umuwi na lang ako. Friday naman. ALAM NA!!
so, ano pa nga ba edi PARTY!! PARTY!! na uli! Di na talaga ako aasa. Wala pa man kaming nasimulan na relasyon, kasi ang totoo wala naman talaga, hindi naging kami simula't umpisa.. kaya kakayanin ko.. KAYA KO TO! nakaya ko nga ng ilang taon eh. move on move on din pag may time ika nga ni Tania.
*I Don't Care, I Love It! I Don't Care, I Love It!*
nagring yun phone ko. Si mama? bakit kaya..
"Hello Ma?"
"Nak! pwede bang umuwi ka muna tutal friday naman ngayon, please?"
ay udlot ang PARTY!! PARTY!! ko.. pero mas okay din yun, makakasama ko naman si mama at bunsoy.
"syempre naman ma! on the way na din ako ngayon sa apartment ma.."
"Ok! good, pinagluto kita, yun paborito mo!" sabi ni mama na super excited ang tono.
"YUN!!! tamang tama! dami ko na gutom ma!"
isa lang naman paborito kong ulam eh. Kare-kare ni Mama. :))
"at.. oo nga pala anak.. dumating si tita des mo, remember yun friend ko nun college pa ako? basta nakwento ko na sayo yun eh. Ayun nga, bibisita sila ngayon dito. Actually, 2 years na sila dito sa pilipinas, pero ngayon lang kami magkikita uli."
"Sila??" ang tanong ko kay mama.
"Oo. kasama niya yun husband at yun panganay nila."
panganay.. ahhh, sino yun? hahaha di naman kasi ako close kay tita Destiny hindi katulad ng lukaret na bestfriend ni mama na si tita Angel. kabarkada siya ni mama nun college, then after graduation nagmigrate sila sa USA then dun na din nagkafamily.. tapos eto siya ngayon, bibisita sa bahay.
"So.. meaning.. hindi to family dinner? akala ko pa naman masosolo ko yun.. ulam. haha joke lang ma."
"Sira ka talaga.. So, anong time ka makakadating dito?" tanong ni mama.
"mmm. hindi ko sure, tutal magsisix pa lang naman, mga.. 8PM siguro ma. okay lang ba? friday pa naman medyo matraffic."
"Ok lang anak. sige, ingat ah sa pagdrive. i love you!"
ang sweet lang talaga ni mama. simpleng i love you niya lang super gaan na agad ng pakiramdam ko. kaya niya burahin yung mga problema ko.. kahit pansamantala lang.
"sila magingat sakin ma, he he he i love you too!"
"nak, last na.. magpaganda ka ah, BYEEE!"
sabay binaba. lukaret din tong nanay ko eh nahawa na kay tita Angel. kahit kailan talaga. Magpaganda daw ako? hindi na kailangan ma, maganda na ko. mana sa kanya. hehehe kapal ko lang.
-----------
7:59PM na ng makarating ako sa bahay. Namiss ko to! matagal din ako hindi nakauwi. Busy sa school eh. chos!
"Ma! hindi ako late! may 1 minute pa ko! he he he" ang sabi ko kay mama habang papalapit sakin sa gate. di siya excited. anong merun? at nagkiss kami, both cheeks with matching super mega hug ni mama.
Super mega HUG ni mama. yun ang lalo kong namiss. haay grabe, paano na lang kung wala si mama..
"anak! andito ka na pala!" sigaw ni papa at takbo sabay kiss at isa pang super mega hug ni papa.
haaay papa.. paano din kung wala ka.. paano ako? buti andito sila. saya ko lang!
may problema ba ko?? parang wala naman. ah!! nakalimutan ko. :)
"namiss ko ang unica ko. tara pumasok na tayo..maya maya parating na din sila tita mo.." medyo nadown ako, i mean parang maiiyak ako.. kasi namiss ko talaga si mama at papa.
"Sorry ma, pa, hindi ako nakakauwi dito.."
niyakap na lang nila uli ako. haaay sarap sa pakiramdam.
"Ok lang yan! andito ka naman na ngayon. namiss ka namin ng mama mo.." sabi ni papa at papasok na kami sa loob ng magtanong uli ako.
"Si bunsoy?"
"nako! yun kapatid mong yun. hindi makakauwi, nasa dorm niya. busy sa thesis niya. Alam mo naman.." sagot ni mama.
pumasok na lang din ako..
nasa manila kasi siya. nagaaral siya sa PLM.
"Ang bangooooo!!!" deretso ako sa sa kitchen. shit talaga, may alamang pa super sarap ng amoy. kumalam lalo sikmura ko.
"alam kong gutom ka na at atat, pero antayin na lang natin sila tita Des mo. malapit na daw sila." sabi ni mama habang hinampas yun kamay ko kasi dudutdutin ko yun ulam. haha titikman ko lang naman.
*DING DONG*
"Speaking.. andito na sila ma." sabi ni papa kay mama.
"oh. game na!" ang sabi ni mama with matching pagclap pa bago pumunta sa may pinto. ANONG MERUN??? ano to gerahan?? GAME NA??? tsk tsk. si mama talaga kahit kelan meju may pagkaisip bata pa din.. he he pero mahal ko no!
"Halika! samahan mo kami ni papa mo, salubungin natin sila.."
ano pa nga bang magagawa ko. para matapos na din to. GUTOM NA KO NO!
---
"Hello Carmie!" sabi ng hindi kalayuan sa edad ni mama pero mas mukhang bata kay mama. sorry mama, totoo talaga. maputi siya, brown ang buhok.. matangkad din at nakasalamin. MAGANDA siya period.
"Destinyyyyy!" aaw. ang sakit sa tenga ng boses ni mama. kung makatawag naman ng pangalan. sa bagay, matagal nga naman silang hindi nagkita.
nagbeso-beso lang sila at hug din, medyo natawa lang ako sa sinabi ni tita Des.
"you looked... so..... young and beautiful pa din Carmie." ha ha ha talagang nastuck siya sa word na young. hahaha i know i know ang mean ko kay mama.. kaya lang kasi, hindi na kasi nagpapaayos. tapos kunsume pa kay bunsoy. Hindi man lang naisipan pakulayan yun buhok niya. madami na kong nakikitang puti..
"Ano ka ba, hindi naman nagkakalayo edad natin." ay mama! ano daw. haha
"he he . Oo nga pala eto ang husband ko.." sabi uli ni tita Des kay mama.
"Hello! Carmie.. i'm Raymond. madami ng nakwento si misis sakin about sayo.. and i'm happy na nameet na kita, finally." sabi naman ng isa pang nakasalamin na hindi din kalayuan sa edad nila mama at papa.. pero gwapo siya, mukhang chick boy nun kabataan niya. matangkad din siya, mestiso at nakapormang pangbagets. COOL!
"Hi! eto naman mister ko.. si Marcus." sabay shakehands naman ni papa kay tito Ray at beso kay tita Des.
"hello! hello!" sabi ni papa. pabagets din e.
"eto naman ang unica ija namin, si Clarisse." ay! shit ako na pala.
"Hi po! i'm Clarisse. welcome po sa bahay namin.. tara po pasok na po tayo.." Oo! sinabi ko talaga yan. GUTOM NA GUTOM NAKO!!! tara na!!!kain na lang tayo. sabay tunog ng sikmura ko. ay! malas.
"he he he, mukhang gutom na si Ms. Ponce.." sabi ng lalaki sa likod ni tito Raymond. may tao pa pala.. nakablack kasi. malay ko ba. teka. nangaasar ata to eh.
napakamot lang ako ng ulo.
"Oo nga pala ang panganay ko.." sabi ni tita Des at yun lalaki pumunta siya sa harap ko.. to shake my hand.
shit.