Akala
Habang nagpa practice kami kinuha ko ang cellphone ko at tinext si raine.
To Raine Castil:
We have to talk. Kailangan to. Please?
At sinend ko na sana nga pumayag siya.
Mga ilang oras na rin pero di pa siya nagrereply. Nag text ulit ako sa kanya.
To Raine Castil:
Hey! Can we talk this is important may kailangan ako sabihin.
Naghintay ulit ako pero di pa rin siya nagrereply.
Nung nag uwian na sumabay na lang ako kela Jelyn na umuwi ..
Di tagumpay ang nagawa. Mas pipilitin ko na siya bukas.
Sa ayaw at sa gusto niya....
Diretso tulog na lang ako at hinintay ang kinabukasan...
Kinabukasan.......
Pagkagising ko naghanda na ko.... Tinignan ko ang cellphone ko pero di pa rin nagrereply si raine.
Umalis na rin ako at nagmadaling dumiretso sa school.
Pagdating ko dun. Dumiretso na ko sa room namin.
Pero nagulat ako dahil ang tahimik nila.
Tinignan ko sila isa-isa pero ang tahimik. Nung tinignan ko ang tao na malapit sa bintana parang kinabahan ako.
Nakatingin siya sakin at bigla na lang siyang tumayo, pero seryoso pa rin ang itsura niya.
Papalapit na siya akin. Bawat hakbang niya parang ito na lang ang naging kasabay nang tibok nang puso ko.
"So what do you want from me?" Tanong niya sakin nang seryoso.
Nakakatakot ang aura niya as in parang di na siya ang kilala kong raine parang siya na ngayon ang raine na kilala halos nang lahat ang cold at suplado.
"Can we talk outside dun sa walang tao. I want some privacy." Pagkukumbinsi ko sa kanya.
Nag isip pa siya at tumango na lang sakin.
Habang naglalakad kami sa hallway maraming nakakakita sa amin pero mukhang natatakot sila itsura ni raine ngayon.
Nang nakahanap na kami nang lugar... Dun lang kami sa likod nang building nang highschool.
Humalukipkip si raine at tumingin sakin habang ako naestatwa lang sa harap niya.
"So ano na ang gusto mong sabihin?" Tanong niya.
"M-may gusto kasi akong sabihin sayo..." Kinakabahan na ako lalo ngayon sa kung ano ang pwedeng kahinatnan nito.
Nakatingin pa rin siya sakin na parang sinusuri ako.
"I...I...I like you. Simula pa lang nung grade 7 tayo gusto na kita." Baliw na baliw na ko raine alam mo ba yun?
Nanlaki ang mga mata niya at sinara ang mga kamao.
Nakikita na sa braso niya ang mga ugat na para bang nanggagalaiti na siya sa galit.
Mas lalong lumakas ang tibok nang puso ko.
BINABASA MO ANG
The Confusing Love ( Complete)
General FictionMaraming nalilito kung mahal nga ba nila ang isang tao o hindi kagaya na lang nila... Si Kate, Simula pagkabata puro pagkain lamang ang nasa isip. Hanggang sa dumating ang isang transferee sa kanilang eskwelahan nakilala agad ito bilang campus crus...