Clarisse's POV:
"oh. oh. Clarisse....feeling ko at mukhang feeling mo din kailangan mong magtago. AS IN NOW NA!" sabay turo ni Ella sa papalapit na lalaki..
"JV????" nataranta ako at hindi ko alam gagawin ko.. too late na para magtago ako.
"Ok lang ba kayo Ella? Clarisse?" ang tanong ni Gio sa amin at sinagot naman agad siya ni Ella.
"Ah eh ok lang kami.. ikaw ba?" ang sabi ko na parang natataeng ewan lang.
"Hindi kami okay.." sabi naman ni Ella.
"Bakit?" ang tanong niya uli bago pa man makalapit sa akin si Jv.
"Baby.. magusap tayo, please???" ang sabi ni Jv.. at ako nakatalikod lang sa kanya.
"EXCUSE ME! SINONG BINEBABY MO?? ANG KAPAL DIN HUH.." ang pagalit naman na sabi ni Tania.
"Please Risse, talk to me.. please! i'll explain everything.. swear! maniwala ka naman sa akin.." ang pakiusap naman ni Jv sa akin.
"Teka, pare.. sino ka ba? Hindi naman sa nanghihimasok ako pero mukhang ganun na nga.." angsabi naman ni Gio kay Jv.
"Bakit? Ako lang naman ang boyfriend ni Clarisse!!" ang sagot naman ni Jv.
Kapal lang ahh.
"FYI! EXXX-boyfriend!" sagot ko naman.
"Sino ba talaga siya Ella?" narinig ko tinanong niya uli kay Ella.
"ex niya nga.. na niloko siya.. pinagmukhang gaga.." sagot ni Ella
at sabay singit ni Tania ng "not once.. but TWICE!"
"Risse, tara kausapin mo lang ako.. please naman.." at hinawakan ako ni Jv.
"Ano ba! Wag mo nga akong hawakan!!!!" sigaw ko naman.
"Pag hindi ka tumigil, tatawag kami ng police Jv!" sabi naman ni Ella. halatang galit na galit na siya sa boses niya.
"Risse. maniwala ka naman kasi sa akin.. Wala naman kasi akong ginawa talaga e! biktima lang din ako dito.. maniwala ka naman sa akin Risse.." tuloy pa din sa pagsasalita si Jv.
"..pero nakabuo." ang pagpaparinig naman ni Tania
"Will you shut your fucking mouth Tania???!!!" sigaw naman ni Jv kay Tania
"ABA! teka! kaibigan ko na yang ginaganyan mo.. hindi na tama to.. nakakahiya na Jv, madami ng nakatingin sa atin, ayoko ng gulo.. Please.. umalis ka na!" ang sabi ko uli.
"Aalis lang ako pagtapos natin maagusap" ang huling sabi niya ng bigla niya akong hilahin palabas ng bar.
--------------------
sa labas ng bar.
"bitawan mo nga ako! ANO BA!!!!" ang sabi ko habang nasigaw.
"Please. makinig ka muna.. okay?" ang mahinahon niyang sabi pagkabitaw niya sa mga kamay ko.
tumungo lang ako, kasi papatak na luha ko, sa inis.. hindi lang dahil sa naalala ko mga panloloko niya sa akin.. pero dahil galit ako kasi, hindi ko akalain na gagawin niya sa akin to. ang mageskandalo sa public na lugar..
"Mahal na mahal pa din kita.. Risse. walang araw na hindi kita iniisip.. please patawarin mo nako.." ang sabi ni Jv
"Patawarin?? napakabigat naman ng hinihingi mo sa akin.. hindi ko na yon kaya pang ibigay sa isang katulad mong dakilang manloloko.." ang sagot ko naman
"Hindi ko naman kasi agad nasabi, kasi..." ng bigla kong ptulin ang sasabihin niya
"kasi ano??? dahil akala mo hindi kita mabubuko ha??" ang sabi ko