Chapter 17. Gio's POV

61 2 0
                                    

Clarisse Ponce... 

Clarisse Ponce..

Clarisse Ponce..

parang familiar sa akin ang pangalan na iyon.

but i don't have any idea kung saan ko siya narinig o nabasa.

pero ang tanda ko lang e, siya yung nabangga ko kanina na friend ni Ella.

Si Ella, isa pang nabangga ko kanina.

sa dami kasi ng iniisip ko ngayon, hindi ko na alam kung anong ginagawa ko.

ang dahilan kung bakit ako bumalik dito sa Pilipinas.

wala din akong idea.

bigla na lang pumasok sa isip ko at tila inutusan ng isip ko ang mga paa ko na dalhin ako dito.

Masaya naman ako sa London pero .......

parang may kulang e.

feeling ko ba kulang ako kasi kulang kulang ang mga alaala ko...

pero bakit parang may gusto akong balikan..

hindi ko alam..

ang dami kong iniisip.. sumasakit lang ang ulo ko.. hindi naman ako makatulog.

kaya naisip ko para maiwasan kong isipin ang mga bagay na yon,

sa tingin ko.. kailangan kong lumabas muna at uminom kung saan man may bar dito..

hindi ko na kasi talaga kabisado ang mga pasikot sikot dito..

Nga pala, ako si Gio.. Giuseppe Orlando Mendoza ang buo kong pangalan.

ang sama no? kaya nga Gio na lang ginagamit ko eh.

-------------------

at Mayan's Bar...

May live band, Tune One ang band name. Magaling sila, cute nga ng vocalist nila e..

[may another story ako..about sa band na yan, the title is 'Play.Rewind.Stop'..  kung gusto niyo lang naman basahin.]

at may dancefloor din.

nandito lang ako sa isang sulok. nakakailang bote na ko ng alak.. pero hindi pa din ako lasing.

maya-maya, may kumulbit sa akin.

"Ella?" ang sabi ko sa kanya

"oh. so kilala mo pa din ako.. tara! punta tayo sa table namin, kawawa ka naman kasi dyan.." ang sagot niya naman sa akin.

'Sinusundan ba ako nito?' ang sabi ko sa sarili ko.

"Hoy! baka iniisip mo dyan sinusundan kita ah, hindi ah. nagkataon lang nakita ka ni Tania." ang sagot niya uli na pataray pero tumatawa din.

nakakabasa ata to ng isip.. pero tumayo na din agad ako at umupo kasama sila..

but this time, tatlo na lang sila.

"Hi! cutie. I'm Tania" sabay beso niya sa akin.

"Hello! I'm Gio." ang maiksi kong sagot.

"Pasensya ka na dyan ah, lasing na kasi yan.." ang sabi naman ni Ella.

"okay lang." sagot ko naman uli.

"Siya naman si Clarisse.." napatingin naman ako kay Clarrise.

'ang ganda niya talaga' ang bigla ko na lamang nasabi sa sarili ko.. 

'pero hindi pwede' at nakisali pa ang negative side ng utak ko.

"Do i know you? familiar kasi mukha mo.." ang sabi ko sa kanya.

"ahh. ako yun bumangga sayo kanina sa Nuvali, or baka naman ikaw yun bumangga.." ang sagot niya naman pero medyo mataray siya.

"Ah, Gio siya yun sinasabi ko sayong si Clarisse Ponce." sabi ni Ella.

"Nice meeting you, Sorry about what happened earlier." at inabot ko naman ang kamay ko.

"It's okay, tapos na yon." sabay inom na alak.

Napatahimik ang lahat at nanonood lang sa live band.

at ako naman napasandal lang at tumingin patingala, pero ang totoo.. kanina ko pa tinitignan ng palihim si Clarisse.. ibang klase ang mukha niya, kahit na ba madami akong nakilalang magagandang babae sa London, siya.. iba ang ganda niya.

Iba ang dating sa akin ng babaeng ito.. para bang ang tagal tagal ko na siyang kilala.

pero ngayon lang naman... kanina lang.

'hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya, kung yan ang gusto mong isipin Gio. Alalahanin mo, may pinangakuan ka sa London.'

ayan, kinakausap na naman ako ng sarili ko.. Alam ko, hindi pwede.

Hindi ko pwedeng lokohin si Shelly.

Nga pala si Shelly, fiance ko.

maya maya narining ko na lang nagsalita si Ella.

"oh. oh. Clarisse....feeling ko at mukhang feeling mo din kailangan mong magtago. AS IN NOW NA!" sabay turo sa isang direksyon kung saan may papalapit na lalaki..

Sino kaya siya...

==============================

Hep Hep Hep!

masaya na ako kahit mukhang ako lang nakakaenjoy ng story ko. haha

so far, 700 reads na. hahaha masaya nako promise! pero MAS MASAYA kung dadami pa at may magcocomment pa.

SIGE NA PLEEEEASE. 

love -MB.

My First Love. My Last Love. (On hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon