BC: Chapter 3

213 14 23
                                    

"God gave us everything in pairs... Two eyes, two hands, two ears... But why only one heart? Because he gave another to someone else for us to go find..."
_____________________________________________________________________________________

Franzine's POV

"Sister! Sister! Gumising kang gaga ka! Anong oras na!" Excited na yugyog sa akin ni Gail, lintek anong oras na ba? Pagtingin ko sa orasan ay halos mapamura ako! 9:00 na! 10:00 ang pasok namin!

"Eto na! Eto na! Sandali nga! Bakit ba excited na excited kang pumasok?" Nagtatakang tanong ko sakanya habang tinitignan siya, paano ba naman gayak na gayak agad siya...

"Siyempre! Excited na ulit akong makita ang lovestory ni Jungkook my dear!" Kinikilig na sabi niya na nakapagpa-irap sa akin. Oo nga pala makikita ko na naman yung hambog na yun...

Naligo ako at kumuha na lang ng sandwich ito na lang ang kakainin ko habang pumupunta ng school at dahil nga sira ang motor ko nag taxi na lang kami ni Gail...

Pagpasok ko pa lang ng University ako kulang na lang ay patayin ako ng mga babae dito, as if namang takot ako sakanila?

"Grabe siya ba yung hinalikan ng Kookie natin? Ang chaka niya ha..." Bulong nung isang babae na nakalaklak ata ng silicon...

"Sinabi mo pa, yuck! Look at her masyado kasing papansin!"

"Sister tara na, don't mind them mas maganda ka pa rin sakanila..." Bulong pa sa akin ni Gail, ayoko na sana talaga silang pansinin pero nagpantig talaga ang tenga ko sa sinabi ng babaeng 'to...

"Girls, as if namang papatulan talaga siya ni Jungkook. Come on knowing Jungkook, hindi siya papatol sa isang mukhang basahang babae, I'm hell sure na pamparausan lang siya ni Jungkook..." Mataray na sabi pa nito sa mga kasama niya...

Humarap ako sa tatlong babaeng mukha mga clown sa kapal ng mga make up nila at siyempre sa dami ng mga silicon nila sa katawan...

"Alam niyo? Kung magbubulungan kayo, pwedeng wag masyadong malakas? Nakakarindi eh..." Sabay ngiti ko sakanila ng pambwisit...

"Bakit? Tinatamaan ka ba? Oo nga pala paanong hindi ka tatamaan eh ikaw nga pala yung malandi..." Sabi pa sa akin ng isa, baka sarili nila yung pinatatamaan nila?

"Hindi ako malandi, concern lang ako kasi baka masyado niyo ng pinaparinggan ang mga sarili niyo. And come to think of it, baka kayo ang hindi pinatulan ni Jungkook dahil sa mga itsura niyo. But you know what bitches, he's a good kisser..." Huling sabi ko sakanila bago ko sila talikuran, anong akala nila takot ako sakanila? Tss... Damn them!

Pero nagulat ako ng bigla may nanghitak ng buhok ko!

"Sister! Hoy bitawan niyo nga ang bestfriend kong mga higad kayo! Bitawan niyo sinabi ang bestfriend ko!" Mayamaya pa ay nakisama na rin si Gail sa pakikipagsabunutan sa amin...

"F*ck you kang malandi ka!" Sigaw nito sa akin sabay haltak sa t-shirt ko...

"Hoy wag mo ngang hinahawakan ang precious skin ng bestfriend ko! Baka mangati siya!" Bulyaw sakanya ni Gail sabay hatak ng buhok ng isa pang babae...

"Bwisit ka! Bitawanan mo nga si Gail!" Sigaw ko naman sa nanampal kay Gail sabay tadyak ko rito!

"Stop it!" Napatigil kaming lahat ng may sumigaw na isang baritong boses sa amin...

Maymaya pa ay naramdaman ko na may jacket na naglagay sa balikat ko at isinara niya ito...

"Jungkook..." Takot na tawag sakanya ng tatlong babae...

Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon