Chapter 23

4.8K 131 5
                                    


Chapter 23

Nang makabalik kami sa office ay may natitira pang 10 minutes bago matapos ang lunch break namin kaya dumiretso na muna kami ni Ina sa powder room.

"Grabe busog na busog ako." Sabi ni Ina habang hinihimas pa ang tiyan niya

"Ina anong gagawin ko?" Frustrated na sabi ko

"Act normal nga. Pa ulit ulit?" Sagot lang ni Ina habang kinukuha ang lipstick niya. "Mag red lipstick ka friend para fierce. Hahaha" Natatawang suhestion pa niya

"Peram nga niyan." Inagaw ko naman ang red lipstick na hawak niya at naglagay ako nito

"I'll give him the coldest treatment na kahit kalian hindi pa niya nararanasan." Sabi ko habang naka tingin sa salamin

"Wow ang lamig. Peram ng jacket." Pabirong sagot naman ni Ina

Nang lumabas kami sa powder room ay dumiretso na kami sa assigned cubicle namin. Nakita kong nakatayo doon si Sir Denver.

"Sir may kailangan po kayo?" Tanong ko sa kanya

"I'm just checking you out guys." Nakangiting sagot niya but the kind of stare that he's giving me kinda sends me different feels. "Does anyone told you that you're beautiful?" He blurted. Nanlaki naman ang mata ko at lumingon pa sa likod ko. Nakita ko namanag nakangisi si Ina at Renz sa gilid

"S-sir?" I stuttered

"Oh, I'm sorry. Haha. Nabigla yata kita." Pag hingi niya ng paumanhin

"Denver go back to your office." Sabin ng taong kadarating lang.

Napalingon naman kaming lahat sa taong yon at nakita kong papalapit na sa amin si Luke.

"Sophie, come with me." Ma awtoridad na wika niya

"Okay." I said simply. Ayoko nang makipag talo pa, gagawin ko na lamang ang lahat ng sabihin niya ng walang kontra

"Luke naman. Kausap ko pa si Sophie eh." Reklamo ni Denver na parang bata

"Denver" Simpleng sabi ni Luke ngunit ramdam ko ang tensyon sa paraan ng pag titig niya kay Denver

"Okay okay!" Taas pa ang dalawang kamay ni Sir Denver at tumalikod na sa amin.

"You" Turo sa akin ni Luke. "Let's go to my office." Sabi nya at diretso nang maglakad sa kanyang opisina. Nang makarating naman kami sa opisina niya ay nanatili lang akong nakatayo at pinanood lang siyang hubarin ang suit.

"What can I do for you sir?" Tanong ko

"Stay away from Denver." He said while looking directly at my eyes

"Why?" I asked

"Just stay away okay!" He said frustratedly

"He's my supervisor, Sir." I answered

"Stop calling me Sir! Pwede bang sundin mo na lang ako?" He said

" I can't see the logic Sir." Pinag diinan ko pang husto ang pag tawag sa kanya ng sir. "Ano pong problema sa paglapit ko kay Sir Denver? Unang araw ko pa lang po dito. Kailangan kong makisama sa lahat." Dire diretsong sabi ko

"No. You don't need to do that. I am your supervisor now, you are okay with Ina and your guy friend just stay away from Denver. Just this once Sophie sundin mo ako." He said. I saw how his jaw tightened while saying Sir Denver's name.

"With all due respect sir, sa marketing po ako naka assign. Kung ikaw ang magiging supervisor ko ang magiging ganap non eh parang secretary mo lang ako. Kung ganoon lang naman pop ala eh magpapa pull out nalang ako." Sabi ko habang nakikipag sukatan ng tingin kay Luke

"Bakit ba ang kulit mo? Para sayo din ang sinasabi ko! I know Denver, he's up to no good. Alam kong ikaw na ang sunod niyang biktima!" Halos sabunutan na niya ang sarili niya marahil ay dahil sa inis sa akin

"Up to no good? Wow! Coming from the almighty Luke." Hindi ko na napigilan ang sarili ko

"Labas ako sa usapan Sophie! I know what I did to you was wrong pero can't you see? Nag sisisi na ako!" halos pasigaw na niyang sabi

"Wala akong pakialam kung nag sisisi ka o hindi! Ang sa akin lang wag mo na akong pakialaman, wag mong pakialaman ang personal kong buhay. Boss lang kita Luke! Pero sa labas ng opisinang ito wala na tayong koneksyon!" Naiiyak kong sabi. Lalabas na sana ako ng opisina niya ng bigla niya akong hilahin at yakapin

"Bitiwan mo ako Luke!" Pilit kong inaalis ang pagkaka yakap niya sa akin ngunit masyado siyang malakas. Lalo akong naiyak ng naramdaman kong tinatapik niya ang likod ko

"I'm sorry... I didn't had the chance to tell you this pero alam ko, mali, mali na hinamon kita para sa isang deal na alam kong ako lang ang mag bebenifit." Pagkasabi niya non ay nilayo na niya ang katawan niya sa akin ngunit hawak niya pa rin ako sa magkabilang balikat

"Sorry? Huh? Maibabalik ba ng sorry mo na yan yung dati? Yung dating wala pa akong nararamdaman syo? Ginawa mo akong tanga Luke! May girlfriend ka tapos nilandi mo ako? Wow yon. Kaya kung akala mo maibabalik ng sorry mo ang dati mali ka don. Hanggang dit\to nalang tayo Luke." Sabi ko at tumalikod na sa kanya. Naglakad na ako papunta sa pinto ng opisina niya. I need to finish the work I have started earlier kung mananatili lang ako sa loob ng opisina ni Luke ay wala akong mararating.

Hindi pa ako nakaka ilang hakbang ay naramdaman ko na namang hinila ako ni Luke ngunit sa pangalawang pagkakataon hindi na yakap ang binigay niya sa akin. For the second time I felt his lips brushing into mine. Hindi agad ako naka kilos dahil sa pagka bigla ngunit ng maka bawi ako ay agad ko siyang itinulak.

"WHAT THE FUCK LUKE!" galit kong sigaw sa kanya. Alam kong sa mga oras na ito ay narinig ako ng mga empleyado sa labas. Hindi kumibo si Luke, hinila lang niya akong muli at hinalikan ng marahas. I am crying, naramdaman ko na lamang na tumulo ang luha ko dahil wala akong magawa

Nang bitawan niya ako ay pinunasan lang niya ang luha ko.

"I'm not going to say sorry for kissing you. I like you Sophie." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Tang ina mo Luke!" Mura ko sa kanya habang pinag papapalo siya sa dibdib. "Tangina mo wag mong sabihing gusto mo ako pero hindi mo naman kayang panindigan. Hindi ako option Luke na pag wala jan si Mira ay sasabihin mong pwede na to papatol naman to sakin." Galit kong sabi sa kanya habang umiiyak

"Hindi ganoon ang tingin ko sayo Sophie! Alam mo yan!" Halos pasigaw na rin niyang sabi

"Ano Luke? Ano? Dahil kahit anong sabihin mo hindi na ako naniniwala! Girlfriend mo si Mira tapos hahalikan mo ako? Fuck you!"

"Mira is not my girlfriend okay! PUTANG INA! MAKINIG KA SA AKIN! We are done already! We tried okay, but it didn't work out I don't feel the same way like I used to." Frustrated na sabi niya

"So? I don't care. Swim in your own misery Luke dahil ako matagal na akong nalunod sa pagmamahal ko sayo at ngayong nakaka ahon na ako? Wala na akong balak lumusong pa ulit." Sagot ko sa kanya. "I'm only 20 Luke, marami pa akong makikitang mas hihigit sayo at alam kong yung naramdaman ko para sayo maliit na bagay lang sa pwede kong maramdaman sa susunod." Dagdag ko pa. Nakita ko kung paano nag tangis ang bagang niya dahil sa galit.

"Ako lang Sophie, ako lang. Walang papalit, walang hihigit. Tandaan mo yan, you can't runaway with your feeling lalo na at nandito ka sa teritoryo ko. I'll make you fall harder with me nang sa ganoon kahit pag hinga mo ay ako ang maalala mo. Remember that, Sophie. You can go back to your work now." Nanatili pa akong nakatayo sa harap niya ng ilang minuto ngunit nang bumalik siya sa lamesa niya ay agad na akong lumabas ng opisina niya.

Bad Boy, Good LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon