Pag-alis
"Ano to?" Inis na tanong ni Miguel sa amin.
"Ehh...."nahihiyang sabi ni Jelyn
Minsan kasi pag halimbawang may nangiinis sakin at nalaman niya yun nagkakaganyan siya.
"Di ba nag usap n tayo na kapag may gumawa nang masama sayo sabihin mo sakin?" Galit niyang sigaw sa harap ko.
"Oo. Eh kasi..."natatakot kong sabi.
"Tungkol na naman ba to kay Raine. Gusto mo bugbugin natin yun-" tumigil siya at kinalma ang sarili dahil na rin siguro nakita niyang natatakot ako.
"Okay ano talaga ang nangyari bakit kumakalat na may gusto ka kay Raine, anong gagawin mo pag nalaman niya?"seryoso niyang tanong sakin habang diretsong nakatitig sakin.
"Ewan ko? aamin na rin siguro ako sa kanya." Nagkibit balikat na lang ako.
"Bahala ka. Basta sabihin mo lang sakin kapag may problema ka." Tumango na lang ako sa kanya at ngumiti.
Habang nagpupunas siya nang pawis niya dahil sa laro nila. Nanalo sila dahil magaling naman si Miguel at siya ang nagpapanalo.
".....masyado ka namang OA. Kahit mataba to pero cute....at Lalo na pag may problema si bestie. Hinay hinay lang masyado ka kasing halata..."bulong ni jelyn sa mismong pinsan niya.
Umiwas lang nang tingin si miguel sa kanya at uminom nang tubig.
Napatawa naman kami ni jelyn sa reaksyon nang kanyang pinsan.
"Ano tara na?" Yaya ko sa kanilang dalawa na nag iinisan.
Sabay na lang silang tumango sa akin.
Kumain muna kami sa malapit na fast food sa school namin.
"Alam mo Kate. May mga oras na nakikita kitang malungkot. May mali ba kung aamin ka sa kanya. O baka may sinabi siya sayo, kahit ano?"tanong ni Miguel sakin habang umiinom nang float.
Di na nila kailangang malaman yun akin na lang yun at ako na ang bahala mag resolba nun. Kaya ko naman ang ibang bagay yun pa kaya.
"Alam mo, inggitera lang talaga yang sila Mag kasi ikaw pinapansin ka ni Raine at napakabait pa niya kapag kasama ka, pero sa kanila cold lang siya at palaging seryoso kapag kaharap na. Kahit may girlfriend na siya ngayon kinakausap ka pa rin niya, tinuturing na kaibigan. Kaya wag kang magpapadala sa mga yun." Pag kokonsinte sakin ni jelyn.
Tama naman siya. Pero marami na rin kasing may gusto kay raine kaya ngayon di lang sila Mag, Jaleia, at Hannah ang may gusto halos kalahati nang mga babae sa campus namin.
Humalukipkip na lang ako habang busy sila jelyn at miguel sa pag uusap.
May nakita naman akong mga estudyante din sa school sa amin na nagbubulungan at nakatingin sakin nang masama.
Yung isa nga umiirap irap pa sakin, gusto ko ngang dukutin yung mata nun pero syempre kadiri kaya..
Nauna na kong umuwi sa kanilang dalawa dahil maggagabi na rin naman kasi sabay naman silang uuwi pero nagpresenta din naman si miguel na ihatid ako pero humindi na lang ako...
BINABASA MO ANG
The Confusing Love ( Complete)
قصص عامةMaraming nalilito kung mahal nga ba nila ang isang tao o hindi kagaya na lang nila... Si Kate, Simula pagkabata puro pagkain lamang ang nasa isip. Hanggang sa dumating ang isang transferee sa kanilang eskwelahan nakilala agad ito bilang campus crus...