Friends
I wanted to look away from his gaze but I couldn't. How can this man's presence be this domineering that even my own body betrays me.
"Uy pansin niyo kanina pa nakatingin dito sa side natin si Mr. Griffin?" Pahayag ni Ina
"May tinitingnan kasi yan dito. May binabantayan." Makahulugang pahayag ni Grace
"Huh? Ano yon?" Tanong ni Ina
"It's for me to keep and for you to find out." Nakangisi lamang na sagot ni Graciella
Hindi na ako sumingit pa sa usapan nila dahil baka kung ano pa ang masabi ni Gracey nagpatuloy nalang akong makinig sa nag sasalita sa harap.
Hanggang sa matapos ang seminar ay nanatili na lamang akong tahimik. Maraming nag pakuha ng litrato kasama ni Luke sa mga kaklase ko. Di ko mapigilang isipin kung ano kaya ang nasa isip ni Luke sa mga oras na ito.
"Don't tell me you three are also going to fangirl over that guy?" Natatawang tanong ni Renz nang mapansing di pa kami tumatayo sa kinauupuan namin
"Huh? Why not? Kita mo nga! Para siyang artisra yung mga ka batch natin ang lalandi oh!" Pareklamong sagot niya. Tiningnan ko ang ilang kababaihang nakapaligid kay Luke, masyado nilang ipinapakita ang pagka gusto niya sa kanya.
"Tara na. I need to go home marami pa akong aayusin na projects." Aya ko sa kanila habang inaayos ang bag ko
"Aren't we going to have a picture with him?" Maarteng tanong ni Ina
"Oo nga. Why are you being so grumpy, S?" Mapaghamong tanong ni Grace
"I'm tired and sleepy guys. If you wanna have a picture with him go I'm not interested, I'll wait you guys here." Masungit kong sagot
"Oh the ever famous grumpy Sophia. I don't know why I'm still even friends with you." Iiling iling na sabi ni Graciella na siyang ikinatawa ni Renz at Ina
"You know that you can't live without me and my sharp tongue, Grace" I answered back.
"Sharp tongue huh?" Nagulat ako nang may mag salita sa harap namin.
"Oh my god!" Eskandalosang sambit ni Ina
"Hi Sophie, nice to see you again." Nakangising bati ng lalaki sa harapan namin. Hindi namin napansin na nakalapit na pala sa amin si Luke dahil sa pag kukwentuhan namin
"What do you want?" I asked him while raising my eyebrows
"Did I say I need anything? I just wanted to say hi, isn't that enough." He asked
"Girl! Di mo sinabi kakilala mo pala siya!" Mahinang bulong ni Ina ngunit parang hindi mahina dahil narinig din naman ng tao sa harap namin. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niyang iyon
"I already have your car." Pahayag niya
"That easy?" I asked
"Yep. Can we talk privately?" He asked
"Just give me my keys and tell me where should I get my car." Nilahad ko pa ang kamay ko sa harap niya. Nanatili lang tahimik sila Grace na nanunuod lang saming dalawa
"Okay. I won't tell you." Nakangisi niyang pahayag at nag simula nang maglakad
"Wait! Okay! Let's talk." Inis kong sambit
"Good girl. Let's go." Tumalikod na sya matapos sabihin yon. "Oh by the way, I like you, bare." Tila nabingi ako sa sinabi niya na eskandalo akong tumingin sa paligid at tiningnan kung may ibang nakarinig ng sinabi nita. Nakita kong halos mapanganga si Ina at Renz habang si Grace naman ay nakangisi
BINABASA MO ANG
Bad Boy, Good Lips
RomanceAre you ready to take chances? Are ready to break your heart? Are you willing to give your all? Can you accept things that is impossible to happen? Have you ever experienced your best kiss? You didn't expect that in such a hopeless place you'll fin...