Nagpaalam na ako sa student kong si Summer. Vocalist ng band na tumutugtog sa Mayan's Bar. student ko nga siya at nagulat siya sa nangyari..
--------------------------
1 hour bago kami nakarating sa bahay.. pero ang totoo, 25 to 30 minutes lang nasa bahay na dapat kami.. binagalan ko kasi.. bakit ba!
kinakabahan ako eh.
nakarating na din kami.. sa wakas daw, sabi ni Tania.
Kunwari ko pang hindi makita yun susi ko.. hinalungkat ko pa buong bag ko.
"he he wait lang guys ah, hindi ko alam kung nasaan na yung keys ko.."
maya maya lumapit na sa akin si Tania
"Bakit ba ang tagal tagal mo maghanap?" bulong ni Tania sa akin
"e kasi.." sabay tingin kay Gio with matching fake smile.. or... awkward smile.
tapos tumingin uli ako sa bag ko para hanapin ang kunwaring nawawala kong susi.
"kabado ka? kasi..... baka may magawa kang hindi dapat sa kanya?? uuuy.." sabi uli ni Tania
may sayad na talaga tong si Tania e.
"Hindi no!" napasigaw ako.
napatingin tuloy sa akin si Gio at Ella.
"Ayos lang kayo dyan?" tanong ni Ella
"Ah! Oo! eto na nakita ko na!!! finally..." ang sabi ko at talagang itinaas ko pa yung susi na parang nanalo kung saang contest.
Pumasok na ko, tapos binuksan ko yun ilaw.
"Welcome to my crib!" ang sabi ko..
si Tania tumalon sa couch ko... parang bata..
Ako... eto nasa kitchen, nauhaw ako bigla eh.
"Risse?"
"Bakit bes?" ang tanong ko kay Ella pagtapos niyang uminom din..
"Ok ka lang?" ang tanong niya.. at alam kong serious siya.
"Ok (pa) naman." sabay smile na naman ako.. ang plastic ko lang.
"Kilala na kita.. kabado ka no??"
talaga bang halata sa galaw at mukha ko na kabado ako..
ang alam ko lang kasi, pinagpapawisan ako ng malamig. :)
sabay bangga niya ng balakang niya sa balakang ko. ayaw na ayaw ko pa naman nun.
"SEE! ni hindi ka nga nagreact.." -ELLA
"Oh. Awwwwwww!! kainis ka ang sakit.." -AKO
"ay! plastic!" -ELLA
"bes..." ako naman tong seryoso..
"Wag kang kabahan.. just act casual! chill..." sabay tapik niya sa shoulders ko.
---------------------------
Hinanap ko ang first aid kit ko.. girl scout. LAGING HANDA! haha at tapos kumuha din ako ng ice pack... pabalik na ko ng sala ng makita ko si Gio.. paikot ikot lang at tinitignan yung mga nakadisplay na photos ko simula pa ng bata ako..
at to the rescue naman tong si Tania para iTour si Gio.
napapansin ko napapangisi siya sa mga kalokohan ko sa pictures.
"Ang cute mo dito." hawak niya naun yun photo ko nun 10 years old ako.
"Alin si bungal?" -TANIA
![](https://img.wattpad.com/cover/4759809-288-k871553.jpg)