Ella's POV:
"told ya!" sabi ni Risse.
eto talagang si Risse, panira ng mood. ha ha siya kasi yun 'Ms. NEGA' sa grupo pero mahal ko yan si Risse.. siya ang pinaka best friend ko sa kanilang tatlo.
"baka hindi pa ngayon girl, antay mo lang." ang sabi ko kay Danica.
"1 month, pag hindi pa siya nagpropose, meaning... aargh! bahala na.." ang sabi ni Danica
"Girls! girls!" ang panay tawag ni Tania
"Bakit?" kaming tatlo nila Danica at Risse.
"Tumayo na siya." sabay turo ni Tania sa lalaking prospect namin.
"Okay, Ella galingan mo huh." ang sabi ni Risse sakin
"Go girl!" ang sabi ni danica.
"okay.." ang mahina kong sabi at tumayo na ako papunta sa kanya.
actually, natalo kasi ako sa pustahan naming apat na kung sino ang matalo, siya ang magiging way para malaman yun name ng guy.. mas better kung pati number makuha.
unfortunately, ako yon.
last time na ginawa namin to, si Danica yun talo.. at yun nga si Thomas ang victim. pero tignan mo naman kung ano na sila ngayon di ba.
------------------
Nakita ko yung guy palabas na ng shop kaya binangga ko siya.. pero sa tingin niya hindi ko sinadya yun.
Akala niya lang yon!
"Sorry Miss!" ang sabi niya
"oh, okay lang.." ang sabi ko sa kanya.
magpapakilala na sana ako ng bigla siyang magsalita..
"Sorry talaga ahh, hindi ko siguro araw to ngayon.. puro na lang kamalasan nangyari sa akin ngayon.." sabay kamot sa ulo
"Ok lang yun talaga, ako din naman may kasalanan.. hindi din kasi ako nakatingin sa daan.." ang sagot ko sa kanya
"Well, nakadalawa na ko.." ang sabi niya pero hindi ko nagets ee.
"Anong nakadalawa?" ang takang tanong ko.
"Ah! ang totoo kasi nabangga ko din siya.." sabay turo sa.....
teka..
kay Clarisse?
"Siya?" ang tanong ko at itinuro ko din naman.. ha ha
"Oo, nabangga ko siya kanina pakisabi sorry din ahh.. kasi argh! never mind. napakagulo lang talaga ng araw ko, hindi ko napapansin mga ginagawa ko.. nangbabangga na lang bigla."
"okay, by the way.. i'm Ella, and you are?"
"Gio, my name's Gio" sabay abot ng kamay niya sa akin.
sabay tingin ko sa girls at kumindat.. meaning nakuha ko na name niya.
teka.... GIO??? tama ba? tapos kilala niya si Clarisse? kasi di ba tinuro niya kanina..
o baka naman ibang Gio to.
kaya tinanong ko uli..
"Gio?"
"Yup! It's Gio.. Gio Mendoza."
OMG!! Si Gio to. yung kinuwento sakin dati ni Risse. yung First love niya.
kailangan kong makagawa ng way para mapapunta ko siya sa table namin..
"ahhm, Can i ask something?" at tumango lang siya.
"May kilala ka bang Clarisse Ponce?"
"Uhmmm.. sa pagkakaalala ko wala naman. Bakit?"
wala daw? kunwari pa. iniba ko na lang usapan.
"Ahh. busy ka ba?" tanong ko uli. kulit ko lang no?
"Ang totoo, uuwi na kasi ako.. dami ko pang kailangan gawin. but here's my calling card, call me anytime." ang sabi niya sabay abot ng card.
-Gio Mendoza-
Private Lawyer
"Bye! Ella, right?"
"Yup! bye.."
pagka alis niya takbo agad ako sa table namin..
"sh*t! sh*t!" ang sabi ko pagkaupo ko.
"Bakit? magkikita na kayo mamaya? hahahaha" ang pang aasar ni Risse.
"Saang Hotel? or motel?" dagdag pa ni Tania
"e baka naman daw sa bahay lang nun guy..." ang singit pa ni Danica
"aahh ganyanan pala ah, sige di niyo malalaman secret ko."
"SORRY!" sabay sabay nilang sinabi..
"Ano bang secret mo?" tanong ni Tania.
at ipinakita ko ang calling card.
====================================
Ayun, hahaha hindi ko alam kung may sense tong chapter na to para sainyo.. pero sa tingin ko naman okay sya. haha
Siya nga kaya si Gio na first love ni clarisse.. o... kapangalan lang?
malalaman sa susunod na kabanata. ^__^
FAN. COMMENT. VOTE. kayong bahala dyan! :)
thanks!
-MB.