BC: Chapter 9

172 13 19
                                    

"Pag iniwan ka ng taong hindi para sa iyo, hanapin mo ang para sa iyo at kapag nakita mo siya. Bumalik ka sa dati at sabihin mong 'Salamat ha, kung hindi mo ko binasura. Hindi ko siya makikilala..."
____________________________________________________________________________________

Franzine's POV

Alam niyo ba yung pakiramdam na parang lutang na lutang ka na hindi mo maintindihan? Kanina ko pa kasi iniisip yung mga kinikilos ng Jungkook na yun kanina pa! 

"Aish! Shibal! Nababaliw ka na ba? Pabo!" Naisigaw ko na lang bigla at nagbalik lang ako sa reyalidad ng hampasin ng professor namin ang board, patay ka na Franzine!

"Ms. Gomez, stand up!" Galit na sigaw nito sa akin, tumayo naman ako habang nakayuko ang ulo ko...

"What did you just say? Minumura mo ba ko?" Madiing tanong nito sa akin...

"Hin-hindi po Ma'am..." Nakayuko pa ring sagot ko sakanya, minumura ko po ang sarili ko dahil sa Jungkook na yan...

"Kung ganun, bakit ka nagmumura sa gitna ng klase ko? Get out! Hindi porket naging girlfriend ka lang ng isang k-pop star ay gaganyan ka na! Get out now!" Galit na galit na sigaw nito sa akin, kaya naman imbis na makipagtalo pa ko ay kinuha ko na lang ang mga gamit ko at umalis...

"Sweetie..." Tangkang pipigilin pa ko ni Jun pero nginitian ko na lang siya...

"Psh, ayan kasi... Naging girlfriend lang ni Jungkook umarte na..." Narinig ko pang bulong ng kaklase kong lalaki, as if namang papatulan ko pa sila. Remember Franzine, insecure lang sila...

Paglabas ko ng classroom ay maaga pa, mamaya pa ang susunod na klase namin. At doon ko pa lang makaka klase si Jungkook...

Nasa Business Management kasi silang pito, habang ako ay nasa Accountancy. Kaya naman imbis na umalis pa ko ay naisipan ko na lang pumunta muna ng Cafeteria, iintayin ko na lang siguro na magtime...

Nga pala, nasaan na kaya si Gail? Hindi ba siya pumasok ngayon? Kinuha ko ang cellphone ko na may basag na ang screen dahil sa pagkakabagsak nito noon...

Pero nakailang tawag na ko ay wala pa ring sumasagot, anong nangyari dun? Kung kailan naman kailangan ko ng mapagsasabihan ko ng nararamdaman ko ngayon ay saka naman siya busy...

Nang ilang minuto na ang nakakalipas ay naisip ko na mag cr muna, ang tagal namang mag dismiss! Pero napahinto na ko ng mapadaan ako sa hallway papunta sa comfort room ng makita ko sina Gail at Jedrick na naghahalikan!

What the heck?! Kailan pa naging ganyan ka close sina Gail at Jedrick? Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng boses ng wala sa oras, ang lalaking gusto ko at ang bestfriend ko ay nakita kong naghahalikan sa harap ng dalawang mga mata ko...

"Gail..." Mahinang tawag ko sakanya, na sapat na para matigil sila sa ginagawa nila. Nang makita ko ni Jedrick ay napangisi pa siya na parang demonyo...

"Franzine... A-ano..." Gulat na gulat na sabi ni Gail sa akin, pero tinignan ko lang silang dalawa ng blanko...

"Pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang, Gail?" Malamig na tanong ko sakanya, tumango lang siya at nakita ko na bumitaw siya kay Jedrick. Pagkatapos ay sinundan niya ko sa loob ng cr...

"Franzine..." Naiiyak na banggit niya ng pangalan ko...

"Ano yun? Kailan pa naging kayo ni Jedrick?" Naiinis na tanong ko sakanya...

"Simula ng mangyari yung bet sa pagitan ninyo ni Jungkook..." Nakayukong sagot niya sa akin...

"So ibig sabihin ba nun, ginamit mo lang ako para maging kayo na ni Jedrick? Kasi alam mo na may gusto ako kay Jedrick kaya ginawa mo yun?! Gail naman eh! Akala ko ba bestfriend kita?!" Nanggigil na sigaw ko sakanya, kaya ba atat na atat siya na maging kami ni Jungkook dahil sakanila ni Jedrick?

Blank Contract (BTS Jungkook Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon