maya lumingon na rin siya sakin pero nakabusangot.

"Matutulungan mo ko? Sigurado ka? Wala nang solusyon tong problema ko dahil matagal na to kahit anong gawin ko walang nagbabago...."Sabi niya sakin pero parang sa itsura niya nasasaktan siya.

"....dahil di naman ako mahal nang mahal ko na mukhang hanggang bestfriend na lang ang kaya niyang ibigay sakin, na sa tuwing nakikita ko siyang kausap o kasama niya ang mahal niya lalo na't sa tingin ko ay masaya siya, nasasaktan ako, parang siya na mismo ang nagsasaksak dito..."sabay turo niya sa kaliwang dibdib niya. May mga luha nang nagbabadya sa mga mata niya na gustong tumulo pero di niya magawa.

"Na baka kapag umamin ako sa kanya iwasan niya ko o di na pansinin na ngayong ginagawa ko sa kanya, kaya mas gusto kong ilihim  na lang to ng matagal sa kanya dahil matagal na to simula pa lang nang makita ko siya..."Nagsimula na siyang umiyak.

Parang naiiyak na rin ako dahil sa mga sinasabi niya. Alam kong masamang isipin na ako ang tinuturo niya pero ramdam ko, ramdam ko na ako ang tinutukoy niya.

"...pero mukhang nabuking niya na ko ngayon...Kate.....Mahal....kita..ikaw nga ang tinutukoy ko dahil sa bawat oras na magkasama kayo ni Raine nagseselos ako kasi sa kanya ka mas sumasaya kaysa sa akin na siyang kaibigan mo. Kate..sana naman di magbago ang pagtingin mo sakin kahit kaibigan lang sapat na kahit di mo na suklian tong nararamdaman ko sayo." Sabi niya habang nagpupunas nang sarili niyang luha.

Natulala ako sa lahat nang sinabi niya sakin. Ganun? Ganun na ba ko ka manhid para lang di ko mapansin ang nararamdaman niya para sa akin? Nahawa na ba ko sa kamanhidan ni Raine? Na sa lahat nang ginagawa ko para mapansin ni Raine ay si Miguel lang ang nasasaktan ko...Napakasama ko...Naluha na rin ako.

"Miguel naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero hanggang dun na lang ang pagtingin ko sayo...bilang kaibigan...sana maintindihan mo rin ako sorry.." Saka ako umalis habang nag papahid ng mga luhang bumagsak dahil sa sobrang emosyon.

Namasahe na lang ako pero nakita ko si Raine na galing sa convenience store sa tapat nang school.

Nang nakita niya ko nanlaki ang mata niya saka siya tumakbo deretso sakin.

"Kate ayos ka lang? Bakit namamaga yang mata mo? Umiyak ka ba? Bakit may problema ba?" Tanong niya sakin.

"Haha! Ano ka ba nakagat lang ako nang insekto kaya namamaga to? Wag mo nang intindihin." Tinawanan ko na lang siya pero mukhang di siya naniwala na kagat lang to dahil ang sama ng tingin niya sakin at nakatitig sa mata ko.

"Seryoso ang tanong ko, anong problema? Wag mo kong utuin."seryosong sabi niya.

Dapat rin ba kong umamin sa kanya? Pero....di pwede baka di niya ko pansinin o iwasan dahil lang namay gusto ako sa kanya baka mag alinlangan pa siya sakin.

"Oo umiyak ako. Pero raine ano ang gagawin mo kung ako mismo ang nagkagusto sayo? Magiging magkaibigan pa rin ba tayo?"tanong ko sa kanga pero mukhang maluluha ulit ako dahil sa emosyong nararamdaman ko ngayon.

Sana pumayag ka na magkaibigan pa rin tayo. Sana ganun pa rin ang tingin mo sakin.

"Sa tingin ko papansinin pa rin kita pero di yung palagi na, para di na lalong lumala ang nararamdaman ang nararamdaman mo sakin at mawala na yun, para bumalik sa dati ang tingin mo sa akin." Sabi niya.

Medyo nasaktan ako dun kasi di na palagi pero may isang parte sakin na nagpapasalamat na papansinin pa rin niya ko minsanan nga lang.

Nagpaalam na ring umuwi si raine dahil pupuntahan niya si cess...

Oo nagseselos ako sobra.

Nung medyo dumidilim na naisipan kong umuwi na..

Habang nasa taxi ako may natanggap ako text mula kay Miguel.

From Miguel Feliciano:

Nakauwi ka na. Ingat ka:)

Nag reply na lang ako.

To Miguel Feliciano:

Oo nasa taxi nako, ingat ka rin pauwi.

Sana sa lahat nang pinagsamahan namin walang magbago, sana walang manibago dito.

The Confusing Love ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon