A/N: Gandang caption nuh? namimiss ko lang kasi BSB. :) 90's kid to no!
---
Monday (padin..) 7:00AM
unti unti ng napupuno ng mga estudyante ang hallway at bawat classroom. Naalala ko, ngayon nga pala magsstart yun sub ni Mr. Valdez. Sino kaya siya.. sana naman magaling, kasi sayang yun ibabayad kapag hindi.
Andito lang ako sa faculty room, sa table ko.. nakatungo. nagiisip.. iniisip.. kung SINO YUNG LALAKI KANINA.. sino? haaay.
nagdadaldalan naman sila Mr. Pascual, Mr. Belen, Mrs. Cabral, Ms. Villanueva, Mrs. Antonio, Mr. Navarro at Ms. Allison. yup, faculty members ng buong Academy. 10 lang talaga kami dito.
Music Dept:
ako..
si Mr. Valdez (instruments),
Mr. Villarama (instrument/voice/head-dept),
at Mrs. Antonio (voice)
Theater/Acting Dept:
si Mr. Pascual (not Piolo Pascual, hehe. head-dept) ,
Mr. Belen
Mrs. Cabral,
at Ms. Villanueva.
Dance Dept:
minsan ako..
si Mr. Navarro (super hot at sexy, umaariba ang abs pag shirtless)
at Ms. (Maarteng) Allison. (head-dept)
pag usapang lalaki talaga bigla na lang sumusulpot si Ms. Subconscious
Isang room lang kami lahat, pero super laki.. as in katumbas ng 3 room yung office.. let's say buong 5th floor office namin. 5 floors kasi itong building ng SBA. tapos yun 'penthouse', ika nga nila eh syempre sa tita ko. ahihihi. pero ssshhhh ahh.
"Sino kaya yung sub ni Mr. Valdez no?"
"Sana lalaki.." sabi ni Ms. Villanueva
"Sana babae.." sabi naman ni Mr. Belen. nakoooo!
"dapat magaling kasi mahirap yun itinuturo niya.."
"pag dating niya makikipagkaibigan agad ako."
yan lang pinagdadaldalan nila. tssk. naririnig na namin yun tunog ng takong ni Ms. Allison..
"on the way na daw sila sabi ni Mr. Villarama." mas excited? eh anong department ka ba Ms. Allison? Music?? music?? hala hala.
ako.. eto, nakatungo pa din, sumasakit ulo ko. Iniisip ko pa din siya.. yung lalaki kanina. Ayoko muna isipin yung nagpapagulo ng buhay ko.. ni ayoko marinig boses o pangalan niya. BASTA! LAHAT NG TUNGKOL SA KANYA AYOKO! ishushut down ko utak ko na puro about sa kanya.
"andyan na sila.." sabi ng chismosong Mr. Pascual.. bakit mas atat yun mga head ng bawat department?? masaya ba sila dahil wala si Mr. Valdez? ang yabang naman kasi nun.
"Good Morning! This is our new teacher, temporarily.. Mr. Mendoza."
shit. sabi ng ayoko ng about sa kanya. any detail, i mean kahit anong connected sa kanya. ayokong marinig. minamalas ka nga naman same surname pa sila. grrrr bakit pa kasi andito ako ngayon? sa bagay, sabi nga pala ni tita imeet ko nga daw yun bagong sub. tapos balitaan ko daw siya kung okay o hindi. DUH.
"Good Morning!" sabi niya.
"WELCOME!" sabay sabay nilang sabi. tapos kanya-kanya na silang pakilala at payabang. buhatan ng bangko moment.