***
-Danielle's POV-
Ilang minuto lang ang biyahe at nakarating agad kami sa GreenVille. Isang napakatahimik na lugar at puno ng mga puno ang lugar parang nasa gitna ito nang isang malawak na gubat pero may mga building at bahay.
Lime ito ba talaga ang lugar? Tanong ni Myles.
Oo ito lang naman ang GreenVille na alam ko eh, ang kailangan lang natin aya hanapin isang Lumang Building na pinakamalapit sa riles ng tren. Sagot naman ni Lime.
Agad namang pinark ni Lime ang kotse sa isang bakanteng lot at nag lakad kami papuntang riles ng tren.
Yan na ang riles ohh! Turo ni Jerrwyn sa di kalayoan.
Sige tatahakin lang natin yan, hanggang sa mahanap natin ang lugar. Tugon ni Lime.
Ilang metro na ang nalakad namin pero wala kaming nakitang bakante at lumang Building. Tagaktak na rin ang mga pawis namin at hingal na hingal na rin kami.
Segurado ba tayo dito? Bigla kong tanong sa kanila.
Tiwala lang Danielle, naaamoy ko na. Sabi ni Lime. Ang weirdo nun.
Magpahinga muna tayo guys! Yaya ko.
Oo nga naman Lime kanina pa tayong pagod. Dagdag ni Jerrwyn sa sinabi ko.
Oh gege! Pero saglit lang baka mahuli tayo. Tugon ni Lime.
Agad kaming nag siupoan kanya kanyang hinga at inat ng katawan. Bahagya kong hinaplos ang mukha ko ah ang oily na ng face ko. Agad kong kinuha ang Pulbos at Salamin sa bag ko.
Ang oily na tala...-- natigilan ako nang may mapansin ako sa may salamin ko isang reflection ng malake't lumang building. We-wait isang lumang building. Sabi ko habang dahan-dahang lumingon sa likod ko. Isang Mataas na lumang building ang nakita ko sa di kaluyoan di iyon masyadong halata dahil sa padilim na rin ang paligid
Asan? Dagling tanong ni Lime.
Di na ako nag salita imbis ay tinuro ko nalang ang direction ng lumang building. Agad rin naman silang nag sitinginan sa kung saan ang itinuturo ko.
Oo nga noh! Gulat na wika ni Alex.
Walang anu anoy lumakad agad si Lime papuntang direction ng building at dahil sa walang gustong mag paiwan agad kaming nagsunoran. Ilang lakad lang ang ginawa namin at nakarating agad kami sa lugar. Nakakatakot ang Atmosphere sa lugar na'to. Agad akong yumakap sa braso ni Lime at si Myles kay Jerrwyn samantalang si Alex ay nasa likod namin.
Ano papasok ba tayo diyan? Tanong ni Alex.
Syempre nandito na tayo eh! Sagot ni Jerrwyn
Pero baka pag nasaloob na tayo marami palang mga killer dun! Takot na dagdag ni Alex.
Ang Nega mo naman! Sigaw ko.
Ba't di tayo tumawag nang pulis? Tanong ni Myles.
Hindi pwede Myles! Pagrumawag tayo nang pulis maaring patayin nila sila Drei at Bryle at mahihirapan rin tayong umaksyon. Tugon ni Lime
Oo tama si Lime mahihirapan talaga kaming kumilos pag kasama ang mga pulis.
Sige Alex at Myles dito lang kayo sa Labas! Kayo ang back up namin pag di kami makabalik with in one hour dun na kayobg tityempong tumawag nang pulis! Wika ni Lime habang nahawak sa balikat ni Alex. Alex alam mo na pag makita mo si Venice wag siyang lalapitan dahil siya ang killer hanggang maari mag tago kayo dito. Dagdag na bilin ni Lime.
Huh? Ano si Venice ang Killer? Pano? Patay na siya. Gulat na tanong Myles.
Oo Myles mahabang istorya, pag matapos na to dun na namin sasabihin. Sagot ko. Napapout lang si Myles.
Oh sige, trust us sa operation na to kaming bahala sa back up. Tugon ni Myles at ngumiti.
Bago kami pumasok ay lumapit muna si Jerrwyn kay Myles at hinalikan siya sa noo. Bakas sa mukha ni Myles ang pagkagulat at pagtataka. Dahan dahan kaming nag lakad papasok ng building habang palapit ng palapit ay palakas ng palakas nag kabog ng dibdib ko. Di ko mapigilan ang mahigpit na hawak kay Lime dahil sa takot madilim na kasi ang paligid.
Amoy luma ang building at sira sira na rin ang mga pasilidad. Lumakad lang kami nang lukad hanggang sa narating namin ang hagdan papuntas second floor.
Lime sa anong Floor ba talaga tayong papunta? Tanong ni Jerrwyn kay Lime.
Wait baka sa last floor! Singit ko diba ganun naman sa mga movie laging sa Lastfloor ang hostage.
Maaari rin. Suporta ni Lime sakin. Padilim ng padilim na ang paligid mga luma't nagkukurap kurap na mga ilaw nalang ang nagsisilbing tanglaw namin sa dilim kaya't nakakatakot talaga ang scene na'to. Napaka tahimik rin dito tunog ng mga kwago, kuliglig, at mga pag apak lang ang naririnig namin.
Nakarating kami nang 3rd floor ng safe at mabilis. Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad at katahimikan ay nagulat kami sa isang pag bagsak ng kung ano mula sa Taas which is the 4th floor, the last floor. Agad akong nayakap kay Lime.
A-ano yun? Gulat na tanong ni Jerrwyn.
Maaaring nasa taas sila. Sagot ni Lime. Tara bilisan natin! Dagdag niya. Agad naming binilisan ang lakad namin hanggang sa narating kami hagdan. Kabadong kabado ako sa bawat pag apak ng steps ng staircase. Bawat tunog ng pag apak namin ay parang palakas ng palakas kasabay neto ang kalabog ng dibdib ko. Kasalukoyan akong nakahawak ng mahigpit kay Lime dahil siya ang nauuna at si Jerrwyn naman ay nasa likod namin.
Narating namin ang fourth floor na dala ang kakaibang pakiramdam parang lahat ng takot at kaba'y sinuklob sakin. Habang naglalakad ay may naririnig kaming paggalaw mula sa dulong room. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nasa tapat na kami ng kwarto kung saan nag mumula ang ingay at dagundong. Nakitang bumulong si Lime kay Jerrwyn.
-Jerrwyn's POV-
Kasalukoyan kaming nasa tapat ng nakasiradong pinto ng kwarto kun saan nag mumula ang ingay na kanina pa naming naririnig sa 3rd floor palang. Di ko nararamdaman ang kaba imbis ay galit at pursige upang makagante sa killer. Nakita ko si Lime na nilapit at mukha sa taenga ko.
Jerrwyn wag kanang pumasok, dito kana muna labas upang mag matyag. Bulong niya sakin. Okey ba? Dagdag niya.
Di na ako sumagot imbis ay tumango nalang ako. Gusto kong pumasok para makatulong pero mas makakatulong ata kung dito nalang muna ako sa labas para maging look out ang problema wala akong armas o kahit pandepensa man lang.
Dahan dahang binuksan ni Lime ang pinto at pumasok ang dalawa sa loob. Samantalang ako'y pilit na tinatalasan ang aking paningin at pandinig.
Napakabilis ng oras. Mahigit sampung minuto nang nasa loob sila Lime.
*ting* *ting*
Nagulat ako sa isang tunog ng bakal. Parang palapit ng palapit ang tunog kayat nilingon ko ang bandang pinanggalingan neto. Hanggang sa naaninag ko ang isang taong naglalakad na maydala dalang kung anong mahabang bagay na nasudsod sa sahig. Sa kanya nang gagalung ang tunog na naririnig ko. Di mag kamayaw sa pagkalabog ng dibdib ko. Pilit kong pinipigilan ang kaba pero nahihirapan ang utak kung utosan ang dibdib ko. Habang palapit siya nang palapit ay paatras ako ng paatras. Bat kasi wala kaming dalang armas.
Sino ka? Sigaw ko. Palapit siya ng palapit pero di ko maklaro ang mukha niya dahil sa walang matinong ilaw dito lahat ay panay ang pagkurap. Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang tumakbo palapit sakin kaya't napabilis ang pagatras ko hanggang sa nasagi nang kaliwang paa ko ang isang tipak ng bato na naging rason ng pagkatumba ko.
Di ko na nagawang tumayo dahil sa sakit ng pagtama ng paa ko kaya't imbis na makalayo s kanya ay hinayan ko na siyang lumapit sakin na mas nagdagdag sa takot ko. Pinagpapawisan ako malamig. Nang nasa 3 metro nalang layo niya mula sakin ay nagulat ako nang maklaro ko ang mukha niya.
***
BINABASA MO ANG
Blind Section A
Mystery / ThrillerIsang Royal Section na nagpatunay na hindi lhat ng masaya sa umpisa ay masaya hanggang sa dulo. Minsan ang MASAYANG UMPISA AY MAUUWI SA MADUGONG WAKAS.