Sampal
Nung uwian na pinatawag ako ni Mam Claire at sakin pinadala ang mga gamit niya papuntang faculty.
Pero mukhang alam ko na ang mangyayari dito.
Ang layo nga lang nang faculty mula sa classroom namin.
Nang nakarating na kami pinapasok ako at tinuro sakin ni Mam kung saan ilalagay.
"Diyan na lang hija." At sinunod ko naman iyon nilagay ko ito sa gilid nang table niya.
Tinignan ko siya at niyaya niya lumabas muna kami.
Nang nakalabas kami tinignan niya muna saka nilagay ang kamay niya sa likod.
"Bakit ka nga pala wala nung first subject? Sabi nang mga kaklase mo iniwan mo yang bag mo at umalis na."
Ayokong maalala ang lahat nang nangyari kanina kaya di na lamang ako sumagot.
Nakayuko lang ako....
"Alam mo bang cutting yun. Pwede kang masuspend sa ginawa mo." Inis niyang sabi sakin pero nakayuko pa rin ako.
Nang napansin niyang tahimik na lamang ako napabuntong hininga siya at nagsalita ulit.
"O sige. Papalagpasin ko to. Pero wag mo nang uulitin." Pag pagpapaalala niya.
Tumango na lamang ako bilang sagot. At umalis na ako.
Naglakad-lakad muna ko para hanapin sila Jelyn para makauwi na.
Pero di ko sila mahanap kaya lumabas muna ko.
Pagkalabas ko may narinig akong mga sigawan pero parang kilala ko ang boses na yun.
Hinanap ko yun at nakita ko na lang sila sa gilid.
Sila Miguel at Raine nagsusuntukan?
Tinignan ko ang mga tao ang dami ring ususero at ususera.
Nakita ko si Jelyn na nakahalukipkip lang at pinapanood sila Miguel na mag bugbugan dun.
"Oy Jelyn! Anong nangyayari dito?" Sigaw ko sa kanya.
Mukhang nagulat siya at napatingin sakin.
Lumapit ako para kausapin siya.
"Bakit nagsusuntukan yang dalawa?" Tanong ko sa kanya.
"Eh ginaganti ka lang ni Miguel.." Sabi niya na medyo nag aalinlangan.
"Di ba nag usap na tayo. Di niyo na kailangangang gumanti." Inis kong sabi sa kanya.
Napayuko na lang siya.
"Pero para naman yun sayo... Mali yung ginawa niya.." Nahihiya niyang sabi sakin.
"Oo mali yun. Pero sana nakinig na lang kayo!" Sigaw ko kay jelyn.
Mukhang natakot siya kaya napayuko na lang at pinaglaruan ang daliri niya.
Tinignan ko ang dalawa na walang humpay pa rin sa pagsusuntukan.
Lumapit ako dito at sinigawan si Migel.
BINABASA MO ANG
The Confusing Love ( Complete)
Fiction généraleMaraming nalilito kung mahal nga ba nila ang isang tao o hindi kagaya na lang nila... Si Kate, Simula pagkabata puro pagkain lamang ang nasa isip. Hanggang sa dumating ang isang transferee sa kanilang eskwelahan nakilala agad ito bilang campus crus...