Chapter 29: Cooperation

21 0 0
                                    

**
At uulitin ko po sorry sa nga spelling, grammars, at typos pati na rin sa mga tuldok, comma, at etc. Wahahahahah di ko po sinasadya.
^__^v

**

Kanina pa akong nahihirapan sa kalagayan ko. Gusto ko nang makipagbati kina Lime upang matulongan nila ako pero ayaw ng pride kong gawin iyon.

Di kaya sulatan ko nalang siya, pero ang korni nun baka pagtawanan niya lang ako. Arrrgg nakakainis kailangan ko tong bilisan at maayos na. Kailangan kong hanapin si Blind i mean si Venice. Ilang oras na rin akong nakaupo dito at nag iisip ng mga pwede gawin.

Chaneng! Tama pwede akong dumaan sa harap nila at ihuhulog yung pen ko tas may tyansang pansinin niya ako't papasok sa isip niyang mag 'sorry'.

At agad nga akong tumayo dala dala ang pen ko.

'Malapit na! Malapit na! Malapit na!' Alam kong ang korni din neto.

*pleecck* tunog nang nahulog ko i mean hinulog kong pen.

Oooopps! Sabi ko sa harap nila. Dahan dahan kong pinulot ang pen ko na sinadya ko naman para mapansin niya ako. Hanggang sa napulot ko na ang pen pero wala siyang kibo at wala siyang ginawa at feeling ko di rin siya tumingin. Nakakasad naman neto. Kailangan ko na talagang bilisan ang mga gingawa ko para hindi na madagdagan ang namamatay.

*kkkkrrriiiiingg*

Ayyysst! Wala na bell na wala na akong magagawa kundi gawin iyong mag isa. Nakita kong nagsitayoan na ang tatlo. Ilang minuto lang bago sila lumabas ay tumayo na rin ako. Medyo madami pa ang tao sa classroom kayat binilisan ko ang lagad upang di makipag siksikan mamaya.

Ang bilis ko ngang mga lakad, ilang segundo palang ang nakalipas ay nasa 2nd floor na agad ako. Habang naglalakad ay di parin mapakali ang isip ko. Hanggang sa

Arrrgg...akkk.ahh! Biglang tinakpan ang bibig ko't hinugot ang katawan ko papuntang loob nang CR. Sht baka si Venice na to. Nanginginig ang mga kamay ko sa takot. Pinipilit kong sumigaw pero di ko magawa dahil sa tinatakpan ang bibig ko.

Psshh! Danielle? Wag kang sisigaw. Sabi ng isang pamilyar na bose, pero di ko parin makita ang mukha niya dahil sa nasa likod ko siya.

Pfff...ft isang tawanan na oinipigilan ang narinig kong bigla. Hmmmm! Mga pamilyar na boses.

Danielle ako to si Lime relax kalang! Sabi ko na ngaba si Lime yun eh at yung nga nagpipigil nung tawa si Alex at Raymond yun.

Bitiwan ko nga ako! Sigaw ko sa kanya! At bigla siyang nag senyas ng wag maingay.

Danielle! May importante akong kailangang sabihin. Explain niya agad. Pero tinarayan ko lang siya.

Please makinig ka! pagpupumilit niya.

Ohh ano mag sosorry kana? Assuming kong tanong.

Eh..medyo!. Oo sorry na! Sagot niya na siyang nagpinta ng ngiti sa bibig ko. Pero di  yun yung main even! Dagdag niya.

Eh ano? Tanong ko, may sasabihin rin ako.

Wait ako muna! Importante to. makulit niyang sabi.

Sige wag kang mag sisisi kong mas importante yung akin! Sabi ko sa inis na tono at tumngo lang siya.

Danielle, pinadalhan ako ng Letter ni Blind! Ang naka sulat yun na raw ang last message niya dahil isusunod niya na daw tayong apat! Danielle kilangan mong magtago! Kailangan nating umalis sa lugar na to! Sabi niya habang naluluha samantala ang dalawang sina Alex at Raymond napapakagat sa labi at unting pitik nalang sa matay lalabas na ang mga Luha. Napangiti ako bigla sa tatlo.

Blind Section ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon