Chapter 9

19 0 0
                                    

Galit

Sabay kaming pumasok ni Jelyn sa eskwelahan dahil wala naman daw siyang kasabay kaya kami nalang.

Nang nakarating na kami sa bawat classroom namin nagkahiwalay na kami dahil iba naman yung sa kanya kaya nagkawayan na lang kami.

Pagpasok ko nagtaka ko kasi wala pa si Miguel samantalang palagi namang mas maaga pa yun sakin.

Kaya umupo nalang ako sa upuan at nagsulat nang kung ano-ano sa notebook ko.

Pagdating nang mga 20 minutes dumating na rin siya pero nakasimangot.

Tinotopak na naman  ba to?!

"Oy! Miguel magang maga nakasimangot ka riyan parang galing ka nang biyernes santo...problema mo?"sabi ko sa kanya pero ginawa ko ring mataray yung itsura ko para magsalita.

Pero inirapan na lang niya ko at yumuko.

Aba! Kelan pa to natutong mang irap?

Batukan ko nga...

"Aray! Ano bang problema mo?"tanong niya sakin na naiinis

"Wow! So ako pa ang may problema ngayon? Eh ikaw nga dyan ang may topak eh..Tsk!" At umupo nalang ako sa upuan ko.

Dumating na ang teacher namin kaya inangat na ni Miguel ang ulo niya.

Tahimik lang siya ngayon hanggang sa matapos ang klase...

Nung break time naglabasan na kami pero di niya ko hinintay..

Bahala ka nga dyan! Si Jelyn na lang sasamahan ko.

"Bestie! Ano bang problema nang pinsan mo? Mukhang nay topak."tanong ko kay Jelyn.

"Malay ko dun di naman yun tinotopak ngayon lang."sabi niya sakin.

Wag ko nalang kaya siyang pansinin yon di naman niya ko matitiis eh.

Kaya nung dumaan siya sa table namin saka tumingin inirapan ko siya pero parang wala diyang pakealam.

Kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

Saktong naging magpartner kami sa experiment para sa science...

Ginagawa ko na lang ang dapat kong gawin sa experiment at nagkanya kanya kaming dalawa.

"Kate and Miguel bakit di kayo gumagawa nang sabay umayos nga kayo?" Sigaw sa amin ni Mam.

Nagkatinginan kami kaya inirapan ko siya...

"Bahala ka diyan topakin.."bulong ko.

Bigla siyang tumingin sa akin at natawa...

Kanina tinotopak ngayon tumatawa... Baliw ba to?

"Bakit ka tumatawa dyan wala namang nakakatawa topakin?" Mukhang naiinis siya sa sinabi ko kaya balik ulit siya sa dati.

Pero sabay na naming ginawa ang experiment.

Nakakuha kami nang mataas na score dahil daw nagtulungan kami..sabi ni Mam.

Pagkalabas namin sa laboratory nakita ko sila Raine at Cess na nagtatawanan.

Kaya nung napadaan kami at nakita nila ako kumaway na lang ako.

At ngumiti na lang sila...

"Nagseselos ka naman sa dalawa..dahil kay Raine!"sabi ni Miguel sa akin..

"D-di noh!"pero ang totoo oo nagseselos ako kasi mahal na mahal ko talaga si Raine.

"Maniwala ako sayo! Tara na sa next class natin"sabi niya.

Habang naglalakad kami nagtatanong  ako sa kanya....

"Bati na tayo?"tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

"Matitiis ba kita eh bestfriend kaya kita."sabi niya sakin tapos inirapan niya ko.

"Ayeii! Mahal niya ang bestfriend niya."sabay hampas ko s kanya sa balikat.

"D-di ah!" Bigla siyang namula..Bakit kaya??

Mahirap pala pag slow ka sa ibang bagay...

"Okay...."at binalewala ko na lang talaga siya.

Tinignan ko ulit siya at nakatingin siya sa mag jowa sa malayong table at naktulala...

Kaya kumaway ako sa mismong tapat niya..

"Hellooo..."sigaw ko nang napakalakas.

Buti na lang mukhang nasa ulirat na siya..

"Ang ingay mo naman."sabay hawak niya sa tenga niya.

"Eh tulala ka kaya."sabi ko sa kanya.

"Hay...."

"Tara na baka malate pa tayo."at umalis na kaming dalawa.

Nung uwian dumiretso ko sa bahay nila Jelyn.

"Kate may damit ka na ba para sa prom natin?"tanong sakin ni Jelyn habang nagpapasukat siya nang papatahi niyang damit.

"Ah..di pa."sabi ko sa kanya at humalukipkip na lang ako..

"Pasukat ka na rin dito tapos bayaran nyo na lang."sabi ni Jelyn sakin.

"Okay sige."

At tumayo na ko papunta kay Jelyn para masukatan din ako nung mananahi.

Nung tinanong ako kung anong kulay nang dress ko champagne dress na lang ang sinabi ko kasi maputi naman ako eh.

Kay Jelyn naman sky blue ang pinili niya na shoulder length na long dress.

Sigurado namang mas maganda si Cess sa dress niya.

Tatlong araw na lang prom na buti na lang mabilis gumawa yung mananahi nila Jelyn kaya tapos na yung isang dress pero yun sa akin di pa.

"Miguel may damit ka na ba para sa prom?"tanong ko sa kanya sa cellphone habang naguusap kami.

"Meron na rin."sagot niya.

"Kate pwede ba sa prom first dance kita?"tanong niya.

"Sige ayos lang naman. Wala naman ding gustong makipagsayaw sa akin."

Wish ko lang na sana tanongin din ako ni Raine para isayaw niya...

The Confusing Love ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon