Invited
"May damit ka na ba? Gusto mo bili ka samahan na lang kita?" Tanong sakin ni andy.
Kanina lang kasi kinausap kami nang lola niya.
"Joaquin, may party mamaya ang pinsan mo. Pumunta ka doon, para makilala ka man lang nang iba nating kamag anak." Saka naman tumingin sakin si lola.
"Ikaw hija. Sama ka na rin. Para may kausap man lang tong apo ko."
"Sige po."ngumiti na lamang ako.
Nakangiti naman siya ngayon kay Andy at hinawakan ang kanang balikat nito kahit nakatagilid si andy.
"Ayan apo, may ka date ka na." Saka ito tumawa pero nahihiyang nakangiti naman si Andy. Ang cute!
Nasa sala muna kami ngayon at nanonood nang palabas. Hula ko ay tulog na naman si Raine.
"Mamaya alis tayo." Pagpipilit pa rin ni Andy sa akin.
Siguro nasanay siya sakin dati na kapag may pupuntahan kaming enggrande palagi akong nagyaya na bumili kami nang masusuot ko.
Napabuntong hininga na lang ako at tumango na lamang sa kanya.
Nasa tv na ngayon ang atensyon niya habang kumakain nang popcorn.
Sinulyap ko naman ang cellphone ko at may nakitang text si Jelyn at Miguel.
Tinignan ko muna ang text ni Jelyn.
Jelyn Medina:
Bes. Dalawang araw na lang kayo jan diba? Namimiss na kita :( nandyan si Raine diba? Ingat ka na lang.
Me:
Oo na.... Namimiss na rin kita :*
Saka ko naman tinignan ang mahaba na text ni Miguel.
Miguel Feliciano:
Hey. Why it take you so long? Baka may ginagawa sayong masama yang foreigner na yan ah. Sabihin mo lamg sakin. But I really miss you. Come back home. Please. Ingat ka dyan palagi. Kailangan pag umuwi ka buo ka pa rin. Kundi malilintikan talaga sakin yan.
Namula ako bigla dahil sa kung ano man iniisip ni Miguel kay andy.
Me:
Di ganun si Andy. Grabe ka namang magsalita sa kanya. Matagal na kaming magkasama mas kilala ko na siya kaysa sayo kasi open siya sakin. Bwiset!
Tinabi ko muna sa gilid ko ang cellphone ko at nanood nang tv.
Nakalipas 5 minutes bago siya nagreply.
Miguel Feliciano:
Well, mas alam ko ang gawain talaga nang mga lalaki. Just take care. <3 I won't say it. Coz I think you now what I feel. Bye
Me:
Nah. Bye.
Nakakainis talaga yung lalaking yun. Ka badtrip.
"I'll court you there." Yan palagi ang paalala niya sakin mula kanina pagkaalis namin.
Tumawa na lamang ako sa kakulitan niya. "Alright. Alright."
Tinignan niya ako at nginitian saka ulit napunta ang atensyon niya sa kalsada.
Ngayon habang naglalakad lakad kami sa mall dahil nakabili na rin ako nang susuotin mamaya. Medyo nagtagal pa nga kami dahil di ko mahanap ang gusto kong style.
"Why don't we eat now? Di ka ba gutom?"
"Gutom na rin." Tinignan ko siya habang nakanguso.
"Tara hanap na tayo." Saka siya naunang maglakad sa akin.
BINABASA MO ANG
The Confusing Love ( Complete)
General FictionMaraming nalilito kung mahal nga ba nila ang isang tao o hindi kagaya na lang nila... Si Kate, Simula pagkabata puro pagkain lamang ang nasa isip. Hanggang sa dumating ang isang transferee sa kanilang eskwelahan nakilala agad ito bilang campus crus...