Chapter 18: Bugtong

32 0 0
                                    

-Lime's POV-

Matapos ang malagim na mga pangyayari kanina sa School ay di ko na pinayagan munang pauwiin si Danielle. Segurado akong di siya mapapakali pag mag iisa lang siya.

Sir nag snack na po ba kayo? Tanong agad ni Tiya Lita nang makarating kami sa bahay.

Bago ako tumugon kay tiya ay tinanong ko muna si Danielle kung kakain ba siya.

Ikaw Danielle? Ano gusto mo? Tanong ko sa kanya.

Ahh, kahit ano Lime. Malumay niya sagot.

Sge yung cake nalang dun sa ref ikaw na bahala sa drinks tiya, wika ko kay tiya habang pinipilit na ngumiti.

Nang makarating kami room ko'y agad ko namang binuksan yung TV at binigay sa kanya yung remote para di naman siya masydong maboring.

Palabas na ako nang kwarto upang tulongan si tiya nang bigla akong tinawag ni Danielle.

L-Lime? Bilisan mo! Natatarantang tawag sakin ni Danielle.

At binilisan ko naman, ano Danielle? May problem ba? tanong ko.

Di siya nag salita imbis ay tinuro niya yung TV, kita sa kamay niya ang pag alog dahil sa kaba.

"Flash Report, isang dalagang nasa 15-16 ang edad patay matapos madisgrasya, ayon sa kapulisyahan ay binuhosan nang white paint ang kanyang wind sheild na naging rason sa kanyang pagkabangka sa sa poste nang kuryente, at ayon rin sa isang pulis nakita niya ang ID nang bata at ang pangalan daw ay Glaiza Sanchez......."

Halos matiwaan ko yung Cellphone ko sa narinig ko, si Glaiza yung classmates namin patay na. Lumalala na siya tatlong kaso sa isang araw. Binalik ko ang tingin ko kay Danielle, at muling nasaksihan ko ang unti unting pag buhos ng kanyang mga luha na halos di na siya kumurap sa gulat.

Nilapitan ko siya't niyakap.

Danielle, si Blind ang may gawa nito, gaganti tayo. Maiyak iyak kong pagcomfort sa kanya.

*bbbbbbzzzzzzzz*

Vibrate nang phone ko, humiwalay muna ako kay Danielle upang echeck kung sino yung nag text.

Jerrwyn: Lime, si Glaiza pinatay na rin.

Di na ako nag reply sa kanya dahil wala ako sa mood.

*bbbzzzzzz* *bbbbzzzzzz*

Text mula kay Darryl at Venice, pero di ko na iyon binsa alam ko na rin ang sasabihin nila.

Lumabas muna ako nang kwarto upang kunin yung snack namin ngunit saglit lang iyon.

Nang makabalik ako sa room ko'y dala ko na yung snack, pero si Danielle nakatulala parin.

Muli ko siyang nilapitan at binalot ang kanyang katawan nang yakap ko.

Danielle, wag kang mag alala hahanapin natin yung Blind na yun. Mahinahon kong sabi sa kanya. Pero di siya umimik at niyakap niya rin ako.

Lime, wag mo kong iiwan dito kalang, bulong niya sakin.

Oo Danielle, dito lang ako dahil mahal kita. Bulong ko rin sa kanya.

Mahal din kita, mas mahina niyang sabi.

-Raymond's POV-

Di ako mapakali matapos kong malaman na nadagdagan na naman ang namatay mula sa classmates namin, sino kay isusunod niya? Sana nag iingat ang lahat.

Blind Section ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon