when i woke up,
nasa isang kama ako. at hindi ko napansin... may katabi ako.
yung tita ni Gio??
"are you okay na ba?" she asked me and i said "yes po, im fine na po."
"Nasaan na po yung kasama ko kanina?"
"I'm here Risse!" at sabay pasok niya sa room. ang cozy lang ng room. I wonder kung kanino to.
"Tita, were sorry po kasi naabala pa po namin kayo.. akala po kasi namin andito pa po si Gio but were too late na po pala." ang sabi ko sa kanya.
"Okay lang yun, welcome ang mga classmates niyang pretty like you. Sa ganda mong yan, im sure crush ka ng pamangkin ko."
natimang naman ako sa sinabi niya. crush daw oh. SANA LANG PO.
"ahh ehh, malas ko nga po at hindi. hahaha joke lang po yun."
joke daw? echusera.
"So, tita paano po ba yan, uuwi na po kami, Thank you po pala at pasensya na din po dito pa po ako nagmilagro." ang tatawa tawa kong sabi pero deep inside gusto kong umiyak.
"okay, sige its ok lang naman, and besides wala akong ginagawa.. parehas lang tayong mga malungkot kasi umalis na si Gio. my favorite pamangkin." sabi niya habang naglalakad kami papuntang gate ng bahay.
"by the way, may kilala ba kayong Clarisse??"
i was so shocked when i heard my name.
"may iniwan si Gio sa akin.. and he said na ibigay ko daw to sa kanya"
"is it really for me o baka ibang clarisse yun." ang sabi ko sa utak ko lang.
natameme ako dun. pero di ko pinahalata na ako yun.
"oh tita. Opo, we know her po and infact shes...." nang sikuhin ko siya. talaga tong si phadz, di daw siya girl pero daldalera.
"Yes tita we know her po. Classmate po namin siya. why po tita?"
"umiyak kasi di daw siya nakapag paalam kay Clarisse. Nagalit pa nga daw sa kanya kasi hindi niya daw agad sinabi..." ang sabi niya habang may hawak ng abaniko
itinuloy niya pa "I think he likes that Clarisse girl."
nagulat ako sa narinig ko pero nag sawalang kibo na lang ako at tuloy sa pag arte na hindi ako yon.
"nagpapaiwan kasi siya dito.. sabi niya sa parents niya na patapusin lang daw siya kahit ngayon taon lang tapos tsaka siya lilipad patungong London. pero ayaw pumayag ng kapatid ko.. ang daddy niya.. naku!!!! mamimiss ko talaga ang batang iyon. laki din kasi sa akin yun e."
nararamdaman kong tutulo na yung mga luha ko.. kaya't nagpasya akong umuwi na.. this time uuwi na talaga ako dahil ayokong makita ni Tita na umiiyak ako sabihin pa nun nakikiiyak ako eh hindi naman ako yun Clarisse, sa pag kakaalam niya.
nagpaalam na kami kay Tita Bessy at lumabas na kami ng gate ni Phadz..
"Wait eto yung sulat ni Gio para kay Clarisse." at sabay abot ni Tita sa akin ng letter.
"To my One and only Riri."
"bye po tita"
------------------------------------------------------
"Phadz.. uuwi na ako.. maglalakad na lang ako tutal malapit lang naman ako e. Kung alam kong ito ang bahay niya sana pala kahapon, nung isang araw o nung isang isang araw ko pa siya napuntahan. Salamat phadz!" ang sabi ko sa kanya
"okay lang yun, anu pa't naging magkaibigan tayo. Nung huling makausap ko si Gio.. ang sabi niya sa akin.. wag daw kita pababayaan.. pag may umaway daw sayo awayin ko din daw.. pag di mo daw kaya yung test pakopyahin din daw kita.. kayo ha... nagkokopyahan pala kayo.. kaya pala parehas o minsan magkasunod lang ang test results niyo.." ang sabi ni Phadz na hinaluan niya ng pagbibiro para hindi masyadong madrama ang dating.
"so alam niya.. na... gusto ako ni Gio?? bakit di ko alam.. kaya pala.. haay" sabi ko sa sarili ko.
"sige Clarisse uwi na kami. BYE! bukas na lang uli.. okay lang yan risse.. mahaba pa ang buhay natin malay niyo magkita pa kayo uli.." sabay alis dala ang magarang kotse.
naglalakad na ako palayo sa bahay nila ng biglang may tumawag sa akin..
"IHA!" ang sigaw ni Tita Bessy.
"Yes----po-------tita?" ang tanong ko habang hinihingal dahil tumakbo ako pabalik sa bahay nila.
"Sorry ahh, pero ngayon ko lang narealize.. may resemblance ka kay Clarisse dahil nadescribe niya ang look ni Clarisse sa akin. Ikaw ba si Clarisse?"
Napatungo lamang ako.
napatawa na lang siya then she hugged me.. at yun na! SABOG na. as in luha at sipon nagsama.
----------------------------------------------------------------
Nakauwi na ako.. at derecho ako sa room ko. actually masaya kausap si tita Bessy, nawala yun maga ng mata ko kakatawa. parang baliw nga lang e.
basta ang sabi niya sa akin.. Kung kami man daw, pagtatagpuin pa din daw kami ng tadhana.
Dear, Tadhana: kung totoo ka please i'll wait kahit gaano katagal basta makita ko lang siya ulit.. one day... someday...
=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=
So, what can u say about this chapter? is it cool? tear jerker? mmmm. di naman siguro. hahaha
like?? bakit hindi mo na lang ivote o magcomment man lang?? hihi
SALAMAT!! ^___^
-MB.