"Before I met you, I never knew what it was like to be able to look at someone and smile for no reason..."
____________________________________________________________________________________Franzine's POV
"Franzine! Franzine!" Narinig kong tili ni Serenity sa labas ng bahay namin...
"Aba'y ano ba yan Serenity! Ke aga-aga pa hija eh naririnig ko na ang boses mo..." Nakangiting bati pa ni inay rito...
"Pasensya na po kayo 'Nay! Excited na po kasi akong sabihin 'to kay Zine!!!" Sabi pa nito bago pumasok ng bahay...
"Ano naman yun Serenity?" Nagtatakang tanong ko pa sakanya at para pa siyang timang na nagsasayaw dun...
"Kasi naman Zine! Yieee!!! Isinali kita sa pacontest sa bayan! Fiesta kasi dun diba!" Sabay hampas niya pa sa akin sa braso, nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya...
"Gago ka ba?! Bakit mo isinali?! Anong gagawin ko dun tatanga?!" Hindi kalmadong sigaw ko sakanya, sinong kakalma sa pinagsasabi ng lukaret na 'to? O sige na! May stage fright kasi ako, ayokong nagperperform sa harap ng maraming tao dahil pakiramdam ko ay mapapahiya ako bigla...
"Bakit ka naman mapapahiya? Ikaw pa ba? Si Franzine Gomez na lead guitarist at lead singer ng highschool namin dati!" Pagpapalakas pa niya ng loob ko...
"Ayoko na talaga sa mga ganyan Serenity..." Mahinang tanggi ko pa sakanya, may dahilan naman kasi kung bakit ako tumigil sa mga pagtugtog na yan...
"Ano ka ba naman anak, tama naman si Serenity. Hindi ba't pangarap mo naman talagang maging singer?" Sabay tapik pa ni inay ng balikat ko...
"Nay naman, alam niyo naman po na ayoko na sa mga ganyan diba?" Sagot ko naman sakanya, pero nginitian lang ako ni inay...
"Anak, kaya mo yan. Wag mong iisipin na mapapahiya ka lang. Magaling kang kumanta, maganda ang boses mo at alam ko na mananalo ka..." Pagpapalakas pa ng loob ni inay sa akin...
"Sige na Zine sumali ka na! Magaling ka naman talaga eh! Saka namimiss ko na ang boses mo!" Sabay nguso pa niya sa akin, napangiti ako sa sinabi niya. Siguro nga this is the time para labanan ko ang takot ko...
"Sige na sasali na ko..." Nakangiting sabi ko sakanila...
"Talaga Zine?! Wahhh!!! Gamitin mo ulit yung gitara ko! Namimiss ko na ang pagtugtog mo eh!" Excited na sabi pa ni Serenity sa akin...
"Hindi na Serenity... May gagamitin na ko para tugtugin..." Masayang sabi ko sakanya at nakita ko ang pagngiti ni inay...
Napabuntong hininga na lang ako sa desisyon ko, kaya ko 'to...
Nang magtanghali na ay agad kaming pumunta nina inay at Serenity sa dalampasigan at doon abangan sina Jungkook para makakain na kami...
"Zine, totoo ba na nasa inyo daw nakatira si Jungkook ng BTS?" Biglang issyoso pa sa akin ni Serenity habang iginagayak namin ang mga pagkain...
"Oo, sa amin siya nakatira. Bakit naman?" Parang walang interes na sagot ko pa sakanya, at nagulat naman ako ng hampasin niya na naman ako sa braso ng sobrang lakas!
"Punyemas ka! Wahh! Goals ka nang peste ka! Alam mo ba na mahal na mahal ko si Jungkookie?! Wahh! Omaygas! Kung alam ko lang na totoo pala yung chismis na 'yun ay sana nagpaganda pa ko lalo!" Parang kiti-kiting sabi niya pa sa akin...
"Ano ba? Ang sakit ng hampas mong babaita ka ha! Saka magpapaganda ka pa talaga? Baka mag mukhang clown ka na nyan!" Pang-aasar ko pa sakanya at bigla na lang siyang napanguso...
BINABASA MO ANG
Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)
FanficBTS Series #1: BTS Jeon Jungkook's Side Story Si Jeon Jungkook ay isa sa pinakabatang bilyonaryo sa buong Korea. He was born with a gold spoon in his mouth, lahat na ata ay nasa kanya na. Yaman, kasikatan, perpektong pamilya, mga kaibigan at kagwapu...