Chapter 6: First Blood

30 2 0
                                    

- - - -
A/N
Hi readers, heto na naman sorry sa typos
Keep and enjoy reading

- - - -

-Danielle's POV-

Danielle? tulong! Nasa likod ko na siya! Tulong! Sigaw ng tulong ni teacher!

Bilisan mo! Danielle! mas malakas na sigaw ni teacher!

*krrrrriiiinnnggg* *krrriiiiinnnnggg*

napa upo ako bigla ng dahil sa takot, Ahh sht na nanaginip lang pala ako. Sabi ko habang kinakapa yung Alarm Clock ko.

Dagli akong naghanda para pumasok, di ko ba alam kung bat gustong gusto ng katawan kong bilisan ang kilos ko, excited ba ako? Bakit?

Agad akong nag punta ng Garahe ko't mabilis na dinrive ang kotse ko, bat ba kasi ako nag mamadali

Nang makarating na ko ng School ay may nakita akong mga Police car at Ambulance, anong kaganapan sa loob ang aga naman.

Pagkapasok ko ng school, ay nakita ko ang nag kukupolang mga Estudyante, teachers, pulis, at nurses sa may Royal Building at wait SA MISMONG CLASSROOM NAMIN, bsumilis ang tibok ng puso ko. Di ko na napigilan ang paa kong tumakbo.

Nang maka akyat nako ay agad akong sinalubong ni Yuka,

B-bess, si teacher Galvez nag Suicide. Naiyak na sabi ni Yuka.

Nan laki ang mga mata ko sa sinabi ni Yuka. Agad akong tumakbo ng classroom. At yung nga nakita kong nakalambitin na katawan ni Teacher.

Naluha ako, ba't siya nag pakamatay? Wala namang bahid ng problema ang mukha niya nang nagMall kami kahapon ahh, bakit ganun?

Di pa nila ginagalaw ang katawan ni Teacher, at ayon daw sa mga pulis ay suicide nga, may naka kwentas pa sa liig ni teacher na isang bond paper naka sulat "SORRY CLASS"

Nakita ko si Lime naiyak na lumapit sakin, nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko.

Pinatay siya Danielle! Niyak na bulong ni Lime, nagtaka ako sa sinabi niya, bakit? Ano bang alam niya. Di kaya siya ang pumatay kung pinatay nga.

Iwan ko ba kung ano ang nag udyok sakin para lumapit sa bangkay.

Manong Pulis pwede bang lumapit sa bangkay? Naiyak kong tanong. Nakita ko ang mga kaklase kong namamaga na ang mga mata sa kaiiyak na ganun rin yung akin.

Ohh sge ija, pero wag masyadong malapit.

Agad akong lumapit sa bangkay ni Teacher, Tinignan ang mukha niya, nakita ko ang mga mata niyang parang gulat at natatakot, di kaya totoo ang sabi ni Lime na pinatay siya. Chineck ko yung bag ni maam pero di ko iyon hinawakan.

Huh? Isang maskara? Yung katulad nung kay Blind, di kaya si Blind ang may gawa nito, nakadama ako ng galit at puot sa sarili ko, bat kasi di pa ako naniwala kay Lime.

Teacher? Hhaaaaa!! Rinig kong sigaw mula sa labas nakita ko si Venice na akbay akbay ni Yukang umiiyak.

Teacher bakit?!! Sigaw ni Venice.

Nilapit ko silang dalawa't niyakap.

Best, wala na si maam. Iyak ko habang yakap sila.

Di nagtagal ay kinuha na ng mga pulis ang bangkay ni maam. Kung suicide ang nangyari baka ang rason ay nakipag away ang Fiancee niya sa kanya.

Malaki ang nagbag'o sa class naging matahimik ang lahat, mula sa masiglang section ay napalitan ng iyakan.

*bzzzzzztt* nag vibrate ang phone ko.

Blind Section ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon