Jv's POV:
FRIDAY
katabi ko ngayon si Leah dito sa canteen.
Sinundo ko si Clarisse pero hindi siya sumabay sakin..
galit siguro siya sakin... dapat lang dahil napakawala kong kwentang boyfriend para kay Clarisse.
lagi na lang si Leah kasama ko..
pero kasi dapat lang ako sumunod kay Leah dahil kung hindi.. mawawala ang napakahalagang tao sa buhay ko.
Si Clarisse.
minsan tuloy, si Leah ang napagkakamalang girlfriend ko.
Kapal lang.
Nagtataka kayo kung bakit galit na galit ako kay Leah..? malalaman niyo mamaya.
kung tutuusin, maganda naman siya, malakas ang dating, matangkad.. parang model nga lang eh at matalino pero BITCH.
"Nakauwi na siguro siya no Leah?" ang tanong ko sa katabi ko.
"no comment. masyado mo naman kasi iniispoiled girlfriend mo kaya ganun na lang makaarte sayo.. paano pa kaya kung malaman niya" ang pagtataray niyang pagkakasabi.
kinabahan ako sa sinabi niya at natahimik na lang ako. kung malakas na ang loob ko... sasabihin ko ang lahat kay Clarisse.
ang totoo..
naguguilty na ko..
sobrang guilty para kay Clarisse.
sasabihin ko ba to sainyo.. nakakahiya kasi at napakasama kong boyfriend kay Clarisse.
pero kasi..
kasi.. may nagawa akong hindi dapat.
<flashback>
wednesday night ng ayain ako ni Leah.. nood daw kami ng live band.. kasama daw ang barkada.
pero walang dumating ni isa. kaya kami lang ni Leah..
napainom ako.. pero ang pagkaka alala ko kasi konti lang yon e.. pero sobra akong nalasing..
hanggang yun, pag gising ko na lang nasa apartment ako ni Leah.. nakahubad at katabi ko pa siya habang natutulog..
"HOLY F*CK!"
napasigaw ako sa sobrang gulat sa nakita ko..
meaning... may nangyari sa amin dalawa..
bigla na lang ako umalis.. di na ko nag paalam kay Leah.. bakit dapat pa ba.
Takte malalate pa ko, nasa bahay pa naman yung car ko.. di ko kasi dinala kasi alam ko malalasing lang ako.. syempre akala ko makakasama ko sila Andrew, Gilbert, Richard at Ben.. e kapag nagsama pa naman kaming 5, lunod kami sa alak.
nagmadali akong makauwi.. at magbihis dahil amoy alak pa ko. takte! mamaya maamoy ako ni Risse. lagot ako dun. sobrang lagot.. yung tipong di niya na ko mapapatawad kahit kailan.
kaya kakausapin ko si Leah mamaya.. lilinawin ko ng mali ang lahat.. ang mga nangyari.. mahal ko si Risse. kaya ayoko ng sundan pa yun kasalanan ko sa kanya.
----------------------
nagdadrive nako papuntang school ng magvibrate ang cellphone ko.
"Babe wer ka?"
hindi ako agad makapagreply kasi nga nagdadrive ako.. pero malapit nako.. mabilis naman kasi tong car ko. at buti na lang walang traffic.
pagkababa ko ng kotse, nagreply agad ako..