Chapter 25. Mystery Place.

52 0 0
                                    

Monday.

maaga ako nagising. as in supermega umaga. 2:30AM. hindi na naman kasi ako makatulog these past few days. alam niyo na.  Alam niyo may secret ako pero sa inyo ko lang sasabihin ahh. swear? okay.

pag kasi ganito ako.. isa lang naman ang pwede kong puntahan besides sa bahay ng tatlong lukaret. Nagbihis muna ako, tapos nagpack na din ako ng baon kong damit, yun susuotin ko sa school later incase hindi ako makauwi.

Hindi na ako nagaircon, binuksan ko lang mga bintana ng kotse ko. Malamig ang simoy ng hangin, November na kasi. next month birthday ko na. kaunti lang ang mga sasakyan sa daan. maluwag. pwede kang magwala sa gitna.. pero hindi ko naman gagawin yun. hindi pa ko baliw. may saltik pa lang. :)

andito na ko. mabilis lang byahe, wala naman kasing traffic. 35 minutes ang byahe simula sa apartment hanggang dito.

"Ma'am Clarisse." sabi ni Manong guard sa akin sabay bukas ng gate.

Nasan ako? 

andito lang naman ako sa St. Bernadette Academy. yup, kung saan ako nagtuturo. matagal ko ng gawain to simula ng magtrabaho ako dito. Mabait talaga si Manong guard sakin. Nagtataka nga din ako minsan kung natutulog pa ba si Manong.

"tulad ng dati Ma'am?" tanong nito sakin.

"Opo." ang maiksi kong sagot. Alam kasi ni Manong kung bakit ako nandito. Oh, sige na sige na. aamin na nga din ako.. kasi ganito... mmm. wait baka isipin niyo may relasyon kami ni Manong no. HINDI NO!

Tita ko ang may ari ng SBA. yup, tita ko. Kapatid ni papa. Bernadette Ponce-Reynolds. Nakapangasawa ng kano, mayaman pa. bigtime! si Uncle Trevon, 46 y/o na siya, si papa naman 45 y/o.. si tita Adette naman 39 y/o. ang laki ng gap no? 

kwento ko na kung paano sila nagmeet pero hindi na lang lahat baka maubos ang isang araw ko kakakwento.. Si tita Adette kasi, Musical Theater Actress slash balerina sa US, sa hindi naman kasikatan ng theater, isa siya sa mga actress/balerina dun. oh basta yun na nga yon... pero hindi man siya sumikat, doon niya naman natagpuan ang true love niya.. si Uncle Trevon Reynolds. 

tapos nalove at first sight daw si Uncle kay tita. whew. gumaganunpa. pero ayaw ni tita kay uncle nun una.. kasi daw napakaarogante daw ni uncle. i mean, kung magbigay ng regalo ang bongga bongga, hatid-sundo pa ng driver si tita nun. taray nga e. tapos daw nun time na lugi na yun show nila, binili daw ni uncle yun buong 100 na seat ng theater at pinanood daw yun mga staff ng company niya. parang field trip ng company ni uncle yun nangyari. mas lalo naman daw nainis si tita. pero yun nga.. to make the story short, nainlove na din si tita kay Uncle.. nagalit siya kasi kay uncle dahil sobra nadaw yun mga ginawa ni uncle.. tapos si uncle naman super heartbroken, hindi nagpakita kay tita ng 1month. e namiss ng talandi kong tiyahin. ayun.. ah basta! yun na nga yun. THE END. haha naiinggit lang ako.

tapos hindi pa pala end ang story. yun nga.. nagdecide sila na dito na lang sa pilipinas tumira, tapos pinagtayo ng school ni Uncle si tita Adette. swerte di ba! oh ngayon, isa sa pinakasikat ang SBA sa pilipinas. Music, Theater(acting) at Dance(Jazz, Ballet, Hiphop etc.)  ang itinuturo dito. 

Hindi sila nagkaanak. may problema kasi sa matres si tita pero hindi hadlang yun sa pagmamahalan nila.. ako pa nga ang naging anak-anakan nila. Kaya nun nalaman nila na graduate ako ng coservatory of Music. ayun, kinuha nila ako na maging isang professor or teacher or trainer or coach kung ano pang gusto niyong tawagin sakin. :)

THE END. haha chos.

Bakit ako nandito? simple lang. sasayaw ako na para bang walang bukas. Doon ko lang kasi nailalabas yun stress at problema ko sa buhay. may duplicate naman ako ng susi ng bawat studio. Ako kasi ang minsan nagaasikaso dito kapag umuuwi si tita sa US. nandun kasi si uncle eh. pero palihim lang.

hindi kasi alam ng buong academy na pamangkin ako ng may ari. Ayoko kasi itrato na dahil-ikaw-ang-pamangkin-ng-may-ari-ng-academy-kaya-mabait-kami-sayo.. yun ganun ba. ayoko nga.

Pagbukas ko ng pinto, bumungad na agad sakin ang giant mirror. hahah yun tawag ko diyan. minsan nga natatakot pa ko eh gawa ng akala ko may ibang tao sa room.. ako pala yun. haha. binuksan ko yun isang ceiling light. medyo color yellow, warm white ika nga nila kaya hindi masyadong maliwanag. ganito gusto ko, ayoko ng masyadong maliwanag.

nakaset na din yun playlist ko. Ako, ang reflection ko at music lang ang kasangga ko naun oras.

My First Love. My Last Love. (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon