Chapter 20

4 0 0
                                    

Nag iisip pa ko nang pwedeng matype kaso wala na..kaya eto po ang pov ni Raine
___________________________
Mamimiss

Raine's pov

Naghanda na ko nang dadalhin kong gamit para sa pag-alis ko. Sa Las vegas ko na itutuloy ang pag aaral ko nang college.

Naalala ko rin ito rin ang mismong araw nang alis ni Kate.

Pero siya pa rin naman ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Cess.

Alam kong mali pero yun ang sa tingin ko.

Pagdating namin sa airport nagpaalam na ko sa kanilang lahat.

Kela mommy kela daddy at lalo na sa mga kaibigan ko.

"Brad mamimiss kita.. Huhu!" Pag iinarte naman ni josh sakin.

"Kadiri mo.. Para kang bading." Nagtawanan naman tong mga bugok na to dahil siguro sa itsura ko kadiri naman kasi eh. Ginagaya niya pa ang boses nang babae.

"Bye brad. Ingat ka dun. Alam ko maraming chicks dun. Hanap mo ko." Sinuntok ko naman si greg dahil puro babae talaga ang inaalala nito.

"Brad maraming babae dito diyan ka na lang maghanap." Pagbibiro kong sabi sa kanya. Sumimangot naman siya sa sinabi ko.

Papalapit naman sakin si Matt saka niya ko hinawakan sa braso.

"Ingat ka dun brad. Wag mo kaming kakalimutan." Hahaha. Loko loko talaga tong mga to.

Kahit loko-loko to mamimiss ko talaga
sila.

Mukhang di siya dadating dahil mukhang di pa niya napapatawad. Nang sana aalis na ko.

May tumawag bigla sa pangalan ko na kilalang kilala ko.

"Raine!" Sigaw niya.

Napalingon naman ako at nagmadaling lumapit para yakapin ang babaeng yon.

Di ko makakalimutan kong paano ko napasaya nang babaeng to.

"Akala ko di ka na dadating." Bulong ko sa kanya.

Humiwalay na ito sa yakap ko at tumingin sakin.

"Ako pa. Eh napatawad na nga kita. Mamimiss kita nang sobra." Naluluha niyang sabi sakin.

Pinunasan ko ang mga luhang bumubuhos sa kanyang magandang mukha.

"Wag kang umiyak. Di mo ko mapapaalis niyan eh." Niyakap niya lang ulit ako.

"Sige na nga. Basta mag ingay ka, ha?" Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya.

Tinignan ko silang lahat at ngumiti.

Kinuha ko na ang maleta ko at dederetso na sa boarding station.

May nakita kong babae na nakatitig sakin nung mismong pagtagilid ko at nakita ko nga si Kate doon.

Nang nakita niyang parang nakatingin ako sa kanya. Namula ito at dumiretso na sa dapat kong puntahan.

Alam ko namang magkakasabay talaga kami.

Kaya inasahan ko na to.

Sa bawat memories na nangyari sa amin sana di magbago ito.

The Confusing Love ( Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon