**
-Danielle's POV-Dali- dali kong kinunan ng letrato ang papel. Sabay sa pag click ko ay ang pag lakas ng tubok ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa ginagawa ko di ko alam kong bakit paran anytime na may marinig ako sa labas ay iisipin kong yung killer yun.
Ouch! Sobrang nagulat ako nang marinig ko ang boses ng isang babae mula sa labas. Kaya't di alam ang gagawin o saan mag tatago pero dahil sa sobrang kaba'y na isipan kong pumasok sa isang double door na aparador. Nang nasa loob na ako'y di ako makahinga ng maayos dahil sa kaba. May unting butas sa aparador so dito lang ako natingin upang makita kung ano ang nangyayari sa labas. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko baka kasi kung ano ang magawa kot mag cause nang ingay.
Oh my god!...... anak ng tinapa na kita niya yata ako! Mas domoble ang kaba ko kayat napakagat ako sa mga daliri ko, par akong batang ngtatago sa palo ng nanay, Oo nga nakalimutan kong ioff yung study lamp ko! Dagdag niya kaya't parang nabunotan ako ng tinik.
Sinisilip ko siya sa maliit na butas pero nakamask parin siya, sana tanggalin niya yung mask niya para mas maaga ko siyang makilala. Pero pano kung di siya lumabas? Lagot ano nito ibig sabihin di rin ako lalabas? Sht paano to?
Nakita ko siyang lumapit sa study table niya at binuksan ang drawer sa ilalim. May kinukuha siyang kung ano dito.
Nanlaki ang mga mata ko sa kinuha niya isang kutsilyo. Di ko mapigilang maluha baka nakita niya nga ako at baka patayin niya ako. Dahan-dahan siyang lumapit sa direction ng aparador which is nasa loob ako. Kung anu ano na ang pumapasok sa isipan ko. Palapit ng palapit siya sakin pasikip ng pasikip ang pag hinga ko. Di ko gustong makita ang susunod mangyayari kaya't pinikit ko ang mga mata ko.
Isa, dalawa, tatlo......... hanggang sa umabot ng 50 pero wala akong narinig na pag bukas ng pinto ng aparador. Dahan dahan kong binukas ang mata ko pero wala talaga kaya't sumilip ako sa butas at wala na siya. Nahinga ako ng maayos medyo gumana pa ang swerte ko.
Agad akong lumabas sa kwarto at school saktong 5:00 pm kaya't umuwi agad ako.
Kasalukoyan akong nasa kwarto walang magawa at napaka boring. Hanggang sa biglang may pumasok sa kukuti kong isolve ang krimen sa section namin. Agad akong dumericho sa study table ko. Patay ang ilaw sa kwarto tangin lamp sa study table, bukas na laptop at cellphone ko ang natitirang ilaw sa kwarto, mas maganda na ang ganito para madali akong makapag concentrate. Agad kong kinuha yung phone ko para tignan yung picture ng papel kanina
Hawak ko na ang phone ko pero di ko alam kong pano mag uumpisa. Pero ang agad kong napansin ay ang bilang ng estudyante mukhang kulang ba't 23 lang eh 24 naman kami sa class. Yuka, Lanie, Mich, Glaiza, Nova, Rhea, Evie, Lyle, Myles, Jerramae, Danielle, Tristan, Migs, Clyde, Drei, Bryle, Kyle, Carlo, Jerrwyn, Darryl, Alex, Lime, Raymond. Yan lang ang naka sulat sa papel. Pero sino ang kulang? feeling ko sakto na pero parang diskumpyado ako. Eh sino nga ang kulang? natigilan ako at nag isip. Umabot nang mahigit sampung minuto ang pag iisip ko habang kagat ang ballpen at biglang nadama ako ng kirot sa bandang mata ko.
Aaarraayy! Napasigaw ako sa sakit. At biglang nasagi sa isip ko ang pangalang, Venice.
Oo nga noh! Si Venice ang kulang! Oo matagal ko nang siyang suspect pero patay na siya. Dahil lahat ng mga clues ay parang siya ang tinuturo. Una yung pangalan ng section namin BLIND SECTION A. Nabasa ko sa isang libro na ang nagrequest na ipachange ang pangalan ng section na yun ay ang anak ng isang principal at si Venice yung anak ng principal na yun. At Blind rin yung pangalan ng killer. Pangalawa yung autotalk na phone na maaring gamit ng killer sa pagsagot mula sa tawag ni Lime. Pangatlo yung Footprint nanaiwan sa crime sceneyun rin footprint na iwan noong nagmamap si Darryl at mula yun kay Venice. Tama si Venice! Si Venice ang killer.
Pero pano? Eh patay na siya. O baka naman nag papatay-patayan lang, sabi ko sa sarili ko habang nangiti na parang ewan. Oo maaring di pa siya patay, dahil lahat naman nang mga classmates naming natutuldokan ang buhay ay nakikita muna namin ang bangkay yung kanya wala, walang nakitang nakabulagta o nakahandusay na Venice. Nangingiti parin ako nang bigla kong maalala ang memories namin.
Pero napakabait ni Venice, maalalahanin, mahinhin, at higit sa lahat tinuring ko siyang Bestfriend, Bulong ko at napakagat sa labi na pinipigilan ang pagtulo ng luha pero di ko nagawa. Mahirap ang malalaman mong Bestfriend mo pala ang isang demonyo.
"Minsan ang kaibigan parang maamong tuta masarap yakapin, itabi sa higaan at madaling mapagkatiwalaan pero kung kumagat ay mas malala pa sa asong nalalagasan nang balahibo at puno ng gasgas ang katawan"
Isa siyang demonyo! Tinuring ko siyang kaibigan at pinagkatiwalan. Anghel sa panlabas, Demonyo sa pang loob. Galit at humihikbi kong sabi.
*****
Sorry kung medyo boring tong chalter na to at maikli. Bawi ako sa susunod na update. :) Ngayon kilala niyo na ang killer, ang problema pano siya hahanapin? Abangan.
Thank you!
Btw sorry sa mga Typos, spelling at Grammars! *unedit
BINABASA MO ANG
Blind Section A
Mystery / ThrillerIsang Royal Section na nagpatunay na hindi lhat ng masaya sa umpisa ay masaya hanggang sa dulo. Minsan ang MASAYANG UMPISA AY MAUUWI SA MADUGONG WAKAS.