Chapter 17

4.9K 109 3
                                    


I started the day like nothing happened. Kahit naman mag mukmok ako wala namang mangyayari so what's the use?

I heard my phone ringing kaya hinanap ko pa ito. Hindi ko alam kung saan ko nailapag nang makauwi ako kagabi.

Ina Calling...

"Hello?" Nakita ko ang phone ko sa ilaim ng cabinet ko. Paano nga ulit napunta iyon doon?

"Bebe! Papunta kami sa inyo. I'm with Renz." She said excitedly

"Anong naisipan nyo?" Tanong ko dahil di ko inaasahan na pupunta sila dito

"Diba nga sabi ko dati gusto ko sumama sa inyi ni Grace sa pag vo-volunteer." Paliwanag niya

"Ethan's here last night di pa kayo nag abot" wala sa loob kong sabi

"Uhh.. Okay. Uhm see you!" Wala sa sarili niyang sabi

"Okay ingat kayo! I'll tell Grace na dadating kayo." I said. Damn! I forgot that she have issues with Ethan!

"Sophie baby! Graciella's here!" Sigaw ni Mommy sa labas ng kwarto ko

"Yep mom! Wait lang!" I said. Hindi pa ako naliligo! Ang aga ni Grace!

Bumaba agad ako matapos kong mag hilamos at mag toothbrush.

"Ang aga mo!" I told her

"Ikaw ang late na. Papunta daw sila Ina sama sila sa Bethel" She said

"Oo tumawag nga sakin. Intayin mo na ko maliligo lang ako saglit." Paalam ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot agad na akong umakyat pabalik sa kwarto ko para maligo.

Nagsuot lang ako ng simpleng summer dress para kumportableng kumilos. Bumaba na ako agad dahil alam kong inip na inip na si Graciela. Ang ayaw pa naman niya sa lahat ay yung nag hihintay

"Let's go?" Aya ko sa kay Graciella na prenteng nakaupo sa salas habang nakataas pa ang mga paa

"Oh san lakad mo? Naka dress ka pa jan." Natatawang sabi ni Grace

"Walakampake" dirediretso kong sabi. "Ay wait iintayin pa nga pala natin sila Ina." Agad kong sabi

"Tawagan mo nga, tagal naman nila malapit na daw kanina hanggang ngay---" hindi na naituloy ni Grace ang litanya niya dahil may narinig na kaming bumubusina aa labas

"SOPHIIIIIEEE!" Eskandalosang sigaw ni Ina

"Ina tone down your voice nakakahiya sa kapitbahay nila Sophie." Saway ni Renz na ikinairap naman ni Ina

"Imissyoooouuu both!" Agad na yakap samin ni Ina

"Di ka naman miss pwe!" Pang iinis ni Grace

"May nalaman ako." I told her

"Whatever you know just keep your mouth shut. Ayokong mainis ngayon." Pag iwas niya sa topic. "So ano? Tara na? Excited na ko" kahit anong tago ni Ina, mapapansin pa rin na may iba sa kanya

Umalis na rin kami agad ng dumating sila Ina. Maya't maya ay tinitingnan ko ang cellphone ko dahil nagbabakasakali akong mayroong text manlang sa akin si Luke

"Wag ka nang umasa Sophie." Ismid sa akin ni Grace. Pagbaba namin ng kotse

"Wala naman akong ginagawa ah." Tanggi ko

Bad Boy, Good LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon