Chapter 15

6 0 0
                                    

Paghahanda

Ngayon araw sinabi sa amin na may practice na kami para sa graduation.

Puro graduation picture na kami kahapon at iba pa.

Di ko makita sila Jelyn kahit na lahat naman nang section ay nagpapractice na, si Miguel lang at si Michael ang kasama ko ngayon.

Nakita ko na nga ang iba pero di ko pa rin nakikita si Raine.

Si Cess kanina nung nakita niya ko nginitian niya lang ako at kinawayan na parang wala siyang alam sa nangyayari sa paligid niya pero ayos na rin yun atleast napatunayan kong mabait talaga siya at swerteng swerte si Raine sa kanya.

If there is one thing that I've realize this past few days...is that I'm little bit curious of Cess attitude that she is showing to us.....

Kasi kahit kailan di ko siya nakitang nagalit sa isang bagay o kahit ngayon na di man lang siya o medyo nagseselos  sa lahat na nangyayari sa boyfriend niya....

Talagang sa isang relasyon kailangan nyo nang understanding sa isa't-isa para magtagal kayo.

Konti na lang ngayon ang honest sa isa't-isa at palaging manloloko na lang ang nakakasalubong nila....

Nagsimula na ulit ang practice at sa kanta na lang ang hinihintay namin para matapos to..

Malapit na rin ang graduation namin...at oo hanggang ngayon natotorpe pa rin ako...nalilito kung ano talaga ang dapat kong gawin...

Pero sa tingin ko bago na lang mag graduation....

Sa sabado na nga rin gaganapin ang graduation namin..at sa sabado din ang mismong alis ko...dalawang araw na lang.

Inaayos na nga nila mama ang mga kakailanganin ko sa pag alis..

Di ko pa nasasabi kay miguel siguro pag malapit na lang.

"Kate tapos ka na sa clearance mo?"tanong sakin ni Michael habang nakaupo lang kami sa garden at papalapit na naglalakad sa amin si Miguel.

"Di pa. Konti na lang naman to!" Sagot ko sa kanya.

Umupo sa tabi ko si Miguel. Dahil nasa puno naman nakaupo si Michael sa taas namin.

"Oh ano? Ayos ka lang?"tanong ko kay Miguel habang hinihingal pa rin.

"Oo. Hinahabol ko pa si Mrs. Gatdula para papirmahan to." Tumango na lang ako at binigay sa kanya ang dala kong tubig.

"Konti na lang din pala sayo? Bakit di na lang tayo magsabay magpa pirma." Pangalumbabang tingin niya sakin.

"Okay. Sige. Ayos lang naman sakin." Pagsang-ayon ko sa kanya.

Dumating naman si Jelyn at nagsabay sabay na rin kaming magpa pirma sa bawat teacher nakasanayan naman na talaga namin to.. Nung simula pa lang.

Konti na lang oras namin sa pahinga ngayon palaging practice na kailangan na nga daw naming ma perfect ang lahat...

Pero dahil nga dun kinakalat na naman nila Mag ang tungkol sa ginawa nilang kalokohan sakin... Kaya eto pinag uusapan na naman ako nang ibang may gusto kay raine..

Nakasabay na rin si Raine sa practice namin pero palagi siyang seryoso alam niya na kaya pero pag nakikita kong nakatingin siya sakin tipid niya lang akong nginingitian....

"Tara kain na tayo!"yaya ni jelyn sa aminnung binigyan na kami nang oras para magpahinga.

"Kate tara na!" Tawag sakin ni Miguel.

Tumayo na rin ako at sumama sa amin.

Pagdating namin dun halos puno, wala na kaming mahanap na table.

The Confusing Love ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon