Chapter 27: The Secret Room

22 0 0
                                    

**
Hi enjoy reading, voting and comment po.

Mahal ko kayo!
----

Isang napaka tahimik na araw sa isang madugong taon.
**

Kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong tumingin sa tatlo. 3:24 na ng hapon so ibig sabihin mahigit nine hours nang nakatikom ang bibig ko. Unti-unti naring nawawala ang galit ko sa kanila maaring panandalian lang ang galit pero ang pride ko ayaw magpaawat. Kaya't wala na akong ibang ginawa kundi tumonganga at tumolala

Bigla nagising ang isipan ko dahil sa alingawngaw nang serena ng pulisya. 'Ano na naman kaya ang nang-yari?' Lahat kami ay nakatingin sa labas at nakikiusisa.

Unang lumabas si Myles.

Guys nagkukumpolan ang mga tao dun sa may dulong classroom. Inform ni Myles.

Dulong classroom? Baka dulong room. Di naman kasi yun ginagamit nang school sa pagtuturo kasi yun yung bandroom.

'Wait band room?' Nilibot ko ang tingin sa buong class lahat kami'y present pwera kay Evie na isang minorette at kanina pa siyang umaga wala dito.

Di ko inutusan ang katawan kong tumayo at tumakbo pero bigla niya iyong ginawa. Tumatakbo akong pababa at di ko mapigilan ang mga paa ko. Mas mabilis pa sa alas kwatro nang makarating ako bandroom nag kukupolan ang mga tao rito. May kutob talaga akong si Evie ang pinagkaka--

Ayy si Evie ba yan nang Blind Section A? Nakakaawa naman. At yun nga rinig ko sa isang nakikiusyoso. Pilit akong nakipagsiksikan sa nag kukupolng mga tao upang makita ang bangkay.

Fvck! Ang tanging nasambit ko nang makita ko ang katawan ni Evie. Walang kalunoslunos siyang pinagsasaksak. Halos magutay ang nakabukas niyang tiyan at nakapanty nalang. Halos mapuno na nang dugo ang mukha dhil sa mga sugat.

Nakahiga ang bangkay sa sahig. Maaring di siya dito pinatay. Bakit? Dahil nakatuwid ang katawan nito at nakataas ang kaliwang kamay niya na parang yun ang ginamit para hilahin siya at nakaus-os ang panty. Walang bahid ng dugo sa kahit saang sulok nang room.

Mang pulis pwede po bang lumapit sa bangkay? Tanong ko sa isang pulis.

Oh sige ija, wag lang siyang hahawakan. Sabi nang pulis.

Agad naman akong lumapit sa bangkay ni Evie. Chineck ko siya mula paa hanggang ulo baka may mga clues dito. Agad naman umagaw sakin pansin ang kneesack na suot niya. Maraming nakadikit na damo, yung damong tumtusok sa mga tela, medyo kahina hinala yun. Di naman pala punta si Evie sa mga damohan eh takot kasi siya sa mga ahas.

'Ahhhaa! Baka dinala siya nang killer sa isang lugar na may maraming damo. Pero saan? Di maaring la labas nang school dahil mahihirapan ang killer ipasok siya dito kasi dadaan siya sa guard house. So ibig sabihin sa loob lang siya nang school pinatay' pilit akong nag iisip kong saan. Sa Field? Di masyadong madamo dun. Sa Garden? Di rin walang damo dun. Baka naman yung daan papuntang old building? Tama yun lang ng alam kong maymatataas na damo sa loob ng school.

Agad akong tumayo at nagpunta sa may daang papuntang old building. Di pa nga ako nakakalayo naka hanap na ako nang clue dahil dun medyo na pangiti ako. Nakakita ako nang mga tulo at marka nang dugo sa isang napakakitid na daan na tama lang para sa isang tao. Oo maaring galing ang dugo kay Evie dahil medyo presko pa ito.

Sinundan Ko ang bawat tulo, dahil sa nakatingin lang ako sa baba di ko namalayang nasa pader na pala ako nang old school at pader na iyon ay may maliit na butas sakto ang isang tao pag nakaupo. Nilapitan ko yung butas at nakita ko ang isang earings 'wait kay Migs to ahh' ito yung basketball earings niya, bakit to nandito?

Blind Section ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon