Ngiti
Tatlong araw na lamang ang natitira bago kami makabalik sa Manila. Medyo nageenjoy naman ako kasi friendly naman pala ang mga pinsan ni Andy.
Di ako ganung na bobored pero pag naaalala ko yung mga trato sakin ni Raine ngayon, Parang sobrang saya ko.
Gantong-ganto rin ang trato niya sakin dati nung di pa niya nalalaman...
Pero parang mas naging caring at mabait siya sa akin ngayon...
"Are you okay? Di ka na ba naiilang sa mga pinsan ko. Ayos lang namang sabihin mo na naiilang ka pa. I'm just here, you can talk to me." Eto na naman siya concern as always.
"Okay lang ako. Nakakausap ko naman na yung ibang pinsan mo saka friendly naman sila....saka.." Napatigil muna ko at nalilito kung babanggitin ko pa ba siya.
Nakanguso lamang si Andy habang nakikinig sa akin at nakatingin lang sa aking kamay na nasa table.
"Si Raine..Oo..alam ko yung dati sa inyo kinwento ng mga kaibigan mo.." Nagulat naman ako dahil di ko inakalang mababanggit niya pa yun. Nababasa ba nito kung ano ang nasa isip ko?
Ang daldal talaga nang magkakaibigang yun. Bwiset!
"I'm not a mind reader, nakikita ko lang sa mukha mo saka naisip ko lang na baka siya ung tinutukoy mo...Ano nga ayos na kayo nun?"
Sa itsura niya pa lang parang nagtataka siya sa mismong tanong niya.
"Ayos na kami..bumalik na yung dating pakikitungo niya sakin." Nginitian ko na lang siya para magmukhang makontento na siya sa tanong niya.
Maya-maya ay pumasok muna ko sa kwarto namin ni Andy.
Medyo namimiss ko na rin yung tatlo kong madadaldal na kaibigan.
Kinuha ko ang laptop ko at nilapag ito sa aking kama at dumapa roon.
Binuksan ko ang skype ko at para matignan kong on kaya sila.
Nang nagscroll scroll ako nakita ko na on si Jelyn, pinindot ko na lamang ang pangalan niya at sinimulan ko nang ivideo call.
Parang kakatulog lang niya dahil sa ayos nang buhok niya.
"Oh...Hi bes! Tagal mo nang di tumawag. Kamusta ka diyan?" Nakasimangot lamang ito habang nagkakamot nang mata.
"Ayos lang ako. Mababait naman yung mga pinsan ni Andy dito.."
"Mabuti naman pala.."
"Pero bes may sasabihin ako sayo..Magpinsan pala si Raine at Andy.." Nanlaki ang mata niya at umismid sa screen.
"Oo nga.." Saka ko kinwento sa kanya ang pinag usapan namin sa garden.
Di siya makapaniwala dahil si Raine nga daw ba yung kausap ko nun. Para sakin ayos na sa aking nagkaayos kami.
Sinabi pa nga niya baka nagkakagusto na yun sakin, dahil sa improvement ko. Maganda naman daw kasi ako baka nainlove na yun.
Sinamaan ko na lamang siya nang tingin para matigil na.
Wala pala sa kanila si Michael at Miguel dahil busy sa trabaho nila. Day off daw kasi si Jelyn.
Pagkalabas ko nang kwarto nakita ko agad si Raine na kakalabas lang din nang kwarto na magulo pa ang buhok pero ang gwapo niya pa rin.
BINABASA MO ANG
The Confusing Love ( Complete)
General FictionMaraming nalilito kung mahal nga ba nila ang isang tao o hindi kagaya na lang nila... Si Kate, Simula pagkabata puro pagkain lamang ang nasa isip. Hanggang sa dumating ang isang transferee sa kanilang eskwelahan nakilala agad ito bilang campus crus...