Chapter 22

4.7K 112 0
                                    


Chapter 22

Habang naglalakad kami papunta sa opisina ni Luke kasama si Sir Denver lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Pinagpapawisan ang mga kamay ko at parang nanlalambot na ang tuhod ko.

"Act civil, Sophie." Paalala sa akin ni Renz

Kahit paanong paalala ang sabihin nila sa aki, ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam kung paano ko tatratuhin ng civil si Luke. Bakit ko ba kasi inamin pa yung nararamdaman ko?

"We're here." Pahayag ni Sir Denver nang huminto kami sa tapat ng isang kwarto. Kumatok muna siya bago kami pumasok

"Luke here's the new interns." He casually said when we entered the room

Nasalubong ng mga mata ko ang mga tingin ni Luke nang mag angat siya ng tingin and again my heart is beating abnormally. Para maiwasan ko ang mga tingin niya ay iginala ko ang panignin ko sa loob ng opisina niya. Black and white ang tema nito. Simple ngunit ramdam mo na ang pinakamahalagang tao sa kompanyang ito ang umuukopa rito. Maluwag at maaliwalas ang loob ng opisina niya, ang nagpa mangha sa akin ay ang tanawin sa mula sa bintana ng kanyang opisina, tanaw rito ang kabuuan ng metro dahil halos puro salamin ang bumubuo rito ay mukhang hindi siya naka kulong lamang sa apat na sulok nito.

"Leve them to me Denver." Pormal na sabi ni Luke nang tumayo siya. Inayos niya muna ang kanyang suoot bago lumapit sa amin. Si Sir Denver naman ay lumabas na ng kanyang opisina

"Welcome to the company." Nakangiting pahayag ni Luke habang nakalahad ang kamay sa amin. Agad naman itong kinuha ni Ina at sumunod si Renz. Nang sa akin na nakatapat ang kamay ni Luke ay wala sana akongplanong kunin ito kung hindi lamang ako siniko ni Ina.

"It's our pleasure to work here, Sir." Sarcastic na sabi ko at pinag diiinan ko ang pagtawag sa kanya ng Sir

"Anyway, you already know me so I don't need to introduce myself or should I?" Tanong niya habang naka tingin kay Ina at Renz

"No need, Sir." Agad kong sagot napatangin naman sa akin ng masama si Ina. "We're the one who should introduce ourselves." Agad kong dagdag. Nakita kong napa buntong hininga lang si Renz

"No need I already read your resumes. Anyway, you can leave now except for you Ms. Altamiranez" He said seriously. Agad naman lumabas ng opisina sina Renz at Ina

"What do you need, Sir." Pinag diinan kong mabuti ang bawat salitang lumabas sa bibig ko.

"Stop acting like this Sophie." Ramdam ko ang inis sa boses niya

"What do you mean Sir? I'm here, I am you employee you're my boss. I don't see any problem there, Sir." I told him

"Sophie, let's talk. Not like this." Tila ba hirap na hirap ang boses niya habang sinasabi niya iyo.

"Sir, labas na po ang personal na buhay sa opisinang ito. I'm here to accomplish my internship, hindi para makipag usap ng walang kwentang bagay. So if you don't need anything I want to start my work." Dire diretsong pahayag ko. Nakita kong nagtangis ang bagang ni Luke, halata sa mukha niya ang pagka inis.

"If you'll excuse me, kailangan ko na pong lumabas." I told him before leaving his office

Nang makalabas ako ay napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko akalaing kaya kong sabihin iyon lalo na at boss ko na si Luke ngayon.

Pumunta na ako sa assigned cubicle ko, katabi ko roon si Ina at sa tabi naman niya ay si Renz.

"Bat ka pinaiwan?" Tanong sa akin ni Ina

Bad Boy, Good LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon