Chapter 34. What a day!

33 1 0
                                    

Nagmadali ako magdrive.. paspas talaga.. makalayo lang sa kanya. Bakit niya ginawa sakin yun?Para saan? Pinaasa niya na naman ako. Ako naman tong tanga. nafeel ko naman halik niya. tss

Pagkauwi ko, magfofocus na lang ako sa mga ituturo ko bukas. 

pero..

bakit naman ako nandito sa tapat ng Mayan's? So.. mas nasusunod na katawan ko ngayon kesa sa isip ko?

[nasa gilid yun itsura ng bar.. :)]

e pano kasi puro si Gio laman ng utak mo, nagsarili tuloy katawan mo. Si Ms. Subconscious.

"tse!" sabi ko sa sarili ko.. buang na. Nahalikan lang ni Gio, nabuang na.

Monday ngayon for christ sake! hindi ako pwedeng maginom. oh well, konti lang siguro.. why not. Kailangan ko din naman talaga ngayon to.

bumaba na pala ako ng kotse ko. haha nakakatawa hindi ko alam ginagawa ko.

"Clarisse. aga mo ata? monday pa lang ah.. may problema?" tanong ni tay Yani sakin. Close kami, para na ngang siya yun pangalawa kong tatay.  nagnod lang ako, tapos umupo na din ako sa bartender counter.

"same same?" tanong niya. ako lang nakakagets nun eh. tinatanong niya kasi kung yun bang lagi kong inoorder yung oorderin ko ngayon.

"No. pwede yung medyo malakas tama? para paguwi ko tulog agad." 

"Ahh.. gusto mong maging katulad niyan?" nagulat ako sa tinuro ni tay Yani. may katabi pala ako, pero K.O na.. nakatungo lang siya, tulog na.

"Hindi naman. gusto ko pang makauwi." sagot ko naman. inabutan niya naman ako ng alak. this time hindi na siya cosmo na lagi kong inoorder.. 

"anong tawag dito?" 

"Zombie, cocktail yan.." eh? talaga? color orange siya na medyo may pagkared. cute.

"pag di na mo kaya sabihin mo agad sakin, papahatid kita kay James." sabi niya at alam kong safe ako dito.

"sure.. thanks tay Yani.." 

"wala yun! ano pa't parang anak na din kita.." haay. kakatouch naman si tay Yani.

<sip sa straw> "mmm. masarap siya." sabi ko kay tay Yani.

"Syempre! oh teka lang ah, may puntahan lang ako..lumayo ka diyan sa lalaki.. ay, andyan naman pala si James. sige BRB!" 

<sip sa straw>

<sip sa straw>

tinignan ko naman tong mama na natutulog sa tabi ko.  

"Problemado ka din?" hindi siya sumagot. Malamang K.O nga eh.

"Ako din eh.." tuloy ko pa.. tama bang kausapin ko to? baka isipin nila buang nako. pero ok lang, tulog naman kasi. di niya alam.. :)

"Bakit kasi bumalik pa siya..hindi ko maisip eh, wala akong maisip na dahilan kung bakit pa siya bumalik dito.."

".....ikakasal na pala siya, ang mas masakit dun, hindi niya ako kilala.. syempre, wala nga kasi siyang maalala.."

"........may amnesia kasi. tanga!" <sip sa straw>

hindi pa din naman siya kumikibo.. so okay lang na kausapin ko pa siya, mailabas ko lang. busy kasi ang gang. tsaka monday ngayon.. busy talaga sila. T___T

My First Love. My Last Love. (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon