Chapter 15

5.2K 128 6
                                    


It's been a week since we started this volunteer thing. Sa sandaling oras na yon maraming nangyaring hindi ko inaasahan.

Luke, well still the same. He's still pestering me. Kahit anong iwas ang gawin ko walang talab dahil sa bawat pag iwas ko lalo siyang lumalapit.

"I'll drive you home today." Luke stated

It's still morning and he's bugging me already. Nandito ako sa office, wala si Grace dahil may family outing sila si Anthony naman di ko alam. Di siya nagpasabi na di siya makakapasok today.

"Susunduin ako ng daddy ko." Tanggi ko

"Text him that someone will drive you home. Simple." He insisted

"Ano bang nakukuha mo sa paglapit lapit mo sakin?" I asked him

"Your attention" He simpky said

"Hindi mo kailangan ng attention ko sa iba ka humanap dahil sigurado ako buong loob nilang ibibigay sayo yon." I said without looking at him

"Sobrang hirap tibagin ng walls mo Sophie." Iiling iling niyang sabi

"If you just find me challenging you may stop the crap now Luke. I'm not interesed." Saad ko

Hindi na siya nakasagot dahil may tumawag sa akin. Kinuha ko agad ang phone sa bag ko para tingnan kung sino ang tumatawag.

Ethan Calling...

"Hey what's up?" Agad kong bati ng sagutin ko ang tawag niya.

"Kakamustahin lang kita. So how's living in the province?" I can sense that there's something up with this guy

"Breath of fresh air. Wag mo akong utuin Ethan, anong meron?" I asked. Nakalimutan kong kasama ko nga pala sa loob si Luke. Lumabas ako ng hindi nagpapa alam sa kanya

"Ethan talk." Simpleng sabi ko ng hindi siya sumagot sa tanong ko

I heard him sigh deeply. "I think I made a huge mistake... I pushed away someone, I hurt her." Nanatili lang akong nakikinig kay Ethan. Halata sa boses niyang nahihirapan na siya.

"I'm sorry sayo ko sinasabi to. Wala akong maisip na ibang pagsasabihan nito eh." He added

"Don't worry it's okay." Sagot ko. Napansin kong lumabas din ng opisina si Luke at tumabi siya sa akin. "So what's your plan? Nagsisi ka ba sa ginawa mo?" I asked him. Nakatingin lang sa akin si Luke

"I really don't know, Sophie. I pushed her away for her own good. I know deeply that I'm no good for her." He said

"Uhm matanong ko lang do I know the girl?" I asked curiously

"Yes. You know her very well. Kaya sayo rin ako tumawag alam kong one of these days makakarating na sayo to so sinabi ko na agad. I hope hindi ka magalit sa akin." He said

Bad Boy, Good LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon