Paalam
This time eto na ang pinakahihintay nang lahat ang graduation namin.
Marami nang naghahangad na maka graduate sa amin para makapag isip na sila nang iba't-ibang courses.
Architecture na ang pinakasure kong kukuhanin. Halos puro Math pero kakayanin.
I pretty sure na magagawa ko ang lahat para magsisi si raine.
Abangan lang niya at maiiba na ang nakilala niyang Katherine.
It feels like I really want to be more fiercer than they see in front of them.
Everthing will change. The past will never came back. So the present might be more exciting for me...I will show-
"Anak ayos ka na ba. Dapat marami kang award dun, ha? Aabangan ko yan." Biglang sulpot naman ni papa habang inaayusan ako ni Mama.
Basag trip din tong si papa eh...
"Papa naman eh!" Inis kong sabi sa papa ko at ngumuso na parang bata.
Totoo naman eh nag iisip na ko nga mga plano ko eh..Tsk!
"Ano?! Sige na nga. Kahit wala na basta magpakabait ka." Ngumiti naman ako sa mga sinabi ni papa.
Napakabait talaga nang mga magulang ko kahit makalokohan. Nagpacute naman si papa kaya nagtawanan kaming dalawa.
"O siya. Tigil nyo na yan. Ayos na ang lahat. At saka para makaalis na rin tayo. Tara na." Sabi naman ni Mama.
Nag ayos na nga ako at naghanda. Ngumiti muna ko at nagpacute sa harap nang salamin. Syempre di ko ginawa ang magpacute baka mapagkamalan akong baliw nang mga magulang ko.
Pagbaba ko nakasalubong ko si Mika na nag aayos.
Nang nakita niya ko napa-wow na lang siya at agad na lumapit sakin.
"Wow! Ate ang ganda mo......." Ngingiti-ngiting sabi ni Mika.
Syempre nagpadala ko dun. Ang laki na nga rin nang batang to. Grade 8 na siya. Ang tagal din at ang daming panahon ang lumipas.
"Thank you. Bumait ka atang bata ka. Inaamin ko namang ma-" pinatigil ako nang kapatid at saka nakahalukipkip na nakatingin sakin.
"Ate! Mahirap nang assuming ngayon. Maganda ka lang kasi may make up ka. At kahit dagdagan pa yan o kapalan yung pa rin itsura pero gaganda ka naman. Konti lang." Saka niya pinakita ang dalawang daliri niya konti na lang ang distansya.
Inirapan ko na lang ang matino kong kapatid at lumabas na.
Sinundo kami nang tito ko gamit ang kotse nila yun kasi ang maghahatid sakin mamaya.
Pagdating namin sobrang dami nang
tao at ang dami ring nagpipicturan.Inikot ko ang paningin ko para maghanap-hanap pero nakita ko si Raine kasama ang magulang niya at kapatid niya.
Nung nakita niya ako iniwas niya lamang ang tingin niya at bumaling sa ibang bagay.
Lumapit sa amin ang magulang niya at lumapit din ang bunso niyang kapatid na babae kay Mika dahil magkaibigan sila.
Nagkwentuhan muna sila. Ang tagal din bago nagsimula.
Nung inaarrange na ang bawat isa nakita si raine na seryoso lang ang itsura.
Pero bumalik sa isip ko ang mga plano ko na magsisisi dapat si raine.
Alam kong bumabaliktad na naman ang nararamdamn ko kaya pinigilan ko ito.
Di pwedeng masira to....
Habang inaalala ko ang mga nangyari kanina parang nalungkot ako.
Pero lumapit sakin ang matatalik kong kaibigan.
"Kate!" Sabay sabay nilang sabi saka ko niyakap nang pagkahigpit.
Puro picture taking na lang ngayon kaya pwede kaming mag usap usap.
"Mamaya na ang alis mo diba? Namimiss na agad kita." Sabi naman sakin ni Miguel kaya sinapak ko na.
Natawa naman kami kaya. Nagpapicture na lang din kami para may remembrance.
Sunod nun ay umuwi na kami para makapag bihis at handa na ko.
Malapit na rin bago ako umalis. Kasama nga sila Jelyn sa paghatid sakin papuntang airport.
Nang naayos ko na ang maletang dadalhin ko bumaba na ko mula sa kwarto ko at nagsimulang magpaalam sa iba.
"Bye ate. Ingat ka dun ah." Sabi sakin ni Mika saka niya ko niyakap.
Nagpaalam din ako sa mga kakilala ko an kapitbahay namin.
Mamimiss ko talaga ang lahat nang to.
Nang pagdating namin sa airport nakita ko agad sila Miguel,Michael at Jelyn na kumakaway sa padating na kotse nang tito ko.
Bumaba na ko mula sa backseat at lumapit sa kanila para yakapin.
Binaba na nila tito ang maleta ko at binigay nagpaalam din ako sa kanila.
"Bye Mama. Papa. Ingat kayo palagi ah. Mamimiss ko kayo." Saka kami nag group hug.
"Ikaw anak magingat ka dun. Wag ka agad magtitiwala sa mga tao dun pag di mo kilala." Paalala ni papa.
Tumango na lamang ako. At binaling ko na ang atensyon sa mga kaibigan ko.
"Ingat ka dun Kate saka wag ka agad hahanap nang iba nandito pa si Miguel." Sabay turo niya sa katabi.
"Titignan ko." Atsaka ko tumingin nang mapang asar kay Miguel.
Pero sumimangot siya na parang bata saka ngumuso.
Argh. Mamiss ko talaga sila.
"Bestie mamimiss kita. Sa skype or facebook na lang pala tayo makakapg usap. Mag ingat ka dun ah." Niyakap ko naman nang pagkahigpit si Jelyn.
Humiwalay na ko at kumaway sa kanila saka pumasok sa loob.
Pagpasok ko x-ray muna ang nadatnan ko atsaka dumiretso dahil magbo board na rin.
Pero may nakita kong pamilyar na lalaki mula sa malayo.
At kamukhang kamukha niya.
Nakita ko tong may kausap na babae,
At parang nagpapaalm ito.Nang medyo nakatagilid na siya naaninaw ko na ang maputi niyang kutis, ang hugis nang labi at ang tangos nang ilong siya talaga.
Pero bakit? Aalis din siya?
Pero pagbalik ko dito magbabago na ang lahat nang nakilala nila..
Paalam na Raine... You'll regret what you did to me.
BINABASA MO ANG
The Confusing Love ( Complete)
General FictionMaraming nalilito kung mahal nga ba nila ang isang tao o hindi kagaya na lang nila... Si Kate, Simula pagkabata puro pagkain lamang ang nasa isip. Hanggang sa dumating ang isang transferee sa kanilang eskwelahan nakilala agad ito bilang campus crus...