Chapter 22: Mr. Winsley

10 0 0
                                    

[Enjoy reading]

-Danielle's POV-

Alam kong natatakot rin si Lime na pilit niyang tinatago sakin, pero sa totoo lang nakatulong rin ang pag comfort niya sakin nabawasan nang konti ang dinadala ko loob.

Tara Danielle punta tayong Garden baka sakaling makarelax ang magagandang kulay nang bulaklak doon saiyo.pagyaya sakin ni Lime. Walang hindi hindi tara na! Dagdag niya sabay sa pag pakawala niya ng pilit na ngiti.

Wala na akong nagawa kundi tumayo't sumama sa kanya.

Nakaupo kami sa gitna nang harden pinagmamasadan ang iba't ibang kulay nang bulaklak.

Ang ganda nun oh! Turo ko sa puting rosas.

So ano gusto mo kunin ko para sayo? Tanong niya sakin habang nakasmile. Di na ako sumgot at nag nod nalang ako.

Agad namang tumayo si Lime upang pitasin ang puting rosas.

Ohh, heto na ang order mo maam ang puting rosas na sing ganda mo! Jolly niyang sabi, parang timang toh pero infairness ngayon ko lang siyang nakitang ganito.

Para kang timang! Pang aasar ko. Pero salamat!

Gusto lang naman kitang pasayahin. Sagot niya.

hmm? Tipid kong sagot.

So ang gusto mula sayo ay hindi salamat kundi isang matamis na ngiti. Wika niya.

So binabawi ko na yung salamat ko kanina, sabi ko at pinagbigyan ko naman siya sa munti niyang kahilingan isang ngiti. Nginitian ko siya nang pagkatamis tamis.

Muli kong nilibot ang tingin ko para lasapin ang sarap nang tanawin, ang tagal ko na dito sa school na to pero ngayon ko lang napansin ang ganda nang harden na kung tutuosin ay kung sisilip ka sa bintana mula sa loob nang classroom namin ay ito agad ang makikita mo.

Na gulat ako sa biglang pag tayo ni Lime at tumungtong sa inuupoan namin. Kinilatis ko ang mukha parang may tinitignan siya sa malayo.

Ohh Lime anong meron? Mahinahon kong tanong.

Halika dito sa taas. sabi niya habang nakaturo sa tabi niya, umakyat naman ako. Maynakikita kabang tao dun? Sabi niy habang nakaturo dun sa my malaki at lumang pader nang campus na sa una palang ay di ko alam kong anong meron dun.

E-ewan pader lang ang nakikita ko ehh. Sagot ko.

Hindi may taong tumatakbo! Pangungulit niya habang hawak ang kaliwa kong gamay at ginamit niya iyon upang ituro ang nakikita niya. Sundan mo ang hintuturo mo! Dagdag niya.

At ayon nga nakita ko na ang nakikita niya.

D-diba si Sir Winsley yan? Tanong ko nang naklaro ko yung itsura nung tao.

O-oo nga no? Bat siya tumatakbo. Sagot namn ni Lime.

Mabilis ang takbo ni sir nang malapit na siyay agad siyang sinalubong ni Lime. Di maipinta ang mukha ni Sir para bang nakakita siya nang multo dagdag pa dito ang pagod niya.

A-ano sir? bat takbo ka nang takbo? Usisa naman agad ni Lime

H-hinah-habol niya.. a-ko! Y-yung killer! Hirap na sabi ni Sir.

Ano sir? Ano yung killer! Natatarantng tanong ni Lime pati ako natataranta na.

Y-yung k-killer ay s-si.... di natapos ang dapat na sasabihin ni sir nang biglang may pumutok, putok nang isang baril.

Blind Section ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon